Chap 5

16 1 0
                                    

"Guys! Itakbo na natin siya sa hospital!"

Nanlaki ang mata ko ng biglang buhatin ako ni Bert.

"H-ha?" Wala sa sariling tanong ko.

Ang mga kasama namin ay nagkakagulong lumapit sa amin. Habang ako naman ay nagugulohang nakatingin sa kanila.

"Anong nangyari?!"

"Bakit Colleen?!"

"Dinudugo si Colleen! B-baka makunan siya! Tara na ipunta na natin siya sa hospital!" Sigaw ni Bert at hirap na hirap pa itong binubuhat ako.

"Ibaba mo nga ako, Bert!" Singhal ko at hinila ang buhok niya.

Muntikan niya pa akong mabitawan kaya nanlaki ang mata ko at kaagad na napakapit sa kanya ng mahigpit! Oh my god!

"Buntis ka, Colleen?!" Sigaw ni Arkia.

"Oh, my god! Bakit hindi mo sinabi?! What a mess, Colleen!" Singhal ng Boss namin.

Napakurap-kurap ako at nanliit ang mata 'kong tumingin kay Bert.

"I have a fucking menstruation! I'm not pregnant! Ibaba mo ako, Bert." Maawtoridad 'kong sabi.

Napatigalgal si Bert at alanganing ngumiti bago ako dahan-dahang ibinaba. May bahid pa ng dugo ang kanyang braso, mabilis siyang tumakbo papunta sa dagat para hugasan iyon.

Tumingin ako sa mga kasama ko.

"Ay..."

"Regla pala,"

"Walangyang Bert,"

Napabuntong hininga ako at napailing. Kaagad silang nag-iwas ng tingin ng mapansin nilang umaagos ang dugo sa pahitan ng aking hita.

Mabilis akong tumakbo palapit sa dagat.  Kaagad naman na akong lumusong hanggang sa umabot ang tubig sa beywang ko. Nang mapansing wala na ang bahid ng dugo ay umahon narin ako kaagad.

Pabalik na sana ako sa mga kasama ko pero napahinto ako ng makita si Engineer Gavin sa harapan ko.

"Here," nakataas ang kanyang kilay at inabot sa akin ang tuwalyang dala. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba iyon, pero sa huli ay kinuha ko lang din.

"S-salamat," bulong ko at ibinalot sa katawan ko ang tuwalyang bigay niya. Lalagpasan ko na sana siya ng magsalita siya kaya napahinto ako.

"Next time, kapag alam mong may dalaw ka huwag mo nang balakin mag outing." Masungit niyang sabi at kaagad akong tinalikuran paalis.

Nakatulala lang akong nakatingin sa likuran niya.

"Ang sungit mo, huh! Pag nagkataon na ako ang girlfriend mo, i will ruined your fucking blueprints!" I exclaimed.

But then, nakita 'kong malalaki ang hakbang niyang papalapit sa akin. Napatigalgal ako at pinanood siyang maglakad papalapit sa akin.

He moved his face closer to mine. I can't move.

Oh, shit. We're too close again!

"What did you fucking say, Montero?" Madiin at matigas ang kanyang tono.

I blinked several times with my lips parted a bit.

"H-huh?"

Nag-iwas ako ng tingin. He held my chin make me face him. Nakasalubong ko ang kanyang mga matang magka-iba ang kulay.

"You will fucking ruined my blueprints?" Nanliit ang mata niya.

Nakaawang lang ang labi ko at walang lumalabas na salita. Nang hindi ako nakasagot ay binitawan niya ang baba ko at bumuntong hininga.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now