Chap 13

15 1 0
                                    

"Magandang araw po, Engineer Alviero."

Pagkadating nga namin sa Laguna ay bumungad sa amin ang mala palasyong building na ginagawa palang. There's a lot of contraction workers. Binati nila si Waze ng makalapit ito. Habang ako naman ay napapangiwi dahil sa tirik na tirik na araw.

"God, why so hot..." Iniharang ko ang dalawang kamay ko sa aking ulo. Mabilis akong tumakbo patungo sa gilid dahil hindi mainit doon. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang aking kamay at lumilinga pa sa paligid.

"Kamusta? Ano ang mga kulang para alam ko at makapag deliver sila rito." Sabi ni Waze at tinitignan ang mga semento na naroon.

Napangiwi ako ng humangin kaya naman ang mga buhangin ay nililipad.

"Kulang tayo sa semento, Engineer. Iyong mga tiles naman para sa kusina ay kulang din. Sa mga bakal naman ay mukhang hindi rin sasakto." Sabi ng isang trabahador.

Napatingin naman ako kay Engineer Gavin na ngayon ay may hawak na payong at pinapayongan si Leah.

Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi ako komportable sa pwesto ko dahil naiinitan parin ako. Lumipat ako sa kabila pero napahiyaw ako ng may tumusok sa paa ko.

"A-aray!"

Napatingin ako sa paa ko at bumubulwak na ang dugo roon. Sobrang sakit! Natusok pala ako ng maliit na bakal. Ang flat shoes na suot ko ay nabutas iyon dahil sa bakal.

"W-waze!" Sigaw ko ng hindi man lang nila ako napansin. Tumingin ako sa gawi nila pero si Engineer Gavin ang nakikita 'kong papalapit sa gawi ko.

"What happened?" Tanong niya at kaagad na sinilip ang paa ko. "Oh, fuck!" Mura niya at dahan-dahang binuhat niya ako.

"A-aray ko! Masakit!" Napangiwi ako sa sakit dahil sa paggalaw ng paa ko.

Kumapit ako sa leeg niya para hindi ako mahulog. Sobrang kirot ng paa ko, pakiramdam ko ay parang mas naibabaon ang bakal sa paa ko.

"It's so hurt!" I exclaimed. Umiiyak na ako dahil sa sobrang sakit.

"Anong nangyari? Ay, putangina!" Kaagad na nataranta si Waze. "Dahan-dahan mong ilapag," Ani niya at dahan-dahang inilapag naman ako ni Engineer Gavin sa sasakyan.

"Waze, sobrang sakit!" Sigaw ko habang humihikbi. Hinawakan ko ang paa ko para maiangat iyon. Nasa backseat kaming dalawa ni Engineer Gavin. Habang si Waze ang nagmamaneho at si Leah naman ay nasa passenger seat.

"Ano ba kasing ginawa mo?!" Inis na sabi ni Waze at kunot ang noong nagmamaneho.

"Kasalanan yang ng bakal – aray!" Napasigaw ako sa sakit ng hatakin ni Engineer Gavin ang paa ko.

Kumunot ang noo niya at tinitignan ang paa ko kung nasaan iyong bakal. Sinilip ko rin iyon at napapikit ng makitang medyo mataba-taba iyon.

Tumigil narin ang sasakyan at narito na nga kami kaagad sa hospital. Bumukas ang pinto ng sasakyan at naunang lumabas si Engineer Gavin. Inalalayan nila ako hanggang sa binuhat na naman ako ni Engineer Gavin.

"Doc! Natusok po iyong pinsan ko!" Sabi ni Waze.

Ang mga doctor naman ay nagtatakang tumingin sa amin.

"Natusok ng alin?" Tanong ng Doctor.

"Natusok po ng Tite! Ano ba! Natusok siya ng bakal!" Pagalit na sabi ni Waze at itinuro ako.

Mabilis naman nilang inilapit sa akin ang isang wheelchair, dahan-dahan akong pina-upo roon ni Engineer Gavin.

Pinasok ako sa isang room at may tatlong Doctor na nag asikaso sa akin.

Kahit may anesthesia naman ay nararamdaman ko parin ang pagkirot ng paa ko.

"Shit," nakagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko nga ay dudugo na ang labi ko.

"Ouch," daing ko ng matapos nang matanggal ang bakal. Sobrang daming dugo ang nawala sa akin kaya naman ay naramdaman ko ang panghihina.

"Okay na siya," sabi ni Doctor at kaagad namang pumasok si Engineer Gavin at Waze. Oh? Asaan si Leah?

"Bill?" Tanong ni Engineer Gavin.

"Ha? No! Ako na ang magbabayad!" Presenta ko. "Paa ko ito, paa ko ang natusok."

Pero hindi ako pinansin ni Engineer Gavin at sumunod sa Doctor para bayaran ang bill.

Napabuga nalang ako ng hangin at napangiwi ng hawakan ni Waze ang paa ko.

"Aray ko naman!" Singhal ko sa kanya.

"Ang laki ng butas, oh! Na virgin!" Tumawa siya ng malakas kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Pasalamat siya at hindi ko siya masisipa ngayon!

"Ayos kana ba?" Napatingin ako kay Leah na kakapasok lang at lumapit sa akin.

Napairap naman ako sa tanong niya. "Kanina maayos na, pero ngayong nakita kita...hindi na." Walang emosyong sabi ko.

"Colleen," may pagbabanta ang boses ni Waze pero hindi ko siya pinansin. Pake ba niya?

"Kayo kaya matusok ng bakal at tanungin 'kong ayos lang kayo?" Sarkastiskong sabi ko.

Hindi ko pa masyadong mailakad ang isang paa ko dahil masakit pa ito. Hindi pa natatanggal ang bisa ng anesthesia kaya alam 'kong mamaya ay mas masakit pa ito. Naka wheelchair parin ako kaya hindi ko na sila inabalang itulak iyon. Ako na ang gumawa.

"Colleen!" Tawag sa akin ni Waze pero hindi ko sila pinansin. Nasa hallway na ako ng makita ko si Engineer Gavin at nakakunot na ang noong nakatingin sa akin.

"Where the hell are you going?" Masungit niyang tanong at pumwesto sa likod para itulak ang wheelchair pabalik kung nasaan sila Waze.

"Ano ba! Uuwi na ako!" Singhal ko.

"Bakit ba ang sungit mo? Ikaw na nga itong tinutulongan." Bulong ni Engineer Gavin kaya naman napairap ako.

"I don't need your help!" I exclaimed kaya naman napatigil sa pag-andar ang wheelchair.

"Sige," tipid niyang sabi at iniwan akong nakatanga.

"H-hoy! Biro lang! Itulak mo na..." Sabi ko kaya naman natigil siya sa paglalakad.

"Kaya mo na yan," lumingon siya sa akin.

Umiling iling naman ako. "Hindi!" Napanguso naman ako. Si Waze naman ay kunot noong nakatingin sa aming dalawa. Si Leah naman ay parang walang pakealam doon sa gilid.

"Tara na, bumalik na tayo." Sabi ni Waze at nauna nang naglakad. Si Engineer Gavin ang nagtutulak sa wheelchair at nakasunod naman iyong si Leah.

Pagdating nga sa bungad ay binuhat na ako ni Engineer Gavin papunta sa sasakyan. Sa back seat ulit kaming dalawa kaya naman palihim akong napangiti. God, mapapatsansing ako!

Nagbyahe na kami pauwi dahil bukas nalang daw sila babalik dito sa Laguna. Iuuwi na nila ako dahil baka raw mayari si Waze kay Daddy.

Napatingin ako kay Engineer Gavin na seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Napangisi naman ako at tila may naisip.

Nagpanggap akong inaantok at nalaglag ang ulo ko sa balikat niya. Sinadya ko iyon. Naramdaman 'kong gumalaw siya. Naghintay akong tanggalin niya ang ulo ko sa balikat niya , pero lumipas ang ilang minuto ay wala siyang ginawa.

Palihim na naman akong napangisi. Nang makaramdam na talaga ako ng antok ay doon na bumagsak ang talukap ng mata ko. Naramdaman 'kong inayos niya ang ulo ko at hinaplos pa ang buhok ko. Gusto 'kong magmulat pero hindi ko magawa.

Pakiramdam ko ay nagkakagulo ang mga alaga ko sa tiyan. Shit!

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now