"Don't take the woman for granted . Someday , someone will come along and appreciate what you didn't"
***
"Tanga ka ba? Bakit mo hinalo yung patatas eh huling ilalagay 'yan!" Kamuntikan ko ng mai-pukpok sa ulo ni Vin ang sandok na hawak ko dahil sa inis ko dahil sa pagiging pakialamero n'ya! Grrr! Tutubuan talaga ako ng puting buhok sa lalaking 'to!
"Eh kasi akala ko ilalagay na 'yung patatas eh!" Nag-peace sign pa s'ya sa'kin.
"Sino ba naman kasi ang nagsabing pakialam mo 'yung niluluto ko? Gusto mong ipa-ulam ko sa'yo yung asin?" Inisa isa kong tinanggal ang patatas na inilagay n'ya sa may kaserola. Buti at hindi pa kumukulo at baka mash potato ang kalalabasan nitong patatas! "Naku, Montemayor.. Umalis ka nga dito sa kusina at baka mapukpok kita ng sandok ng wala sa oras!"
Nasa apartment n'ya ako ngayon. Wala kasi kaming pasok ngayong araw kaya naisipan ko na dito nalang mag-lunch at mag-dinner narin sa flat n'ya ng may matinong makain man lang ang lalaking 'to. She requested for nilaga dahil gusto n'ya daw ang may sabaw. Nakakapagtaka pa ba 'yun?Mahilig talaga s'ya sa masabaw at masarsa.. If you get what I mean.. So namalengke kami ng rekado para sa lulutuin namin, I mean ako lang pala ang magluluto. Hindi marunong magluto ang lalaking 'yan, kahit nga yata magbukas ng lata hindi n'ya kaya kasi isa s'yang malaking TANGA! Woops! Napapaisip nga ako minsan eh, paano kung hindi kami nagkakilala, paano kung hindi kami nagging mag-best friend? Buhay pa kaya ang lalaking 'to? Malamang hindi dahil sa katamaran at katangahan n'ya hindi talaga s'ya mabubuhay, maliban nlang kung kukuha s'ya ng katulong o sa bahay ng parents n'ya siya titira.
"Akala ko kasi ilalagay na 'yung patatas.. Malay ko ba na huli pala yun?" inosenteng sabi n'ya.
"Gosh! Hindi ka ba naman kalahating gwapo't kalahating tanga!" Umihi lang kasi ako saglit tapos pagbalik ko nakita ko s'yang nakatayo sa tapat ng stove at ng tingnan ko s'ya, para s'yang pusang di maanak kaya alam kong may hindi magandang nangyari and I found out that he put the sliced potato into the casserole na buti hindi pa kumukulo ang tubig..
"Hahaha! Buti inamin mo na gwapo ako!" Natatawang sabi n'ya. Tsaka ko lang narealize ang sinabi ko sa kan'ya..
"Joke lang 'yon,uy!" Sabi ko sabay talikod sa kan'ya.
"Hindi, sinabi mo na na gwapo ako!" Hindi parin s'ya tumigil sa pagtawa.
Bahala s'ya basta ako binawi ko ang sinabi ko!
"Sige na nga! Sa sala na ako, hindi ko na iistorbohin si Misis!"
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
RomanceBakit ka pa mag-hahanap ng BOYFRIEND.. Kung meron ka namang BESTFRIEND...