Kabanata II

13.9K 98 4
                                    



***




"Ano bang pumasok sa isip mo at bakit bigla kang umalis ng bar?" singhal nito sa'kin matapos akong ilapag sa kama n'ya.. Kung makapag-react s'ya, sobra pa s'ya sa over protective na boyfriend. Napangiti tuloy ako "Anong nakakatawa,Georgina?" Salubong ang mga kilay na tanong nito sa'kin "Nagagawa mo pang ngumiti ngayon eh muntikan  ka ng marape!"



"I'm s-sorry!" sabi ko sa kan'ya na hindi parin mawala wala ang ngiti sa labi ko.. Lumuhod s'ya sa paanan ko at tinanggalan ako ng sapatos. "Pano mo nalamang wala na ako sa bar?"




"Sa tingin mo ba iaalis ko ang tingin ko sa'yo ganung kasama mo ang ungas na Kevin na'yun?"




"You know him?" Nagtatakang napatingin aako sa kan'ya..



"He is Kevin Lim. Magkakilala ang daddy namin dahil narin sa business matters. I don't know him exactly, but I heard some bad rumors about him. Ilang beses na s'yang nag-labas-pasok sa kulungan dahil sa mahilig s'yang mamilit ng babae na makipagtalik sa kan'ya and he's a drug user!" Biglang nag-salubong ulit ang kilay n'ya dahil sa huling sinabi "Tangina! Kapag may nangyaring masama sa'yo., Mapapatay ko talaga ang lalaking 'yun!"




Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang matawa gayong muntikan ng may mang-yaring masama sa'kin... I shriek ng bigla n'ya akong ibagsak sa kama at pumaibabaw s'ya sa'kin. He looks so damn mad dahil sa pagtawa ko kaya awtomatikong napatigil ako sa pagtawa.



"What so funny, De Guzman?" Naiinis na tanong n'ya sa'kin.. He suddenly grabbed my hands and placed it in both side of my head, dinaganan n'ya din ang hita ko kaya hindi na talaga ako makakilos. Sanay na ako na lagi n'yang ginaganito at hindi na ako naiilang dahil gan'to lang talaga s'ya kapag nagagalit o naiinis sa'kin. Wala namang malisya 'to dahil ganito lang talaga kami ka close sa isa't isa.




"Wala po!" I try not to laugh dahil alam kong naiinis na s'ya sa'kin. "Get off me! Ang bigat mo!" Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero hindi ko magawa dahil napakalakas n'ya..




"Bakit ka muna lumabas ng bar kanina?" Biglang nagbago ang tono ng boses n'ya. Parang bata na naman. Minsan naiisip ko na baka nakatira sa katawan nito si Christian Grey, yung bidang lalaki sa fictional book na Fifty Shades of Grey.. Mabilis kasing magbago ang mood n'ya.



Gusto ko sanang sabihin sa kan'ya na mukhang nag-eenjoy naman s'ya sa company nung babaeng humatak sa kan'ya sa dance floor, pero kapag sinabi ko yun sa kan'ya, lalabas na mukha akong nag-seselos na girlfriend! Hell no! I'm not his girlfriend at mas lalong hindi ako nagseselos! No! Nag-iwas ako tingin sa kan'ya "Gusto ko na kasing umuwi kanina... Pwede ba,tumayo ka na? Ang bigat mo!" Pinipilit kong bumangon at itulak s'ya pero parang wala lang ang ginawa ko dahil hindi man lang s'ya natinag sa pagkakadagan sa'kin.

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon