Kabanata XIV

7.3K 115 93
                                    

Forgiving someone is easy but being able to trust them again is a totally different story.

****


"ATE GEORGE!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. At nakita ko namam si Alice na nakasuot pa ng cheerleading uniform niya na papalapit sakin. Kinawayan ko s'ya at nginitian.

"Nanuod ka ng game?" Tanong niya sakin ng makalapit.

Tumango naman ako. "Galing mo kanina ah." Sabi ko at pabiro ko pa s'yang siniko. Isa kasi siya sa member ng cheer leading squad ng varsity team.

She proudly smile. "Sus maliit na bagay."

Napangiti nalang ako.

Kakatapos lang ng nangyaring Final Championship Game at sa mismong university namin 'yun ginanap, and as expected nanalo ang team ng university namin. Napuno ang gymnasuium ng mga estudyante mula sa ibat ibang university. Halos mabingi ako kanina sa sigawan at tilian ng mga babae na karamihan ay nagchecheer sa mga gwapong player.

After the game ay unti unting nagsialisan ang mga tao sa loob ng court. May mga ilang natira para magpapicture sa mga players,  karamihan e babae at bakla.

Awtomatikong hinanap ng paningin ko si Calvin pero hindi ko na s'ya makita. Kanina kasi after matapos ng game ay mga may lumalapit sa kanila, kinokongratulate sila. Gusto ko din sana s'yang i congratulate pero nahihiya akong lumapit sa kanya. Lalo pa at nakita kong nandito si Geneva kanina at pinanuod din s'ya. Pain struck my heart like a lightning bolt when I remembered what happened in the game earlier.

I saw Geneva. Nandito s'ya kanina at ang masakit, s'ya pa ang nag-aasikaso kay Vin every time-outs of the game. Pinupunasan n'ya ang pawis nito at pinapainom n'ya ng tubig. Na usually ako ang gumagawa noon. Pakiramdam ko ay hindi na ako kailangan ni Vin sa buhay n'ya. Hindi ko mapigilang hindi mainis sa sarili ko dahil sa nararamdaman kong ayaw kong pangalanan. I hated myself for feeling that way. Ang hirap e.

"Hi babe!"

Naramdaman ko ang kamay na umakbay sakin. When I turned my head to the right, si Lev ang nakita ko. Nakangisi siya at pawisan pa pero gwapo parin naman.

I automatically smile at him. "Uy Lev!"

"Napanuod mo ba 'yung game namin? Ang galing ko diba?" Sabi niya  na may mayabang pang ngisi.

Siniko ko naman s'ya at inirapan. "Gago! Ang yabang mo talaga." Pabiro at natatawa kong sabi. Pero totoo naman kasi na may ipagmamayabang itong si Lev. Magaling naman kasi siyang maglaro talaga. Ang galing galing kaya nitong magshoot. If you know what I mean.

"Congrats Lev." Alice said making my head turned back to her. And I'm shook when I saw her giving Lev a flirty smile.

Ay teka!

Ngumiti naman ang loko ng makita si Alice at pinasadahan pa n'ya ito ng tingin. "Thanks." Inalis nito ang pagkakaakbay sakin at lumapit kay Alice. Hindi maalis alis ang ngiti nito sa labi.  Napansin ko din ang pagpapacute ni Alice dito. "Who's this pretty lady, George?" Tanong n'ya.

Kumunot ang noo ko na nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa... Ay wow! Kanina lang babe ang tawag sakin. Ngayon George na. Hindi ako nagsalitsa kaya si Alice na mismo ang nagpakilala sa sarili n'ya.

"I'm Alice, by the way. Ate George's friend." Alice extended her hand, aabutin na sana 'yun ni Lev ng tapikin ko ang kamay n'ya.

"Alam ko ang ngising 'yan Levin Montfiel!" May pagbabanta ko s'yang pinaningkitan ng mata. Alam ko yung ganung tingin e. Mahirap na at baka mabiktima nito si Alice. Baka magwala pa si Alek kapag nagkataon.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon