Aaron
"Mom," I uttered through the telephone, sighing exasperatedly. I closed my eyes, leaned my elbows on my knees, and pinched the bridge of my nose.
"Mas gugustuhin mo bang ang Dad mo ang kumausap sa'yo tungkol dito?" ani ni Mom mula sa telepono.
Fuck! Ang hirap talagang kumbinsihin ni Mom, mas pinaniniwalaan pa ang mother instincts, e. But it's better to talk to her about this than to Dad. She's more over-the-top, of course, but Dad is more persistent than anyone I've ever known. He could freeze all my credit cards for five consecutive months if he thought I deserved it - which is not what I want right now.
"Ok, fine, what do you want me to do?" I said, slowly accepting my defeat. Sumandal ako sa pader mula sa pagkakaupo ko rito sa bench sa labas ng locker room.
"Bring him home."
"What?!"
Mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ko no'n dahil lumabas ang ulo ni Xavier sa pinto ng locker room para silipin ako, pero agad ding bumalik nang makita ang sobrang kunot kong noo.
"Bakit, son?" aniya na parang natatawa pa. "Sabi mo uuwi ka rito bukas. Bring him with you. I wanna meet him. Hindi naging maganda ang first impression namin sa isa't isa ng kaibigan mo."
Napabuntong hininga at nasampal ko ang noo sa stress. But, what am I supposed to do? Hindi ako pwedeng palibre lang nang palibre kina Landon at Kieran. Plus, patapos na ang first semester at palapit na nang palapit ang Acquaintance at UAAP, mas dadami pa ulit ang gastos.
"Mom," pag-uumpisa ko.
"What? Anong mahirap gawin sa sinabi ko?" aniya. "You said you're friends. I just want to meet him, that's all. Saka, miss ko na rin sina Kieran at Landon. Nakakatuwa ang mga batang 'yon. Ipagbi-bake ko kayo ng bagong Lemon Meringue Pie recipe na natutunan ko sa Youtube no'ng nakaraang araw! Your sister said it's good. Ooohhh... I'm so excited!"
"Mom, hindi pa-"
"Anyway, bye bye, sweetie!"
Pinatay nito ang tawag bago ko pa matapos ang balak sabihin. Hindi naman na ako nagtaka. She does this every time, para 'di na ako makasagot at gawin ko 'yung sinabi niya.
I took a deep breath, trying to calm myself down.
Pa'no ko ngayon kukumbinsihin si Kakashi niyan? Papayag kaya 'yon after simply having the biggest, most infuriating quarrel with him?
You're so doomed, Aaron.
Dumiretso ako ng locker room at napansin kong nakabunton sa isang sulok ang buong team na parang may pinagbubulungan pa.
Nagtaas ako ng kilay nang sabay-sabay na nagsipaglingunan ang mga ulo nila sa'kin. "What?"
"Wala, tara na sa court," tawag ni Kieran saka nag-umpisang magsipalitan sa kaniya-kaniyang jersey ang bawat isa.
Nagkibit balikat nalang ako saka nag-umpisa na ring magbihis, pero hindi pa rin naalis ang pagkabagabag sa isip ko. My mind is a complete disaster at this point.
"Ok, boys!" Coach Salazar announced as we gather in a circle at the center of the court. "Dating miyembro, dating gawi. Kailangan nating i-polish ang galawan niyo sa loob ng court, nagkakaintindihan?"
"Yes, Coach!" pagsagot naming lahat.
"Hindi porke palagi kayo sa finals ay kampante na tayo. Hindi. Lalo na't palaging naglalapit ang score niyo sa Northfield," aniya at saka tumango naman kami.
I know I can be damn stubborn sometimes, but Coach doesn't talk shit. I'm passionate about this. Basketball is my driving force, and I'm more eager to succeed at it than anyone else. Pero... wala ako sa pokus ngayon. Ang hirap maghabol ng bola kung may umiikot sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/371583001-288-k34266.jpg)