Chap 22

15 1 0
                                    

I wake up early in the morning para mag jogging. Pakiramdam ko ay napapabayaan ko narin ang sarili ko. I was wearing my black leggings and sports bra. Nag-iwan ako ng notes para hindi ako hanapin ni Gavin. Ewan ko ba sa kanya kung kumain ba siya kagabi. Siraulo talaga ang Engineer na iyon.

I went out for a jog. mwa <33

– bunny

Since he kept on calling me Bunny kaya ayon nalang ang inilagay ko. Sounds cute naman kaya ayos lang. Kahit ano pang itawag niya sa akin ayos lang, as long as it's from him. But i preferred 'asawa ko' ... or love?

Napailing nalang ako sa naisip ko at lumabas na nga. Natigilan ako ng makitang lumabas din si Arkia, at mukhang magja-jogging din.

"Tara, pandesal?" Bungad niya sa akin at sabay kaming sumakay ng elevator.

"Araw-araw na akong nakakakita ng pandesal," sabi ko at naramdaman 'kong natigilan naman siya.

"Pandesal ba ni Engineer 'yan?"

Natawa naman ako at tumango. "Oo, pandesal sa umaga hanggang gabi."

Napailing nalang siya at saktong bumukas na iyong elevator. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang naghihintay ang boyfriend niya sa labas.

"Tara na?" Tanong ni Engineer Lavier at lumapit kay Arkia at humawak sa beywang nito.

"Wow ha? Sana sinama ko rin talaga si Gavin!" Masungit 'kong sabi at nauna na akong tumakbo. Huh! Ayaw 'kong nasa harapan ko sila! Baka masipa ko pa silang dalawa. Hindi talaga sila mapaghiwalay, kahit yata sa pagtae ay magkasama sila!

Kapag talaga nag break sila ewan ko nalang. Imbis siguro na damayan si Arkia ay baka tawanan ko lang ang babaeng iyan! Hayyss, nakapa landi talaga! Tapos namana ko pa iyon sa kanya! Lahat ng ginawa niya kay Engineer Lavier ay nagagawa ko narin kay Gavin. Iyong pahalik halik na iyon...hmmp! Tinuro sa akin iyon ni Arkia!

Nang medyo makalayo-layo na kami ay nagpunas ako ng pawis at naupo sa bench. Nasa park na kami ngayon at iyong dalawa naman ay nasa kabilang bench at naglalampungan na. Napairap nalang ako at hindi nalang sila pinansin.

"Sa inggit yata ako mamamatay," bulong ko at kumunot ang noo ko ng makita iyong tricycle na nagpark sa gilid. Umawang ang labi ko nang makita si Gavin. He looked at his watched at luminga sa paligid na tila ba may hinahanap.

Saktong pagtayo ko ay nakita naman niya ako. Kumaway ako sa kanya at naglakad naman na siya papalapit sa gawi ko.

"Why are you here?" Tanong ko at nilingon kung nasaan iyong tricycle na ginamit niya.

Damn. Kahit tricycle lang iyong gamit niya napaka hot parin niya! Grabe ba!

"Sinusundo ka,"

Kumunot naman ang noo ko. "Huh?"

"Pare! Aga mo naman kumerengkeng d'yan, ah?" Pangutya ni Gavin kila Engineer Lavier. Natigilan naman ang dalawa sa paglalampungan doon.

"Hindi kasi nakaisa kagabi," tumawa si Arkia.

Natampal ko naman ang noo ko. Juskong babae!

"Takaw mo naman, Lav." Tumawa si Gavin at napairap naman itong si Engineer Lavier.

"Gago," singhal ni Engineer Lavier.


Napailing nalang ako sa kalokohan nila. Kinalbit ko si Gavin kaya naman ibinaling niya ang atensyon sa akin.

"Uwi na tayo?" Tanong ko.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now