Aksidenteng halik
Hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa labas ng classroom ni Carlito.. ay mali.. alam na alam ko kung bakit matiyaga akong nakatayo rito mula kanina pa. Wala akong pakialam sa mga kaklase niyang kanina pa ko sinisipat ng tingin mula rito sa kinatatayuan ko.
Kawawa naman 'tong mga binti ko.. nangangalay na kasi ang mga ito dahil sa tagal kong nakatayo rito.. alam na niyang nandito ako, sigurado ako na sinabihan na siya ng mga kaklase niya.
Umayos ako ng pagkakatayo ng makita kong nagsilabasan na ang mga kaklase niya. Inayos ko ang sarili ko, kailangan kapag nakita niya ako maganda parin ako sa paningin niya at wala ng mas gaganda pa sakin.
Oh heart huwag kang kumabog ng sobrang lakas!
Natatanaw ko na siya ngayon. Kinakabahan ako, super to the max level yung kabang nararamdaman ko habang lumalakad na siya sa papunta sa puwesto ko.
I can't breathe.
Nasa harapan ko na siya ngayon.. h-
"What are you doing here Natalya? bakit ba hindi ka parin tumitigil? hindi ka ba nahihiya na naghihintay ka diyan? we're done.. sa susunod huwag ka na pumunta rito."
C-Carlito wait!
I grabbed his arm and pulled him.. inis siyang tumingin sakin.
H-hindi ka manlang ba naaawa sakin? a-ang tagal kong naghintay dito e.. makita ka lang at makausap.. t-tapos gaganyanin mo lang ako?
G-grabe ka naman e!
I-Iwant you back.. promise hindi na ko magiging immature! bumalik ka lang sakin.. maging tayo ulet! please Carlito.. alam kong ako parin ang nasa puso mo.. sabihin mong oo! a-ako parin naman diba?
"Huli na.. tumigil ka na Natalya! ilang beses kitang inintindi kahit hirap na hirap ako sayo.. ako palagi ang nag aadjust sa ating dalawa! It's tiring to love you, I told myself several times that I'll accept you no matter what.. but it's tiring Natalya!"
My tears are falling now, ang sakit ng mga sinabi niya.. ganon ba ko nakakapagod mahalin? bumitaw na ko sa pagkakahawak sa kanya.
Bago mo ko tuluyang iwan dito, may tanong ako Carlito.. hinihiling ko na sana hindi ako mas lalong masaktan sa isasagot niya.. Kasi kung sakaling totoo nga, one week akong hindi papasok o baka hindi na.. oa na kung oa!
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya daretsong tiningnan sa mata.
A-are you in love with someone else now?
Umiwas siya ng tingin sakin.
So.. totoo nga ang balita na may babae kang kinikita sa La Union? ganon mo ko kadaling palitan? may babae ka na agad? sino mas maganda ako o yung babaeng yon? mas kajowa-jowa ba siya kesa sakin? mas matured ganon? matalino humawak ng relasyon? maraming alam.. masarap magluto?
Speak up! show off that girl to me! ipamukha mo sakin na mas deserving siya sa pagmamahal mo kesa sakin! ano ha!? sige na! o-okey lang.. ayos lang ako.. mas g-gusto ko yung sinasampal ako sa sakit!
"Natalya!"
Parehas kaming lumingon sa boses na iyon. Nakita ko si Cham na galit na galit ang mukha habang mabilis na lumakad papunta sa direksyon ko.
"Huwag ka ngang tanga! hindi ka na nga mahal e! punta ka pa nang punta roon at lapit nang lapit sa kanya! pabayaan mo na si Carlito!"
Hinila ko ang kamay kong kapit at hila-hila niya.
Cham naman e! dapat hindi ka muna umeksena don! hinayaan mo na lang sana ako! mas gusto ko yung nasasaktan ako.. pinanuod mo na lang sana kami!
Kinurit niya ako sa tenga!
"Hindi ko kayang panuorin ka na lang don! lalo na mukha kang tanga! magboyfriend ka na lang ng iba! huwag na sa kanya. May mahal nang iba yung tao Natalya, hayaan muna sila!"
Napaupo ako sa damuhan at ipinatong ang bag ko sa may tuhod tsaka ko pinatong ang ulo ko.. gusto kong umiyak Cham.. huwag mo na lang muna ako kausapin ha. Huwag ka rin magsalita, samahan mo lang ako rito.
Cham sa tingin ko... wala ng taong gugustuhing m-mahalin ako.
Ginulo niya ang buhok ko.
"Libo-libo ang tao sa mundo Natalya.. imposibleng wala. Kung ano man ang nangyari sa relasyon niyo ni Carlito magpasalamat ka parin.. hindi laging talo sa pag-ibig, madalas yung break up mas lalo tayong natututo. Sa kaso mo, hindi ka natututo e.. Natalya, hindi puwedeng lagi kang hahabulin, huminto ka rin para umayos ang lahat."
Umangat ako ng tingin sa kanya.
C-Cham.. diba hindi ka naman magsasawa sakin? hindi mo ko iiwan diba? nandiyan ka lang palagi.. you won't get tired of me right? even if your head hurts kakasaway at kakaadvice sakin.
K-kahit mawala na si Carlito ng tuluyan sa buhay ko.. kahit wala nang matira.. huwag lang ikaw Cham. Ayoko, mas dobleng sakit mararamdaman ko kapag nawala ka.. k-kasi nag iisa ka lang e, kahit libutin ko pa ang buong mundo hindi ko mahahanap at makikita ang katulad mo.
P-paano kaya kapag dumating ang araw na magkagirlfriend kana? selfish ba ko kung sasabihin kong.. okey lang kahit may nagugustuhan ka o di naman kaya crush basta't huwag lang girlfriend.. hindi ko pa kayang masanay na may ibang tao na sa pagitan natin Cham.
Pinisil nito ang dalawa kong pisnge.
"Ang dami mong sinasabi at ang drama mo rin Natalya Costelo! ang totoo nan, malapit na kong manawa sayo bilang kaibigan. Gusto ko na rin magkagirlfriend lagi na lang kasi ikaw ang kasama ko e.. gusto ko bagong tao naman. Hahaha!"
Chaaam naman e!
Bawiin mo sinabi mo! Chaaam huwag mo kong takbuhan! Bawiin mo kasi! Ayoko! Gagawa ako ng paraan nang hindi mangyari yun!
Chaaam!
" You're so noisy! dapat sayo sinasako e!"
Sigaw nito mula sa malayo.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at sa katangahan ko na out of balance ako saktong nahila ko ang uniform niya kaya napasubsob ako sa... sa..
L-labi niya!
Parehas kaming lumaki ang dalawang mata.
Tinulak ko siya at kaagad akong tumayo.. ganon rin ang ginawa niya. Hindi kami mapalagay, hindi rin kami makatingin sa isa't isa.. bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa puso ko.
C-Cham halika na nga! uwi na tayo.
"G-Go ahead, I'm going to pass something.. ingat ka pauwi, text mo ko agad kapag nasa bahay ka na. Bye!"
Habang palayo siya sakin, nakatitig ako sa likod niya.
Why did I feel something strange when his lips touched mine?
Oh.. no! nooo! gosh!
His my bestfriend! wala lang ito.. calm down Natalya, it's just a kiss! aksidenteng halik lang ang nangyari!
But that was my first kiss! a-at sa kanya pa.. matagal kami ni Carlito pero hindi kami umabot sa ganon!
Buwesit kang bato ka! dahil sayo.. aaahhhhhhh! si Cham.. si C-Cham na bestfriend ko!
I don't like this feeling.. super eeew!
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.