Kabanata XI

4.7K 49 1
                                    

"Someday, someone is going to hug you so tight, that all your broken pieces fit back together..."

***


THREE effin long days.

Ganun katagal na simula ng huli kong makita ang unggoy na Monyemayor na 'yun.

And it's been 3 days since that second kiss happened.That damn jkiss.

Napabuntong hininga ako habang iniisip ko na naman ang nangyari ng gabing 'yun.

Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Calvin that night. Ni hindi ko nga magawang makatulog sa gabi dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata, laging nagpa-play na parang sirang plaka sa isipan ko ang eksenang 'yun na para bang andun ako at pinapanuod ko ang eksaktong nangyari. Kung paano hinalikan ako ni Vin, kung paanong tinugon ko ang halik niya hanggang sa kung paanong bigla s'yang umalis na parang walang nangyari.

Like I was watching a movie with a sad ending.

Ewan ko ba kung bakit ganoon ang epekto ng kiss na 'yun sakin. Kung tutuusin dapat hindi ko na 'yun iniisip because that wasn't our first kiss. But I can't make myself forget that damn kiss. Maybe, because he's my freaking best friend kaya napaka big deal ng nangyari 'yun sakin.

Hello! we've been friends since the dinosaurs roamed the earth. And it's not just a simple kiss. And I know, it's also a big deal for him. At sa tingin ko pinagsisihan n'ya ang ginawa n'ya. Sino ba naman ang hindi? I wasn't Calvin's type. And never will be. Kaya nga hindi nagpapakita sakin ang unggoy na 'yun e.

Muli akong napabuntong hininga.

Hindi ako tanga, alam ko naman na iniiwasan ako ng unggoy na Montemayor na 'yun. I know him. Alam kong iniiwasan n'ya ko, kung hindi man, pinagtataguan nya ako.

Napanguso ako habang pinapatay ko na sa isipan ko ang walang hiyang unggoy na Montemayor. Bwisit s'ya. Kung maka-akto akala mo naman siya iyong na-agrabyado, akala mo siya itong pinagsamantalahan. Gago ba s'ya! S'ya nga itong nagnakaw ng halik sa akin.

Well technically, hindi n'ya ako ninakawan ng halik. He took advantage of me at dahil babae ako, mahina at marupok, nagpadala naman ako sa tukso... Ugh!!! I do make sense right?

Kaya wag s'yang umarte na para bang s'ya pa ang na-agrabyado. Bwisit s'ya. Pag nakita ko talaga s'ya, tutuktukan ko sya!

Kaya mo ba? Anang mumunting tinig sa isipan ko na para bang tinutukso pa ako.

Muli akong napabuntong hininga. Ako narin mismo ang sumagot sa sariling katanungan.

I can't even face him ng hindi ako matataranta. Maganda na rin siguro kung hindi muna kami magkita ng unggoy na 'yun, hindi ko din kasi alam kung ano ang sasabihin ko oras na magkita kami.

What happened between us is awkward.... no! it's a freaking dissaster. Kung bakit ba kasi ginawa n'ya 'yun.

"Because he's drunk, stupid!" Mahinang pagkausap ko sa sarili.

"What's with the grumpy face, George?" Tanong ni Alek sa akin sabay lapag ng hot chocolate sa table namin dahilan para maalis ako sa malalim na pag-iisip.

Alice, Alek and me are in a Coffee Shop near the school. Parehk naming free time ni Alek while si Alice naman ay nagpapart time sa Coffee Shop. Simula ng mangyari ang lasing incident ko a week ago, mas lalo pa kaming naging close na tatlo. Nakadagdag din siguro ang similiraties namin ni Alek kaya mas lalo kaming naging close. Like she's the carbon copy of my attitude. At dahil narin siguro hindi ko na nakakasama si Calvin kaya mas lalong nagiging close ako sa kanilang dalawa. They felt like my sister that I never had.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon