Chap 2

19 1 0
                                    

"Colleen? You won't swim?" Arkia asked when she got out of the powder room. Narito na kami ngayon sa rest house at naiwan naman ang iba sa labas. Hindi naman kami pinayagan ng boss namin na doon sa hotel mag swimming dahil may event doon at maraming bisita.

Mabuti pa rito, private ang bahagi ng beach at sa labas lahat ng rest house. Umiling ako habang iniisip ang red bikini na dala. Noong binili ko iyon ay naroon kay Arkia dahil nakalimutan 'kong kunin kaagad. Pero bakit habang iniisip ko ngayon na susuotin ko iyan ginagapangan na ako ng hiya? Parang kanina lang ay confident ako na gusto 'kong iflex ang sexy body ko.

Arkia's wearing her pink two piece bikini. Mukha siyang barbie sa katawan niya. Unlike her, wala akong feminine abs. Flat lang ang tiyan ko. Pero hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, ay bilugan at malaman at bahagi ng puwet ko...at malaki rin ang hinaharap ko. Iyon ang dahilan kung bakit malapad ang balakang ko at maliit naman ang beywang ko.

"Wala namang ibang tao rito, tayo-tayo lang!" Sabi niya habang inaalis ang pagkakaipit ng kanyang buhok. "At isa pa... you're sexy naman."

Nagkibit lamang ako ng balikat at nginitian siya. "Napagod ako kanina, gusto ko munang magpahinga." Dahilan ko. Which is quite true.

Inirapan niya ako. "Hmmp. Bahala ka, the sun is set so good, maganda mag-picture!" Sabi niya at nauna nang maglakad palabas. Napailing nalang ako habang ngumingisi. Dala-dala ko iyong camera ko rito, ready ako lagi. Pero dahil sa pagod kanina at kahihiyan ay siguro tatanggi muna ako.

Sa hapong iyon, natulog nga ako. Dahil hindi nakasara ang kurtina ng balcony, ay natanaw 'kong madilim na nang magmulat ako ng mata. Ngunit liban doon, natanaw ko rin ang bulto ng likod ni Engineer Gavin sa kabilang side ng pintuan.

Pinagmasdan ko ang tahimik niyang pagtanaw sa ibaba kung nasaan ang dagat. Gustohin ko mang manatili sa kama at panoorin siya, ay narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko. Bumuntong hininga ako at bumangon ng tahimik para hindi makuha ang atensyon niya. Lumabas ako ng kwarto at nakitang nasa sala si Arkia kasama iyong lalaki. Hindi ko maalala kung isa ba siya sa kasama namin.

"Hey..." bati ni Arkia sa akin. "Gutom ka na siguro, nag dinner na kami, hindi na kita pina gising dahil ang sabi mo pagod ka...naroon 'yung pagkain."

"Sige," Sabi ko bago sila lagpasan. Dumiretso ako sa kusina. Mayroong isang maid doon kaya sinabi 'kong kakain na ako. Umupo ako sa dining at mag-isang kumain. Tahimik ako hanggang matapos. Nang bumalik ako sa sala ay si Arkia na lang ang naroon.

"Saan na iyong kasama mo?" Tanong ko.

"Pinuntahan si Engineer Gavin,"

Tumango ako. "Friends?"

"Oo, they're both engineers. Engineer Gavin and my boyfriend... Engineer Lavier." Sabi niya.

"Siya yung kasama mo noon sa condo mo?" Tanong ko.

"Yup,"

Grabe, dalawang engineer pala ang kasama namin ngayon. Tapos, boyfriend pa pala ni Arkia iyong isa.

"Oh, by the way, for sure gising ka pa mamaya dahil sa haba ng tulog mo. Inom tayo." sabi niya.

Nagtaas ako ng kilay kaya sumimangot siya. "Ano? Don't tell me tatanggi ka na naman? Hindi ka na nga pumayag kaninang mag-swimming! Jusko, Colleen. Mag-enjoy ka naman!" Asik niya.

Napangiwi ako at bumuntong hininga bago umupo sa tabi niya. May magagawa pa ba ako?

Hindi ko alam kung nakailang baso na ako. Ang iingay ng mga kasama ko at gusto ko na silang itulak lahat sa pool. Sina Arkia, Engineer Lavier, Misha at ang iba ay nakababad sa infinity pool, habang kaming dalawa ni Engineer Gavin ay nakaupo lang dito sa may bar counter.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now