"No matter how STRONG of a person you are ,there's always someone who can make you weak."
***
NAKAHIGA ako sa kama habang yakap yakap ang unan ko. Nakatingala lang ako sa kisame habang hinihintay ang pagbabalik ni Calvin. Lumabas lang kasi s'ya saglit dahil may bibilhin daw sa may convenient store jan sa kanto. Hindi na ako sumama dahil ang totoo lang gusto ko talagang mapag-isa ngayon.
Kakauwi lang namin galing sa mall dahil nagyaya ako na umuwi agad .
Dinahilan ko nalang na hindi maganda ang pakiramdam ko. Pero ang totoo talaga ay dahil sa nalaman ko na panloloko sa'kin ni Carl. Kahit anong gawin kong pagwaksi sa isip ko ng nakita ko kanina ay hindi ko magawa. Parang echo yun na pault ulit na pumasok sa isip ko.I am still in the state of shock because of what I've discovered. Hindi ko nga alam kung nabroken hearted ako dahil mas nangingibabaw ang pagkabigla ko sa nalaman ko. Who wouldn't? Nalaman mo ang matino mong boyfriend ay niloloko ka! I just couldn't believe that Carl can do this. I know Carl , bago ko pa man siya sinagot noon ay inalam ko muna ang pagkatao n'ya. And his a one woman kind-of-a-guy.
But he cheated on you, Georg! Singhal ng kabilang bahagi ng isip ko.
Totoo nga siguro ang sinabi ni Calvin noon.. Walag matinong lalaki. Lahat ng lalaki ay pareho lang ang likaw ng bituka. Pero saan ba ako nagkulang para lokohin ako ni Carl?
Naputol lamang ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa may labas. Ilang sandali lang din ay pumasok si Calvin sa may kwarto ko. May dala siyang malaking supot. Napatingin naman ako sa itsura n'ya at hindi ko mapigilang mapangiti sa sarili ko dahil nakalukot iyon. Ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa ako sa tuwing nakabusangot ang muka n'ya. Ang cute cute n'ya kase kapag ganun ang itsura n'ya. Tsaka para s'yang bata..
"Oh.. Bakit ganyan ang itsura mo?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya habang bumabangon sa pagkakahiga ko. Umupo naman siya sa may dulo ng kama..
"Tangina kase nung baklang cashier sa may 7-11.. Hinihipuan ako.. Kingina kadiri!" Gusto kong matawa dahil sa itsura n'ya ngayon pero baka mas lalong mainis lang sa'kin ang unggoy na'to kaya napakagat nalang ako sa ibabang labi ko para mapigilan ang pagtawa ko.
"Paano mo naman nasabi hinihipuan ka?...""Ayaw n'ya kasing bitawan 'yung kamay ko nung inabot ko yung bayad sa kan'ya. Tangina n'ya kapag nakita ko ulit s'ya babasagin ko na ang muka n'ya.." Naiinis n'yang sabi. Ako naman ay hindi ko na mapgilan ang pagtawa ko. I burst out laughing because of his grumpy face. ngumuso lang siya "Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" Takang tanong n'ya sa'kin kaya napahinto ako sa pagtawa.
"Ayos na ako.."
"Gusto mo lang siguro akong masolo kaya nag-yaya kang umuwi." Nakangising sabi n'ya. Naibato ko naman sa kan'ya ang unan ko ng wala sa oras.
Iniisip pa ba ng lalaking 'to ang mga sinasabi n'ya? "Gago mo! Mandiri ka nga sa sarili.."
"Alam mo babe, okay lang naman kung pinagseselosan mo 'yung mga chicks na nakatingin sa'kin kanina sa mall. Walang kaso 'yun. Kaya lang ilagay mo naman sa posisyon ang pagseselos mo dahil kaibigan lang kita." Sabi niya dahilan para matigilan ako.
Pakiramdam ko eh sinampal n'ya ako sa sinabi n'yang 'yun. I know that it's a joke. Pero bakit ganito? Parang nasaktan ako sa sinabi n'ya na kaibigan lang kami?
Why Georgina? Do you expect something between you and Calvin? Gusto mo more than friends ? Natigilan ako. Did I really want us to be more than friends? Confusions started to eat me. Lihim nalang akong napailing dahil sa mga naiisip ko. Baka kaya lang ako nagkakaganito dahil sa nalaman kong panloloko ni Carl sakin kaya nagkakagulo ang isipan ko.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
RomanceBakit ka pa mag-hahanap ng BOYFRIEND.. Kung meron ka namang BESTFRIEND...