Kabanata IV

8.8K 84 4
                                    

"Somewhere between our laughs,long talks,stupid little fights and our lame jokes I fell in love."

-

"YES Gorg! Thats perfectt! Beyuutifull!"

Halos sumakit na ang kasukasuan at balakang ko sa kakasunod ng pose na gusto ni Manager Clyde. Kulang na nga lang e pagpalitpalitin ko ang parte ng katawan ko para masunod ang pose at angle na gusto nito. May pag sadista talaga 'tong si Manager Clyde. Sobra pa sya mag-utos sa photographer e. Hindi lang ako makapag reklamo dahil malaki ang utang na loob ko sa kan'ya. Tsaka isa pa, ginusto ko din naman ito diba? Hahaha. Si Manager clyde or Rogelio Catigbak sa tunay na buhay (he's a gay) kasi ang tumulong sa'kin na matupad ang pangarap ko. Itong pag-momodelo ko. Kaya na kahit gaano kalayo ang pag-shootingan namin at gaano kahirap ang mga pinapagawa n'ya sa'kin ay sinusunod ko nalang bilang pagtanaw ng utang na loob.

I am at a photoshoot right now. I was given a project kasi by one of the famous Clothing Company in the Philippines . Kinuha nila akong model para sa mga ila-launch nilang mga bagong clothing product. When Manager Clyde asked me if I want to take this project eh hindi na agad ako nag dalawang isip at nag-patumpik-tumpik pa. Sinunggaban ko kaagad ang opportunity. Ako pa ba ang choosy? Panlamang tyan din 'to 'no?

Fierce and sexy ang theme ng photoshoot kaya kahit na mukang akong Anghel.. Arhm.. I need to be sexy and alluring dahil mga sexy dresses at nightdresses ang minomodel ko.

"Gimme that pirs face!" Utos nito na sinunod ko naman. I looke at the camera fiercely like its my worst enemy. After few more snaps ,we finish the shoot. Nang matapos na kami Tsaka lamang naging maayos ang paghinga ko.. Pakiramdam ko eh ilang oras akong hindi nakahinga dahil sa mga pinapagawa sakin ni Manager Clyde... Nang matapos na kami ay Mabilis akong inabutan ng tuwalya ng isang staff, Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Ibinalot ko naman agad ang tuwalya sa katawan ko. Nakasexy dress lang kasi ako at ang lamig lamig pa sa loob ng studio dahil sa aircon. Pakiramdam ko ay sisipunin nga ako dahil nagbabara na yung ilong ko.

"You're zoo beyuutipul , Georgina. You never paled to impress me.." Manager Clyde said in a fake Russian accent. Ewan ko ba kung bakit pinupush nito ang pagkakaron ng Russian accent kahit na hindi naman bagay sa kanya. Tinatawanan nga namin s'ya ni Calvin dahil pinilpilit n'ya talaga ang Russian Accent n'ya.

Speaking of Calvin. Nasaan na ba ang unggoy na 'yun? Inutusan ko lang 'tong bumili ng tubig dahil nakalimutan kong magdala ng tubig ko pero hanggang ngayon ay hindi parin 'to bumabalik.. Isinama ko kase 'to ngayon dahil wala itong pasok, paniguradong mag-iinom lang kasi ito maghapon sa apartment n'ya o di kaya ay manunuod ng mga pornø at magsasarili. Tsaka para narin may mautusan ako . hahaha.

"Manager Clyde,Have you seen Calvin?" Tanong ko dito habang nagtatangal ng mga anik anik sa buhok ko.

"Hmm. Don't ask me your boyfriend.. I haven't zeen him.. "

Napatingin naman ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. Parang hindi nito naisip ang sinabi dahil tuloy parin ito sa pag-aayos ng mga gamit n'ya. Kung nag-jojoke kase ito ay bigla itong tatawa after niyang mag-joke. "Manager Clyde, hindi ko boyfriend si Calvin 'no." Nakasimangot na sabi ko dito. Halos lahat ng staff eh napagkakamalang boyfriend ko si Calvin dahil lagi ko syang sinasama sa mga photoshoot ko. Mas madalas ko pa nga s'yang kasama kesa kay Carl. Hindi kasi suportado 'yun sa pinasok ko. Buti pa si Vin eh supportadong suportado ako.

"Don't fool me , honey. I know that there ez something goin on between you and Calvin.. Don't me , honey," Nakangising sabi nito sa'kin.

Napailing nalang ako sa sarili. Hindi na ako nagsalita pa. Knowing Manager Clyde, ipipilit talaga n'ya ang pinaniniwalaan n'ya. Pagkatapos kong mag-ayos ng buhok ay nagpaalam ako kay Manager Clyde para hanapin ang unggoy na si Calvin. Nanunudyo pa ang tingin nito sakin bago ko s'ya iniwan.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon