Chap 37

13 1 0
                                    

Months had passed. Nagiging mainitin ang ulo ko. Naging madalas narin ang pag-aaway namin ni Gavin. Or, should i say ako ang nang-aaway sa kanya. May mga time na hinahayaan niya ako at hindi pinapansin. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil sumusobra narin ako.

Alam ko naman ang dahilan. Buntis ako. At malapit narin ang paglabas ng mga baby ko.

About sa gender? Twins. Boy and Girl. Excited na ako. Excited na kami ni Gavin.

About kay Arkia... malapit narin ang panganganak niya. Medyo mauuna lang ako.

"Gabi-gabi talaga nararamdaman ko 'yon..." Sabi ni Arkia.

Andito kami sa condo niya ngayon. Narito sila Waze at Sabrina. Kakapasok lang din ni Gavin...naligo pa kasi siya kaya nauna na akong nagpunta rito total ilang hakbang lang naman.

"Nararamdaman mong?" Kunot noong tanong ni Waze.

"Na... nandito siya. Pumupunta siya rito." Hindi maipinta ang mukha ni Arkia. Nagkatinginan kami. May halong lungkot at saya ang mga mata niya.

"Huh? Hindi kaba naglalock ng pinto?" Tanong ni Sabrina.

"Nakalock ang pinto," kagat-labing sabi ni Arkia.

Napabuntong hininga ako at napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman ang pagsipa sa loob.

"Paano mo nasabing nagpupunta siya --"

Naputol ang sasabihin ni Waze ng magsalita na kaagad si Arkia.

"May susi siya," sagot ni Arkia.

Nagkatinginan kaming apat.

"So, gabi-gabi siyang nagpupunta rito? Nag-uusap kayo?" Tanong ni Sabrina.

"Hindi, tulog na ako. Tapos nararamdaman 'kong nagsasalita siya sa tabi ko. Kapag nagmulat na ako wala na siya sa tabi ko."

"Forda Ghoster ang ferson!" Tumawa si Waze.

"Baka naman panaginip lang 'yon? Nangungulila ka?" Ani ni Sabrina.

"Totoo 'yon, Sab." Sagot ni Arkia. "Hinahaplos niya gabi-gabi ang tiyan ko." Napahikbi si Arkia.

Naalerto kami. Kaagad akong lumapit sa kanya para yakapin siya.

"Ano bang balak ng lalaking 'yon," sabi ni Gavin.

"Gago talaga 'yon!" Singhal ni Waze. "Parang hindi nag grade two!"

Napahagalpak kami sa tawa. Pati si Arkia na umiiyak ay napatawa.

"Parang gusto ko ng santol," kapagkuwan ay sabi ni Waze.

Bumalik ako sa pwesto ko katabi si Gavin.

"Santol?" Kunot noong tanong ni Sabrina.

Ngumiti ng nakakaloko si Waze at umakbay kay Sabrina.

"Oo, santolad mo yieeee...." Humagalpak sa tawa si Waze. Si Sabrina naman ay napairap.

"Korny mo!" Singhal ni Sabrina pero may ngiti sa labi.

"Badoy mo, Waze." Umirap si Gavin at hinaplos ang tiyan ko.

"Pag labas ng babies niyo, binyagan na dapat kaagad." Sabi ni Waze. Nakatingin na siya amin.

"Gago, hindi ba pwedeng mag prepare muna para sa Christening?" Tumaas ang sulok ng labi ni Gavin.

"Wala ng prepare prepare, Sandoval. Pagka-anak ni Insan, andoon narin yong pare." Tumawa si Waze. Kaagad namang siniko siya ni Sabrina.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now