Chap 12

13 1 0
                                    

"Ang laki naman ng utang niyo!" Singhal ni Bert.

Napairap naman ako. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Engineer Gavin. Syempre, nagulat sila.

"Anong sabi ni Engineer? Gusto naman ba niya?" Si Misha.

Nakagat ko ang labi ko at nagkibit balikat. "Ewan ko, e. Hindi ko pa naman siya nakikita at nakakausap." Sabi ko. Siguro ay nagdedeliver na naman iyon ng tubig or nagbebenta ng buko juice.

"Sinong Tita niya ba? Si Ate Emilyn?" Tanong ni Bert.

"Siguro? Basta maganda siya at mukhang mayaman talaga." Sagot ko at inaalala ang mukha nung babae.

"Ah, baka siya nga. Siya kasi ang nag-aalaga kay Engineer Gavin, wala na kasi ang parents ni Engineer kaya ang Tita niya ang kasama niya." Mahabang litanya ni Bert.

Natigilan naman ako.

"Successful naman na siya, pero bakit ganon ang trabaho niya? Delivery boy?" Tanong ko at inayos ang mga papel sa table.

Tumawa naman si Bert at Misha. "Hindi rin namin alam," nagkibit balikat sila. "Kahit naman ganap siyang delivery boy e napaka hot parin!" Tili ni Misha.

Napairap naman ako. Psssh. Akin iyon. He's mine, only mine.

"Bagay kami, ano?" Ngumisi ako at natigilan naman si Bert.

"Baliw, may babae iyon si Engineer!" Tumawa si Bert dahilan para mawala ang ngiti ko. Naalala ko na naman ang sinabi ng boyfriend ni Arkia na si Engineer Lavier. Tumikhim ako at akmang magsasalita ng pumasok si Arkia at Sabrina.

"Colleen! Nasa labas si Engineer Gavin..." Kaagad na sabi ni Sabrina.

Bigla naman akong nataranta! God! He's here. Andito na ang fiancee ko! Ang gwapo 'kong fiancee. Laking pasalamat ko talaga at may utang ang pamilya namin! Ngayon ko lang talaga napagtanto na walang masama sa pagkakaroon ng utang. Nang dahil doon, hindi ko na sisingilin ang mga may utang sa akin.

"Wow! For the red cheeks ang Colleen ninyo!" Naiiling na sabi ni Bert kaya naman napairap ako.

Kaagad 'kong kinuha ang salamin sa bag ko para tignan ang ayos ko. I put some lipstick para naman pumula ang labi ko. Maayos pa naman ang make up ko kaya walang problema. Nag spray din ako ng perfume.

"Maayos ba? Hindi naman ba ako mukhang manang?" Tanong ko sa kanila at ngumiti.

Napangiwi naman si Arkia. "Bakit kailangan pa mag-ayos?"

"Kasama ni Engineer si Leah," sabi ni Sabrina.

Kumunot naman ang noo ko. "Huh? Sino si Leah?" Tanong ko.

Nagkatinginan naman si Arkia at Sabrina. "Girlfriend niya siguro,"

Natigilan naman ako. Para naman akong nabingi sa narinig ko. Tumikhim si Bert at nag-iwas ng tingin bago sumipol. Si Misha naman ay ngumiti ng pilit.

"Girlfriend niya?" Tanong ko.

"Hindi ako sigurado, nakahawak sa beywang e." Nagkibit balikat si Sabrina.

"E-engage kami..." Tumikhim ako at pilit na pinapakalma ang sarili. "Baka kaibigan niya lang--"

"Colleen! Pinaalam na kita sa boss mo, tara na!" Napunta ang atensyon namin ng pumasok ang pinsan 'kong si Waze. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"H-ha?"

"Sasama ka sa akin sa Laguna, pinaalam na kita." Sabi ni Waze at naglakad papalapit sa akin para hilain ako.

"T-teka naman! Nag-uusap pa kami--"

He cut me off. "Nagmamadali ako, bukas kana makichismis!" Naiinis na siya.

"Guys, kayo na ang bahala--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng nagpapadyak padyak si Waze.

"Ano ba, Colleen! Tara na!" Sabi niya at hinila na ako palabas.

"Bakit ba nagmamadali ka!" Singhal ko. Umawang ang labi ko ng bigla siyang tumigil kaya naman bumunggo ako sa likuran niya! "Ano ba naman yan --"

"Tara na?"

Dahan-dahang tumingin ako sa harapan ng marinig ko ang boses ni Engineer Gavin. Pero kaagad ding nawala ang atensyon ko sa kanya ng maramdaman 'kong nakatingin sa akin iyong babae.

Pinasadahan ko siya ng tingin at napairap naman ako. Psssh. Mas maganda pa naman ako! While her? Mula ulo mukhang paa! Mas lamang ang kaputian ko kesa sa kanya.

"S-sino siya?" Wala sa sariling tanong ko. Lumipat ang tingin ko kay Engineer Gavin na nakatitig sa akin pero kaagad ding nag-iwas ng tingin.

"Tara na nga!" Inis na sabi ni Waze at hinila na ako papasok sa elevator, sumunod naman si Engineer Gavin at iyong kasama niyang babae. Napairap ako ng hawakan niya pa ito sa beywang na akala mo ay matutumba kapag nagkamali sa paglalakad.

Nasa harapan namin sila kaya palihim akong napapairap.

"May sakit ba yang mata mo? Umiikot ba," puna ni Waze.

Siniko ko naman siya para manahimik. Lumapit naman siya at may ibinulong. "Selos ka?"

Nanlaki naman ang mata ko sa kanya at mabilis siyang kinurot sa tagiliran. "Waze!" Singhal ko.

Kaagad namang napalingon iyong dalawa kaya napairap na naman ako. Saktong bumukas narin ang elevator kaya sabay-sabay kaming lumabas at nagtungo sa parking lot. Sasakyan ni Waze ang gagamitin. Akmang bubuksan ni Engineer Gavin ang pinto ng passenger seat ay kaagad ko siyang tinulak at mabilis na pumasok sa sasakyan.

"I smell something," sumipol si Waze at pinaandar ang sasakyan. Nasa back seat na iyong babae – Leah. Bumukas din iyong isang pinto at pumasok si Engineer Gavin, magkatabi na sila ngayon.

"Bakit ba kailangan pang sumama ako, Waze? Ano bang gagawin sa Laguna?" Tanong ko nang makaalis na kami.

"Wala kasi akong mautusan na gagawa ng mga ipapagawa ko," sabi niya.

"Kaya ako ang sinama mo?! Gago ka, Waze! Ibaba mo na nga lang ako!" Inis 'kong sabi. Tarantado pala siya e! Inisturbo pa ako sa trabaho ko!

"Baliw, ililibre kita." Sabi niya kaya inirapan ko siya.

God, this is my weakness...ang ilibre.

"Totoo? Ice cream? Fries? Burger? Bunny slippers iyong white?" Sunod sunod na tanong ko.

Tumango naman siya. "What my cousin wants, my cousin gets."

Napapalakpak naman ako sa tuwa. Hindi na ako nag-ingay at tumingin nalang sa labas. Punyetang Waze kasi, bigla nalang akong hinila kaagad! Naiwan ko tuloy iyong gamit ko. Mabuti nalang talaga at nakapag-ayos na ako kanina.

"Hindi paba tapos ang project mo sa Quezon?" Tanong ni Leah Kay Engineer Gavin.

Nanatiling nakatingin ako sa labas.

"Yeah, I'll go there tomorrow. Wanna come with me?" Lumambing ang boses niya kaya nakagat ko naman ang labi ko.

"Of course! Sunduin mo ako, ha?" Maarteng sabi nung babae.

Tumikhim naman ako kaya natahimik naman sila.

"Gavin?" Tawag ko. "I mean, Engineer Gavin."

"Hmm?" He hummed.

Bumuga ako ng hangin bago nag-angat ng tingin sa rearview mirror at nagtama naman ang tingin namin.

"Wala," sabi ko at kaagad na nag-iwas ng tingin. "Ang gwapo mo," bulong ko.

"What is it, Colleen?" Tanong niya.

Umiling naman ako at binalingan siya ng tingin.

"Can we talk later?" Tanong ko at binalingan ng tingin din iyong babae. Nginitian niya naman ako pero hindi ko siya pinansin. Kala mo!

"For what?" Masungit na sabi ni Engineer Gavin.

"About us," tipid 'kong sagot at kaagad na ibinalik ang tingin sa harapan. Lumingon sa akin si Waze pero inirapan ko lang siya.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now