Chap 34

19 1 0
                                    

Kung gaano kalalim yung pagmamahal mo sa isang tao, ganon din kalalim yung sakit na nararamdaman mo kapag hinayaan mo o sinanay mo na saktan ka lang emotionally and physically.

May ugali kasi tayo na kapag sobrang mahal natin yung isang tao inaaccept natin lahat ng pain, lahat ng rejections, lahat ng mali. We are all blinded kasi nga lulong tayo sa pagmamahal.

Parang droga, kapag lulong ka kahit na nasusugatan ka hindi mo nararamdaman na ang sakit na pala, kapag lulong ka parang naeenjoy mo pa yung pain. Pero kapag nagising ka na at natauhan ka na, doon mo marerealized na grabe na pala, grabe na pala iyong result.

At the end kapag natauhan ka na, maiisip mo na physically, mentally and emotionally tortured kana pala. Pero yung tanong is, kelan ka magigising sa katotohanan na habang nagmamahal ka ng sobra pati sarili mo hinahayaan mong maabuso?

Ang pagmamahal ay hindi lang basta isang emosyon na nararamdaman. Kundi isang desisyon na dapat panindigan.

Pero, sa galit at selos na nararamdaman ko, andyan kaagad si Gavin para magpaliwanag. Hindi niya hinahayaan na lamunin ako ng galit at selos ko.

Ganon ang gusto 'kong pagmamahal.

Sobrang swerte ko kay Gavin. At hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pag nawala pa siya sa akin.

"Bakit sa tuwing kailangan ko ng karamay ay wala siya? Sa tuwing kailangan ko ng makikinig sa akin ay wala siya?"

Kagat labing tumingin ako kay Arkia. Kanina pa siya umiiyak at wala akong magawa kundi ang yakapin siya.

"Bakit ganito ang ibinabalik niyang ganti sa pagmamahal na ibinigay ko sa kanya? Bakit kailangang iparamdam niya sa akin ito?"

Ang buong akala ko talaga ay wala silang problema ni Engineer Lavier. Lagi silang magkasama. Makikita mong masaya talaga sila. Pero, bakit ganito?

I was busy loving my boyfriend, at hindi ko na napansin na may pinagdadaanan na pala ang kaibigan ko. Masyado 'kong itinuon ang atensyon ko kay Gavin.

"Mali ba? Mali ba na ibuhos ko lahat ng pagmamahal na meron ako? Mali ba na hayaan ko ang sarili ko na mahalin siya ng sobra sobra?"

Hindi ko alam kung anong mayroon sa relasyon nilang dalawa. Pero ngayon nalaman ko na...fuck buddy sila.

"Hindi ko alam kung kaya ko paba, unti-unti ng napapagod ang puso at isip ko. Hanggang ngayon umaasa ako na mamahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya."

Hindi ko alam kung bakit napunta sila sa ganito. Masaya naman sila eh. Nakakagulat naman na bigla nalang sila nagkaganito.

Naaawa ako kay Arkia. Naaawa ako sa kaibigan ko.

"Pero mukhang malabo, tuwing nandyan siya ay parang wala nalang ako sa kanya. Tuwing makikita niya iyong babae ay isinasantabi niya ako."

Natigilan ako. Ang ibig niya bang sabihin ay may iba pang babae bukod sa kanya?

"Ganon ba ako kahirap mahalin? Ano pa bang kulang sa akin? Kaya't hindi niya ako magawang mahalin?"

"Arkia..." Bulong ko. Naramdaman 'kong tumulo narin ang luha ko.

Nasasaktan akong nakikitang nagkaka ganito ang kaibigan ko. Wala akong magawa.

Masyado akong nagpakalunod sa pagmamahal ni Gavin, habang ang kaibigan ko... nalulunod sa sakit.

"Colleen, mahal ko talaga si Lavier. Kahit fuck buddy kami, mahal ko siya. Kahit pekeng pagmamahal nalang, ayos lang." Humiwalay siya sa akin.

Kita ko ang sakit sa mga mata niya.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now