The most dangerous woman of all is the one who refuses to rely on your sword to save her because she carries her own.
****
MULA sa kinauupuan ko ay pasimple kong sinipat ang kaharutan ni Vin. Walang iba kundi si Geniva.
Hindi ko maikakailang maganda nga s'ya. Perfectly tanned skin. Full lips. Hazel Brown eyess. Sexy body. At pinagpalang hinaharap.
Nagbaba ako ng tingin sa dibdib ko saka pasimpleng tiningnan ang dibdib n'ya.
Dibdib palang walang wala na ako.
At kahit saang angulo ko s'ya tingnan, even when she's laughing or talking, maganda parin s'ya. Hindi na ako magtataka kung pakasalan s'ya agad ni Vin pagkatapos ng graduation. She's Calvin's ideal woman. Ni wala nga ako sa kalahati n'ya.
I feel insecure all of a sudden. She's really beautiful. S'ya ang pinaka maganda sa lahat ng naging babae ni Vin. S'ya din ang pinaka sexy. S'ya din ang---.
"George bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Ayaw mo ba?"
Napako ang tingin sakin ng lahat sa sinabing 'yun ni mom. Napansin siguro n'yang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko kaya n'ya yun naitanong. Doon ko lang din napansin na hindi ko nga ginagalaw ang pagkain na nasa plato ko.
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Calvin na blangko ang ekspresyon na nakatingin din sa'kin pero agad din akong nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobra pa sa awkward ang sitwasyon namin ngayon. O ako lang ang nakakaramdam 'nun.
Tumikhim ako saka umayos ako ng upo. "No. The food's good mom." I tried to smile. Sinubukan ko rin sumubo ng kaunti pero wala talaga akong gana. And that's a miracle! Naghimala ang langit ngayon. Never pa kong nawalanang gana. Lalo pa't favorite ko ang mga nakahain. Pero sa mga sandaling to ay wala talaga akong gana.
"By the way, Calvin, when is your final game? Dapat ay isama mo si Geniva doon para may mag-cheer sayo." Tanong ni Tita Louis kapagkuwan. "Naku hija! You should see him playing. Alam mo bang siya ang captain ng Basket Ball team nila."
What?!
Ewan ko ba pero Bigla akong nainis sa sinabing yun ni Tita. Iniimbitahan n'ya pa 'to e lagi naman akong nasa mga laro ni Vin. Ako kaya ang nagchecheer sa kanya palagi at never akong hindi umatend sa laro ng team niya. Hindi pa ba ako sapat?! Grr! Naiinis na hiniwa ko ang karne na nasa plato ko. "Ano ba 'tong karne na 'to! Bakit ang tigas! Pinakuluan ba 'to? Bakal yata 'to e!" Mahina kong bulong habang focus na focus ako sa ginagawa.
"Vin already invited me, Tita." Anito sa malambing na boses saka hinaplos pa sa braso si Vin. Was that really neccesary? At ang unggoy naman mukhang tuwang tuwa pa. Panay lang ang tawa at ngiti nya sa babaeng 'to.
Muntik ko ng maitirik ang mga mata sa kanila.
Aba Georgina ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Anang mumunting tinig sa isang sulok ng isip ko.
Napatuwid ako ng tayo kasabay ng paghinto ko ng may pumasok na ideya sa isip ko.
Hindi kaya nagseselos ako?
I immediately shake the idea out of my head. Ako? Magseselos? Ha! Never! No. No. No! Hahahaha.
Marahil ay naiinis akosa kanya dahil sa mga nangyayari samin, sa ginawa n'yang paghalik sakin tapos hindi man lang s'ya nagpaliwanag at hindi s'ya nagparamdam ng tatlong araw sakin tapos malalaman ko na abala pala s'ya sa fiance n'ya.
Best friend n'ya ako. At ang ginawa n'ya sakin ay di katanggap tanggap. Explaination lang naman ang kailangan ko para hindi na magulo ang utak ko, para mag karoon na ng linaw ang nangyari. Para di na ako umasa.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
RomanceBakit ka pa mag-hahanap ng BOYFRIEND.. Kung meron ka namang BESTFRIEND...