Chap 15

14 1 0
                                    

"Teka naman, Gavin!" Naiiritang hinawakan ko siya sa braso. Halos bumaon na ang kuko ko roon pero wala akong pakialam.

We're here on cafe. Naabutan ko kasi siyang nandito. Mabuti na nga lang at mag-isa niya kaya nakuha ko ang pagkakataon na kausapin siya.

"You're not calling me Engineer, huh?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

Inirapan ko naman siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Bumalik siya sa pagkakaupo at ganon din ang ginawa ko. Nakakabwesit na kasi siya kaya hindi ko na siya tatawaging Engineer!

"Napaka sungit mo kasi! Hindi mo deserve tawaging Engineer!" Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na inilapag ang bag ko.

"Tsss. Ano ba kasing gusto mo?"

"Ikaw," ngumisi ako ng nakakaloko pero walang emosyong nakatingin lang siya sa akin. "Magpapa-kasal tayo,"

"You're not my type, Miss. I won't marry you." Diretso at pinal na sambit nito. The audacity of this man! Siguro ay yung girlfriend niya ang dahilan kaya't ayaw niyang magpakasal. Poor girl, sa akin ipinagkasundo si Gavin.

"Excuse me?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"You're not the woman i want to Marry." Aroganteng sambit nito.

"But we're engaged, Marry me, Engineer." I smirked.

Malamig ang tingin na ibinaling niya sa akin. "Mas pinili mo pa talagang maikasal sa akin, huh?"

"Of course! That's the good choice than to pay our utang." Sabi ko at tinignan ang nails ko. Oh, god. Kailangan ko na pala magpa manicure.

"But you're not my type," tumaas ang sulok ng labi niya.

"Bakit ba hate na hate mo ako, huh? Ang sungit mo pagdating sa akin. Pero pag sa ibang babae para kang anghel!" Masungit na sabi ko.

Mahina siyang natawa kaya natigilan naman ako. Parang dinadala na naman ako sa alapaap sa tuwing naririnig ko siyang tumatawa. Pakiramdam ko nga ay nakangiti ang mga kape na nasa table.

"You're so maarte," ngumuso siya kaya naman umawang ang labi ko.

"Huh? I'm not maarte!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya.

"You are, Ms. Bunny." He chuckled as he bit his lower lip.

"Ano na, Gavin? Pakasalan mo na ako! Bente kwatro na ako! Kahit anakan mo ako ng anakan, sige bubukaka ako palagi!" Desperadang sabi ko.

Nawala ang ngiti niya at malamlam ang matang tumingin sa akin. Umigting ang panga niya.

"Baliw kana," sabi niya at nag-iwas ng tingin.

"Baliw sayo," napahagikgik ako. "Sige na kasi! Pakasalan mo na ako! Iwan mo na iyong girlfriend mong 'yon! Hindi kayo bagay!"

Kumunot naman ang noo niya. "At sinong bagay? Tayo?"

Tumango tango ako. "Oo! Bagay tayo, maganda ako ikaw gwapo." Kumindat ako.

Nandidiring tumingin siya sa akin kaya naman napairap ako. Ang choosy naman nitong Engineer na ito! Siya lang yata ang hindi bumibigay sa kagandahan ko!

"Oh? Bakit kayo magkasama?"

Biglang sumama ang timpla ko ng marinig ang boses ni Waze. Kaagad siyang naupo sa bakanteng upuan. Wrong timing talaga itong pinsan ko! Ngayon na nga lang kami makakapag usap ng maayos ni Gavin, e!

"Kaninong kape ito? Akin na, a?" Inabot niya iyong kapeng nasa harapan niya. Kay Gavin iyon.

Bago pa man dumikit sa labi niya yun ay kaagad nang kinuha ni Gavin.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now