What is stronger than the human heart which shatters over and over and still lives.
*****
DAYS had passed since the last time I saw Calvin. 5 days to be exact. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko namimiss ang unggoy na 'yun. I damn miss him so much. Sorang namimiss ko na s'ya. Yung paghaharutan namin, yung asaran, yung kalokohang pinanggagagawa namin especially our small fights. Namimiss ko na 'yun lahat.
I let out a deep breath and smile painfully.
But even though I missed him, hindi ko naman s'ya pwedeng makita. I'm still confused and mad at him. Kaya nga iniiwasan ko s'ya ngayon.
Namimiss ko s'ya but I'm really trying my best na wag siyang puntahan sa apartment niya at wag siyang itext o tawagan. Grabe din ang ginagawa kong pag-iwas para hindi lang magkrus ang landas namin sa school. Hindi ko nga alam kung paano lumipas ang mga araw na hindi kami nagkikita kahit na sa iisang university lang kami nag-aaral. Hindi rin ako nakatanggap ng ano mang text o tawag mula sa kanya. Feeling ko pareho lang din naman kaming nag-iiwasan.
I missed Calvin. Pero siguro tama na rin na hindi na muna kami magkita after ng nangyari.
Fresh parin sa alaala ko ang sinabi niya. 5 days ago, he asked me if we could just forget what happened. About that kissed. Tanong na hanggang ngayon ay wala parin akong sagot. At aaminin ko, it hurts me so fvcking much. Pakiramdam ko ay sinampal n'ya ko sa sinabi n'yang 'yun. Hindi naman kasi 'yun ang in-expect kong sabihin n'ya sakin. I expected him to explain. To say sorry perhaps? Pero habang ako, hindi makatulog sa gabi at binabagabag ako ng halik na 'yun, s'ya naman ay nagpapakasaya sa babae n'ya. Mukhang nakalimutan na nga yata n'ya ang nangyari. Which is so fvcking unfair. Nakakatampo at nakakasakit ng loob.
Hayy! Buti na lang nga at dumating bigla si Geneva nung time na 'yun kaya hindi ko nasagot 'yung tanong n'ya. Dahil sa totoo lang ay hindi ko din alam ang isasagot sa kanya.
But even though we haven't heard from each other for a long time now, I still want us to reconcile because I fvdgin miss him. This is by far the longest day na hindi kami nag-uusap.
Eh si Calvin kaya , namimiss din kaya n'ya ako? Gusto rin kaya n'ya akong makausap? Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko at umasa na sana nga namimiss n'ya rin ako.
Sus malamang nagpapakasaya 'yun ngayon sa piling ng girlfriend n'ya. Baka nga di ka man lang sumagi sa isip n'un e. Sabi ng mumunting boses sa isipan ko na bumasag sa pag-asa ako.
Napasimangot ako. Kainis! Nababaliw na yata ako! Pati ba naman sarili ko e againts narin sakin.
Pero nakakalungkot lang. Hindi naman kami ganito noon ni Calvin. Kapag may tampuhan kami ay s'ya agad itong gumagawa ng paraan para mag kabati kami. Hindi nga mapakali 'yun kapag nag-aaway kami at pag di ko s'ya pinapansin. But now, parang nag bago nalang bigla ang lahat. Parang may nakapagitan sa min dalawa na hindi namin matanggal. Ay ewan. I think sa mga nangyayari sa amin ni Calvin, nagkakaroon na ng lamat ang pagkakaibigan namin. Lalo pa ngayon na may sineseryoso na s'yang babae. I feel like we are drifting apart. And it scares me. Ayaw kong mangyari samin 'yun ni Calvin. Iniisip ko palang ay sumasakit na ang puso ko.
Malalim akong napabuntong hininga.
"Ang lalim n'un aa."
Muntikan na akong mapamura sa asobrang gulat dahil sa boses na bigla nalang nagsalita. It damned startled me. Nang lingunin ko kung sino ang hinayupak na kabute, nakita ko si Lev na nakatayo sa likod ko. May ngisi sa labi nito habang nakapamulsa. Medyo close din kami ni Lev dahil na rin kay Calvin. And like Montemayor, babaero din ang isang 'to. Sa tingin ko nga ito ang pumapangalawa kay Vin sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Well, I can't blame the girls that after him. Gwapo din naman si Lev e. Like Calvin kasi, half half din itong si Lev. Kaya tingnan mo, mga mukha silang abnoy. Hahaha. Kidding aside, he's actually half russian half filipino.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
RomansaBakit ka pa mag-hahanap ng BOYFRIEND.. Kung meron ka namang BESTFRIEND...