Chap 17

19 1 0
                                    

"Pumayag kana,"

Nagising ako ng dahil sa ingay ng boses ng babae. Nagmulat ako at napatulala sa ceiling.

"Tita, i hate her." Rinig 'kong sabi ni Gavin.

Kumunot naman ang noo ko at napabangon. Andito ang Tita niya? At anong, hate her? Sino ang hate niya? Mabilis akong tumayo para lumapit sa pinto para marinig ko ng maayos ang usapan nila.

"Why do you hate her?" Tanong ng kanyang Tita.

Mas lalo akong naging interasado dahil doon. Dahan-dahan 'kong binuksan ang pinto. Sumilip ako sa siwang ng pinto at kita ang likod ni Gavin. He's wearing sando at pants. Mukhang kagagaling lang sa jogging. Hmmm, hindi ko pa siya nakikitang nag j-jogging! Isa na naman iyon sa pangarap ko.

Tumikhim si Gavin kaya naman natauhan ako.

"Tita, ayaw ko sa ugali niya. Masyado siyang maarte."

Huh?! This man! Hindi naman ako maarte, huh?!

Halos magngitngit ang ngipin ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto 'kong lapitan siya at batukan!

Tumawa ang Tita niya at nailing. "You have no choice, Gav. Since, wala ka namang girlfriend..." Nagkibit balikat ito. "Malay mo baka kapag tumagal ay magustohan mo rin lang siya."

Nakagat ko naman ang labi ko. Kaya nga naman! Sa ganda 'kong ito? Imposibleng hindi niya ako magustohan. Kung ang pagiging maarte ang ayaw niya sa ugali ko ay kaya 'kong baguhin iyon.

"When is the wedding, then?" Tanong ni Gav at binuhat iyong dog.

"Hindi pa ako sigurado kung kailan, pero hindi naman magtatagal. May inaasikaso pa kasi ako tungkol sa mga lupa natin."

"Okay. Magtitinda na muna ako ng buko juice..." Ani ni Gavin at tumayo kaya kaagad 'ko namang isinara ang pinto.

God! Magtitinda na siya ng bj! Mabilis 'kong kinuha ang maleta at nagpili ng susuotin. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos 'kong makapili ng isusuot. Wala na iyong Tita niya kaya napahinga ako ng maluwag.

Nakita 'ko si Gavin sa kusina at mukhang nagluluto pa ng breakfast.

"Where is the bathroom?" Tanong ko at lumapit para tignan kung ano ang niluluto niya. Pero mabilis niyang tinakpan iyon at inis na tumingin sa akin.

"Nasa left side, bilisan mo at maliligo narin ako. Sumama ka sa akin magbenta ng buko juice." Sabi niya dahilan para lumiwanag ang mukha ko.

Kaagad akong tumango. "Talaga?!" Mukhang nagulat pa siya dahil medyo napalakas ang boses ko. "Okay, hindi na muna ako papasok sa trabaho."

"Oh, i forgot. May trabaho ka pala, ano? Next time ka nalang sumama--"

"Hindi! Ayos lang! Sasama ako sa'yo! Malay mo maubos kaagad ang bj mo!" Humagikgik ako pero nailing nalang siya at sinenyasan na akong magtungo sa banyo.

Malawak nga ang ngiti 'ko habang nasa ilalim ng shower. Puro panlalaki iyong gamit na nasa banyo kaya no choice ako kundi gamitin iyon. Mas maganda narin ito para pareho kami ng amoy.

Napatingin ako sa shave na naroon sa may gilid. Naalala 'kong ilang araw na pala akong hindi nakakapag shave. Kinuha ko nga iyong shave at tinignan 'kong pwede pabang gamitin iyon. Hindi naman niya siguro malalaman na ginamit ko ito. Nagkibit balikat nalang ako at inumpisan ang pagshave. Hinugasan ko naman iyon pagkatapos dahil baka biglang gamitin niya iyon pag-ahit sa kanyang balbas. Wala namang amoy iyon pero mas magandang hinugasan.

I was wearing my white top tank at maong shorts. Mabuti nalang talaga at dala-dala ko iyong bunny slippers ko. Pagkalabas ko nga ay saktong tapos narin sa pagluluto si Gavin. Nilalaro niya iyong mga dogs kaya napangiti naman ako.

"I'm done," sabi ko kaya mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Mainit sa labas mamaya, mag pants ka." Seryosong sabi niya at tumayo at nagtungo na sa banyo.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. May umbrella naman siguro siya sa tuwing nagbebenta ng bj, di'ba?

Kaagad akong lumuhod para hawakan iyong mga aso. Apat sila at sobrang napaka ganda. Dalawang babae at dalawang lalaki. Mag-aasawa ba sila?

Tumayo rin naman kaagad ako para magtungo sa kwarto. Nag-ayos lang ako ng sarili at ng makalabas ako ay tapos narin sa pagligo si Gavin.

Naka shorts lang ito at walang pang-itaas na damit. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang leeg pababa sa kanyang nakakapag laway na abs. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakasalubong ko ang mariin nitong titig. Hindi ko malabanan ang kanyang titig kaya naman napako ang tingin ko sa gitna ng kanyang hita. Napalunok ako ng makitang bumabakat ang sandata niya! Shit. Napaka-aga pa para magkasala!

"Eyes up, Bunny." Maawtoridad nitong sabi. Diniinan niya ang salitang 'bunny' kaya naman napalunok ako at mabilis na nag-angat ng tingin.

"M-mukhang masarap..." Wala sa sariling sabi ko.

"Ang alin?" Kunot noong tanong niya kaya naman natauhan ako.

"Ah! Iyong...yung luto mo! Mukhang masarap! Tara, kain na tayo?" Sabi ko at mabilis na nilagpasan siya para magtungo sa dining room. Napahawak ako sa dibdib ko at napabuga ng hangin.

Shit!

Sabay nga kaming kumain pero wala kaming imikan. For the first time...natikman ko siya ay este ang luto niya! Sobrang sarap! Gwapo na at ang sarap pa.... magluto.

After nga namin kumain ay ako na ang nagpresenta na maghugas ng pinagkainan namin. Para naman malaman niya na hindi talaga ako maarte! Habang naghuhugas nga ako ay inihahanda niya narin ang benta niyang buko juice. Nasa malaking gallon iyon at sobrang dami ng buko ang inilagay niya.

Pagkatapos nga namin ay sabay kaming lumabas at buhat-buhat niya iyong gallon. Ako naman ay hawak ko ang plastic at mga straw. When we reached the ground floor ay kaagad niyang kinuha iyong parang kariton para sa gagamiting pagtinda ng buko juice. May isang bodega pala sa dulo kung saan niya kinuha iyong kariton niya. Naroon narin ang napaka raming buko. May itak din doon, mukhang iyon ang gagamitin niya para sa paghati ng buko.

Inayos niya muna iyon at pinapanood ko lang siya. Grabe talaga! Sobrang sipag!

Nagsimula na nga kaming itulak pareho iyon. Kahit kaya naman niya ay tumulong parin ako.

"Bj!" Sigaw ko.

"Wag naman bj, oy!" Sabi ni Gavin kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Huh? Bj, buko juice." Sabi ko at sumigaw ulit ng bj.

"Ang laswa!" Singhal niya.

"Anong malaswa roon?" Kunot noong tanong ko.

"Baka kasi ibang bj ang isipin nila..." sabi niya at napahinto kami ng may bibili.

"Wow naman, Engineer! May katulong kana, ah? Hindi kana mahihirapan." Walangyang sabi ng matandang babae!

"Excuse me? I'm his fiancee, I'm not katulong!" Sabi ko at inayos ang buhok ko.

Tumawa naman si Gavin. "Naku, manang! Sana nga ay huwag akong malasin ngayon."

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. What does he mean?

"Hi, Engineer! Pabili nga ako ng buko mo! Mabuti nalang talaga at maaga ka ngayon! Kahapon ko pa hinahanap-hanap ang buko mo." Tumawa iyong isang babae. Napatingin ako sa kanya, sobrang sexy niya. Blonde ang buhok. Luh? Lexi lore?

"Masarap ba ang buko ko?" Tanong naman ni Gavin.

Pinanood ko lang sila. Tumawa naman iyong babaeng blonde ang buhok. "Oo naman, Engineer! Sobrang sarap ng buko mo, hindi nakakasawa! Sarap sipsipin ng buko mo!"

Umawang ang labi ko dahil doon! What the hell?

Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Gavin. "Masarap talaga sipsipin itong buko ko. Fresh at Makatas."

Naramdaman 'kong lumingon sa akin si Gavin kaya naman palihim akong napairap. Sinasadya ba nila?

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now