Chap 18

15 1 0
                                    

"Successful Engineer kana ngayon, pero bakit nagtitinda kapa ng ganito? Nag dedeliver ng mineral water?" Tanong ko ng huminto kami. Tirik na tirik iyong araw at ramdam ko narin ang pagod.

Bumuga ng hangin si Gavin at nag-punas ng pawis. Inabot niya sa akin iyong isang towel at sinenyasan akong magpunas din.

"Highschool, ako ang nagpa-aral sa sarili ko..." Sabi niya na ikinahinto ko. "Grade 8 ako nang mawala ang mga magulang ko. Ako lang ang naiwan dahil ang ate ko naman ay nag-asawa ng maaga."

Tumikhim siya bago naupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Bakas ang galit at inis sa kanyang mukha.

"I was alone, buong buhay ko mag-isa lang ako. Nag dedeliver ako ng mineral water sa umaga, nag-aaral naman ako sa gabi... College na ako noon. Kapag wala naman akong pasok ay ito, naglalako ako ng buko juice." Nagkibit balikat siya. Napatingin ako sa kariton na nasa harapan namin.

"Ito ang dahilan kung bakit nakapag tapos ako." Tumingin siya sa akin at mapait na napangiti. "Oo, mahirap, sobrang hirap. Hirap pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. May mga time pa na naging tricycle driver ako..." Tumawa siya.

Tahimik lang akong pinagmamasdan siya. Napalunok ako na para bang gusto niyang umiyak.

"Pinili ko pang maging tricycle driver para lang may pandagdag ako sa bayarin ko. Hindi naman ako kayang tulongan ng ate ko, may sarili na siyang pamilya e." Tumikhim siya at kumurap-kurap na para bang pinipigilan ang pagluha. "Hindi ko naman kinakahiya itong mga trabaho ko, ito bumuhay sa akin e. Kaya kahit isa na akong Engineer ngayon, hindi ko kayang iwan ito. Buhay ko na ito e..."

Umawang ang labi ko nang tumulo ang luha niya kaya naging alerto naman ako.

"G-gav..." Bulong ko pero umiling lamang siya at tumingala. Mahinang natawa siya.

"Payag ako sa gusto ni Tita na pakasalan kita...ayos lang sa akin. Parang Nanay ko na 'yon, e. Baka nga tama siya, baka matutunan din kitang magustohan."

Kinagabihan nga ay tulala lang ako. Sabay kaming kumain pero tahimik lang ako. Minsan ay kinakausap niya ako pero tango lang ang naisasagot ko. Binabagabag ako ng dahil sa sinabi niya.

"Baka matutunan din kitang magustohan,"

Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa kakaisip sa sinabi niya. Bumuga ako ng hangin at tumayo. Hindi ako makatulog kahit sobrang lalim na ng gabi. Lumabas ako ng kwarto dahil alam 'kong tulog narin iyon si Gavin.

Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at uminom. Napatingin ako sa mga malalaking kurtina kaya naisipan 'kong ilihis iyon at bumungad sa akin ang isang glass wall.

Humawak ako roon at tumingin sa mga naglalakihang building sa malayo. Maliwanag sa labas dahil sa buwan. Mapait akong napangiti at isinara nalang ulit iyong kurtina.

"Why are you still up?"

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang magsalita si Gavin sa likuran.

"Hindi kasi ako makatulog," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Umiinom ka ba?" Tanong niya at naglabas ng dalawang beer.

Kaagad naman akong tumango. Binigay niya sa akin iyong unang binuksan niya. Umupo ako sa kabilang upuan at siya naman ay nasa harapan. Pinanood ko siyang inumin ang beer.

"Mainit ba sa kwarto mo kaya hindi ka makatulog? Gusto mo bang ayusin ko ang Aircon?" Tanong niya.

Umiling naman ako. "Hindi, may iniisip lang kasi ako kaya....hindi ako makatulog."

Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa mesa. Tumatawag si Kuya kaya kaagad ko naman iyong sinagot.

"Gabi na, a? Bakit gising ka pa?" Bungad niyang tanong. Nasa living room siya at naririnig ko ang boses ni Mommy doon.

"Hindi pa naman ako inaantok," sagot ko.

"Bakit hindi ka pumasok kanina? Pinuntahan ka ni Waze roon." Sabi niya.

"Nagbenta kami kanina ni Gavin. At tsaka wala naman akong masyadong gagawin sa opisina ni Sir." Paliwanag ko. In-off ko ang camera para uminom ang beer. Alam 'kong papagalitan niya ako kapag nakita niya akong umiinom.

"Colleen? May pasok ka bukas, ah? Bakit gising ka pa?" Bungad ni Mommy kaya naman kaagad ko ring in-on ang camera ko para makita ako ni Mommy.

Ngumiti naman ako. "Hindi pa po kasi ako inaantok," sagot ko. "Si Daddy asaan po?"

"Hon! Come here dali! Si Colleen oh!" Sigaw ni Mommy. Natawa naman ako ng marinig ang boses ni Daddy.

Nag-angat ako ng tingin para tignan si Gavin. Nakatingin ito sa akin kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

"Hi, Baby! Bakit naman gising ka pa? Baka naman may ginagawa na kayo ni Engineer --"

Kaagad 'kong pinutol ang sasabihin ni Daddy. "No! Daddy naman!"

"Hi, Dad." Singit ni Gavin.

Umawang ang labi 'kong tumingin ulit sa kanya. Pero kaagad ko rin ibinalik ang tingin kay Daddy na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Shut up! You mother fucker!" Singhal ni Daddy.

"Hon! Stop it!" Saway ni Mom kay Dad.

"Come on, Dad. I'm your daughters fiancee now." Nakangising sabi ni Gavin kay Daddy. "Right, Baby?" Tumingin siya sa akin. Nakaawang ang labi ko at hindi alam ang isasagot.

"Don't baby my baby!" Sigaw ni Daddy, inagaw niya ang cellphone kay Kuya.

"You will be my Father in law soon," nilagok ni Gavin iyong beer at tsaka tumayo para kumuha ulit.

"Hon, naman! Para kang baliw dyan!" Singhal ni Mommy.

Kagat ko ang labing tumingin kay Gavin na nakakaloko ang kanyang ngisi.

"Baby, huh?" Bulong ko at muling ibinaling ang tingin kay Daddy na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.

"Umuwi ka na nga rito! Bayaran nalang natin ang 30 million ng Tita niya!" Sigaw ni Daddy.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Dad naman!" Ungot ko.

"Sorry, but your daughter is mine now. Already paid, Dad." Seryosong sabi ni Gavin pero may multo sa kanyang ngiti. Napakurap-kurap naman akong tinignan siya.

Parang nagkakagulo ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa sinabi niya. Shit. Baka naman sabi-sabi niya lang yun para sabayan si Daddy!

"Stop calling me Dad! You mother fucker!" Singhal ulit ni Daddy kaya naman ay natawa na ako dahil sa inaasta niya.

"You are right, I'm a fucker." Tumaas ang sulok ng labi ni Gavin kaya naman umawang ang labi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Tama na nga 'yan," sumingit si Kuya at kinuha na kay Daddy ang cellphone. "Sige na, matulog kana." Kaagad namang pinatay ni Kuya ang tawag.

Tahimik tuloy kami ni Gavin. Walang nagtangkang magsalita. Tanging ang tunog lang ng paglagok niya sa beer. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya.

"Sorry for that...ganon talaga iyon si Daddy." Ngumiti ako ng pilit.

Tumango naman siya. "I understand, mabuti nga at my Tatay ka."

Natigilan naman ako. Dumaan ang lungkot sa kanyang mata.

"G-gav..." wala sa sariling sabi ko.

"Matulog kana, ihahatid nalang kita bukas ng maaga sa trabaho mo." Sabi niya at kaagad na tumayo. Pinanood ko lang siyang pumasok sa kanyang kwarto. Naiwan naman akong nakatulala.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now