Kabanata IX

5.9K 66 7
                                    

Hi guys! (Kung may nagbabasa pa neto hahahahaha!) I just want you to know na nahanap ko na ang gaganap na Calvin Vincent Montemayor!!!! Hahahahaha.

Hi guys! (Kung may nagbabasa pa neto hahahahaha!) I just want you to know na nahanap ko na ang gaganap na Calvin Vincent Montemayor!!!! Hahahahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


What do you think? Your opinions are important so please leave a comment :)


bemaxxe,
****

"THANK you sa paghatid." Nakangiti kong sabi habang binubuksan ko ang pintuan ng pick-up ni Aleksei. Inihatid n'ya kasi ako sa my apartment ko. Tumangi pa nga ako nung una but she insisted kaya pumayag na din ako. Naisip ko na sayang din yung seven pesos na ipapamasahe ko.

"No problem."

Napatungo ako ng maalala ko na naman ang pinanggagagawa ko sa bistro nila kagabi. "sorry talaga sa istorbo." Sobrang nakakahiya kasi talaga ang ginawa ko kagabi.

I couldn't imagine na magagawa ko 'yung kagaguhan na 'yun kagabi. Sobrang nakakahiya lang talaga. Hindi na talaga ako iinom. I swear!

"Okay lang 'yun. At tsaka naka isip ako ng gimik dahil sa ginawa mo kagabi na pwedeng makadagdag ng costumer sa bar." Talaga? May naisip pa s'yang gimik dahil sa kalokohan ko?

"Kung may problema ka. You can go to the bistro any time you want."

Napangiti naman ako. Alek is very thoughtful tapos ang gaan pa ng loob ko sa kanya. It felt like she's the sister I never had. I think we can be good friends.

Nang makapag-paalam na kami sa isa't isa ay agad din naman s'yang umalis. May pasok daw kasi s'ya. Nalaman ko din na sa iisang school lang kami pumapasok and we're in the same year. Miyembro siya ng music club sa school and her sister Alicia naman ay member ng cheer leading squad sa school namin. Kaya pala familiar sakin si Alice. Nakikita ko s'ya sa tuwing nanunuod ako sa mga laro ni Calvin.

Mabilis akong pumasok sa kakabukas palang na elevator at pinindot ang floor unit ko. Buti at minor subjects lang ang mga subjects ko ngayon kaya pwede akong um-absent. Tsaka hidi rin ako makakapasok talaga ngayon dahil wala ako sa mood na humarap sa maraming tao. Gusto kong mapag-isa ngayon.

My body straightened when the elevator cracks to open. Pero hindi pa man ako nakakalabas ng elevator ay galit na boses na ni Calvin ang bumungad sa'kin.

"WHERE THE FVCK HAVE YOU BEEN, GEORGINA?" his angry voice filled the hallway.

Madilim din ang itsura niya habang nakatingin sa'kin.Pero hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood at baka sa kanya ko pa maibuhos ang galit ko. Lumabas ako ng elevator tapos nilampasan ko lang s'ya.

Wala pa akong balak na sabihin sa kan'ya na break na kami ni Carl. Tiyak akong susugurin nito si Carl. I know he's one of the reason kung bakit kami nagbreak, pero labas parin s'ya sa hiwalayan namin. It's my own problem to face.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon