Kabanata VI

7.2K 70 5
                                    

The worst part of being sad is not able to explain why.

***

"PAANO MO nagawang makalimutan 'yun , George?"

Wala akong imik na nakayuko lang habang nakikinig sa sermon ni Agatha. Wala akong masabi dahil kasalanan ko naman talaga. Bakit ko ba kasi nakalimutang gawin ang report namin? Ngayon pa man din ipepresent ng grupo namin ang report na'yun at  napaka-importante nun dahil doon nakabase ang 40 percent ng grades namin. Tapos nakalimutan ko pang gawin. I felt so useless. Tinuringan pa man din akong Leader ng grupo namin.

Responsable akong tao at wala akong nakakaligtaan lalo na kung nay kinalaman ito sa school choirs ko. Pero isang simpleng power point presentation lang ay nakalimutan ko.

"Paano na iyan ngayon? Wala tayong report. Mabuti sana kung ikaw lang ang babagsak, mandadamay ka pa!" Patuloy niya. Kulang nalang ay bugahan n'ya ako ng apoy sa sobrang inis n'ya sakin.

Inis? She's raging mad!

Kung hindi ko lang talaga kasalanan ang nangyayari ngayon, hindi ako papayag na gan'to gan'tuhin n'ya. But it's my fault. Alam kong kasalanan ko ito and I need to face the consequences. Kargo de kunsensya ko din kapag bumagsak sila.

"I-I'm sorry, nawala kasi sa isip ko." I bit down my lower lip para pigilin ang pag-iyak ko. Gusto ko na talagang maiyak.

Tumikwas ang kilay niya at matalim akong tiningnan "Paano mo ba namang maaalala eh mas inuuna mo pa ang makipaglandian!" She laugh mockingly.

Napamaang ako sa sinabi n'ya. Pati sila Beatrice at Miguel na nandoon din na ka grupo namin eh natigilan sa sinabi n'ya.

"Agatha, that's enough!" Suway ni Beatrice sa kan'ya. "Walang may gusto ng nangyari!" Pag dedepensa niya. Pero hindi parin tumigil si Agatha sa pangongonsensya sakin.

"Bakit pa kasi nag-prisintang maging leader kung hindi naman kayang panindigan. Mas mabuti pa nga ang pagbuntot mo kay Calvin, nagagawa mo. Pero simpleng power point report lang ay hindi mo pa nagawa!"

Uminit ang mga sulok ng mata. Doon na ako napahagulgol sa pag-iyak. Agad naman na lumapit sakin si Beatirce at pinatahan ako.

Tama siya. Napaka-iresponsable ko. Pero mas higit akong nasasaktan sa mga masasakit na salitang binitiwan niya. Siguro nga tama s'ya sa sinabi n'yang malandi ako.

Malandi ako dahil nagpahalik ako kay Calvin kagabi!

At isa pa 'yun na lalong nagpapakonsensya sa'kin.

"Mag-sorry ka, Agatha!" Sigaw ni Beatrice sa kan'ya.

"Why should I? Eh pawang katotohanan lamang ang sinabi ko ..." Pagmamatigas niya.

"O-okay lang.." Humihikbi kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko. "Tama naman sya eh. Napaka-iresponsable ko.. I'm sorry..."

"Buti alam mo!" Galit na sambit nito saken

"It's okay, George. Hindi mo naman sinasadya." Pag cocomfort naman saken ni Bea.

"Pano ang landi landi kase. Mas inuna pa makipaglandian kay Calvin." Hindi papaawat na dagdag nto.

I shut my eyes tightly at huminga ng malalim.

Napalitan na ng pagkabwisit ang pagkakonsensya ko. Sobra na 'yung mga pinagsasasabi n'ya. Bellow the belt na 'yun! Tanggap ko na ngang mali ako hindi pa ba sya maka move on?

Tumingin ako sa kay Agatha and try my best na pigilan ang sarili kong sabunutan sya. "I'm sorry talaga." Iyon lang at tumayo na ako at tumakbo palayo sa kanila.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon