Chap 14

14 1 0
                                    

"Oh, god? What happened to my daughter!" Galit na sabi ni Mommy nang makarating na nga kami sa bahay.

Dahan-dahan akong inilapag ni Engineer Gavin sa couch at napangiwi naman ako sa sakit ng paa ko. Pakiramdam ko ay wala na ang bisa ng anesthesia kaya kumikirot na ito.

"A-aray," napangiwi ako at itinaas ng kunti ang paa ko. Kaagad naman akong inalalayan ni Engineer Gavin pero umiling ako at tinapik ang kamay niya. Kunot noong tumingin siya sa akin.

"Nagpunta nga kami sa Laguna, Tita. Bigla siyang natusok ng bakal." Paliwanag ni Waze sabay kamot ng ulo.

Sinamaan siya ng tingin ni Daddy. "Pag may nangyari sa anak ko, Waze, malilintikan ka sa akin." Seryosong sabi ni Daddy at lumapit sa akin para tignan ang paa ko.

"Gagaling din naman kaagad yan, Sir." Nagsalita si Engineer Gavin sa tabi ko kaya napatingin naman sa kanya si Daddy.

"And, who are you?" Pinasadahan siya ng tingin ni Daddy.

"Gavin Sandoval, Sir." Seryosong sagot ni Engineer Gavin. Nakagat ko naman ang labi ko.

"Uhmm...so, Ikaw ang fiancee ni Colleen?" Tanong naman ni Mommy. Hindi sumagot si Engineer Gavin kaya nagkatinginan naman si Mommy at Daddy.

"Ah, mauuna na po ako." Tumayo na si Engineer Gavin at mabilis na lumabas ng bahay. Hindi na napigilan ni Waze ito kaya hinayaan niya nalang. Naroon sa labas si Leah dahil hindi naman siya sumunod dito sa loob. Pero dahil umalis na si Engineer Gavin ay alam kung magkasama sila.

"Anong nangyari naman diyan?" Tanong ni Kuya. Kakababa niya lang galing sa kwarto niya at basa pa ang buhok nito. "Shit, what the hell?" Mura niya at kaagad na yumuko para tignan ang paa ko.

"Aray ko naman!" Singhal ko ng marahas niyang hinawakan ang paa ko.

"Paolo dahan-dahan naman!" Singhal din ni Mommy.

"Sorry po talaga, Tito. Hindi na mauulit," napanguso si Waze.

"Umalis kana. Kami na ang bahala kay Colleen." Bakas ang galit sa boses ni Daddy.

Tinanguan ako ni Waze at sumenyas na aalis na. Tumango lang din ako at pinanood siyang lumabas ng bahay.

Si Kuya ang bumuhat sa akin papuntang kwarto. Siya narin ang nagpresenta na kuhanin ang gamit ko sa kompanya. Binilin ko narin sa kanya na gawan niya ako ng excuse letter na hindi muna ako makakapasok. Alam 'kong ilang araw pa ang aabutin bago mag heal ang sugat ko.

Sumapit nga ang gabi ay wala akong ginawa kundi ang manood ng tv. Minsan naman ay nakatulala lang ako at iniisip kung bakit ba pumayag akong sumama roon sa Laguna. Bukod sa masakit ang pagkakatusok ng bakal sa paa ko ay, masakit ding makita na pinapayungan ni Engineer Gavin iyong si Leah. Hindi ko na tuloy na confirm kung girlfriend niya ba talaga iyon. Pero mukhang hindi naman. Bakit naman ipapakasal siya sa akin ng Tita niya kung alam niyang may girlfriend ito di'ba?

"Kain kana,"

Napatingin ako kay Kuya ng pumasok ito at may dalang tray ng pagkain.

"Bumaba nalang sana ako roon, kaysa naman dalhin mo pa dito." Sabi ko at dahan-dahang bumangon.

"Ano? Alangan naman na buhatin ulit kita? Bigat mo kaya!" Sagot niya kaya inirapan ko nalang siya.

Inayos niya iyong pagkain sa side table at nagpaalam na lalabas na.

"Call me if you need anything," tumango ako at pinanood siyang lumabas.

Aabutin ko na sana ang kutsara pero nagring ang cellphone ko. Bumuntong hininga naman ako at nakitang tumatawag si Arkia sa gc namin.

"Colleen! Ayos kana ba?" Bungad ni Sabrina.

"Anong tumusok sayo?" Tanong naman ni Arkia.

"Ikaw kaya ang tusukin ko, Sabrina at tanungin kung ayos kana ba?" Sarkastiskong sabi ko pero inirapan naman niya ako. "Anong tumusok sa akin?" Kunot noong tanong 'kong pabalik kay Arkia.

Tumango naman siya. "Pako ba?"

"Mataba ito," sabi ko.

"Mataba? Ah, alam ko yan! Kahoy?" Sagot ni Sabrina.

Umiling naman ako. Pinoy henyo ba ito?  "Hindi,"

"Ako, alam ko na!" Sabi ni Arkia at malawak ang ngiti. "Yero ba?"

"Baliw, mataba ba 'yon?" Sagot naman ni Sabrina.

"Nagsisimula sa letter B," sabi ko.

"Ako!" Sigaw ni Arkia kaya napangiwi naman ako. "Big dick ba yan?!"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya!

"Gago ka, Arkia!" Singhal ni Sabrina.

"Bastos mo po," napanguso naman ako.

"Eh, ano nga?" Nagkakamot na ng ulo si Arkia.

"Bakal 'yon mga shunga," sabi ko.

"Hala! Edi sobrang sakit nga!" Napasimangot si Sabrina.

"Sa lahat ba naman ng pwedeng tumusok sayo bakal pa." Masungit na sabi ni Arkia.

Nailing nalang ako sa kanila. Habang ka video call ko nga sila ay sinimulan ko narin ang pagkain. Baka kasi lumamig na iyong sabaw.

Halos maibuga ko ang kinakain ko ng biglang lumitaw ang mukha ni Engineer Gavin sa screen! Fuck, paano siya kasali rito?!

"What's up, Ms. Bunny?"

Halos mahimatay ako dahil sa boses niya! God! Shit! Nakakamatay ang boses niya! Parang gusto 'kong mapaos ang boses niya habang kasama ko siya! Oh, my god. Bakit naman gumawa kayo ng ganito kagwapong anghel!

Nabalik ako sa wisyo ng malakas na tumawa si Arkia.

"Inamo, Colleen! May tirik tirik ka pa ng mata diyan!" Sobrang lakas ng tawa niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"H-ha?" Wala sa sariling tanong ko at napakurap-kurap. Napatingin ako kay Engineer Gavin na nagpipigil ng tawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko.

"Nga pala, suggest naman kayo ng magandang motto." Sabi ni Arkia kaya sa kanya napunta ang atensyon.

"Subo motto," singit ni Engineer Lavier na ngayon ay nasa tabi na ni Arkia. Natawa naman kami dahil sa sinabi niya.

Sumubo naman ako ng pagkain at palihim na binabalingan ng tingin si Engineer Gavin. Naka topless ito kaya kitang-kita ang pinagmamalaki nitong abs. Sarap dilaan. Pakiramdam ko nga ay tumutulo na ang laway ko. Parang iyon ang gusto 'kong lagyan ng kanin at kagatin!

"Rawr,"

Natigilan ako ng masabi ko ang dapat ay nasa isip ko lang! Nakagat ko ang labi ko ng marinig ang pagtawa nila.

"Napapa rawr na si Colleen, oh!" Ani ni Sabrina at patuloy sa pagtawa.

"Are you a tiger now? Not bunny anymore?" Mapang-asar na sabi ni Engineer Gavin kaya inirapan ko siya.

"Rawr daw, Gav!" Rinig ko ang tawa ni Engineer Lavier.

"Meow," sabi naman ni Engineer Gavin.

Mas lalong humagalpak sila ng tawa. Habang ako naman ay nag-iinit ang pisngi.

Marry me, Engineer Where stories live. Discover now