Bakit hindi sakin?
Nandito ako ngayon sa music room, konteng practice lang at ayos nang gitara na gagamitin ko para mamaya. Sigurado akong maraming istudyanteng manunuod.
Lalo tuloy akong kinakabahan.
May kumatok sa pinto kahit na bukas naman iyon at malayang makapasok ang sino mang may gusto. Lumingon ako, nagtagpo ang mata namin. Bakit ganon? dati naman kapag nakikita ko siya bumibilis ang tibok nang puso ko at halos hindi makahinga?
Na nasasaktan ako sa tuwing bumabalik ang mga ala-alang kasama ko pa siya at masaya kami.
But now.. I don't even have the slightest feelings for him. Para bang sinasabi ng puso kong normal na tao na lamang ito, na wala ng kahit na anong espesyal sa kanya.
Ito ba yon? yung sinasabi nilang nakamove on ka na at hindi ka na affected kahit nasa harapan mo siya mismo ngayon? dapat ba kong magsaya? tumalon? tumawa? kasi finally.. kaya ko naman pala talaga siyang alisin o palayasin sa puso ko.
Kaya ko na siyang tingnan sa mata na wala ng masyadong pressure na nararamdaman. Na kaya ko na siyang ngitian, bakit ganyan yung mga mata niya? parang may gustong sabihin? parang malungkot? ewan, baka guni-guni ko lang 'to.
Tinabi ko muna ang gitarang hawak ko at muling tumingin sa kanya.
What are you doing here Carlito? as far as I know.. this is not the room of I.T students? pormal kong tanong sa kanya. Napakagat labi pa ito at hinawi ang buhok, well kahit noon pa naman ginagawa na niya yan.
"Oo nga, wrong room. Sorry, lalampas na sana talaga ako pero kasi.. may narinig akong pamilyar na tugtog. Nga pala, you're beautiful Natalya, I mean you're always beautiful. Mauna na ko, goodluck mamaya. I'm happy to see you holding the guitar again."
Napabuga na lang ako ng hininga sa mga sinabi niya. Sana pala nirecord ko yung mga sinabi niya nang marinig ni Aleyah, tsss. May nalalaman pa siyang you're beautiful Natalya? kung totoong maganda ako bakit hindi niya ako binalikan?
Peste!
Hindi ko dapat pang isipin ang tungkol don, okey na ko. Kahit hindi na siya bumalik.
Kinuha ko ulit yung gitara at isinabit sa katawan ko, asan na kaya sina Phoebe at Reiba? ang totoo nan hindi talaga kami nakapagpractice sa bahay nila. Hindi natuloy ang usapan namin dahil itong si Reiba bigla na lang nawala na parang bola! wala rin kaming kontak sa kanya dahil nakalimutan naming kunin ang number nito.
Bahala na mamaya.
Palabas na ko at sinarado ang pinto nang may biglang humila sa braso ko kaya naihulog ko yung susi. Inis ko itong nilingon, uso ba talaga hilahan ng braso? kasi nakakabwesit literal!
Hindi ko pa nakikita ang mukha nito ay nakilala ko na agad dahil sa kulay ng balat niya. Masungit ko itong tiningan, nakita kong may dala itong sariling gitara na nakasuot sa katawan niya. Muli akong tumalikod para maisarado ko na ang pinto.
"Sorry dai! nabigla ka ba? hehe.."
Hindi naman sabay taas nang kilay sa kanya. Napansin kong bago na naman yung suot niyang ribbon hairband at kulay nito. Blue iyon at medyo.. bagay sa kanya. Ngayon ko lang rin napansin na parang may nagbago sa make up look niya? simple lang iyon at sige na nga.. bagay na rin sa kanya.
Hinawakan ako nito sa kamay.
"Dai buksan mo ulit yung pinto.. habang may oras pa, practice muna tayo kasi hindi tayo nakapagpractice diba? si Reiba kasi parang ewan e! bigla na lang nawala dai."
Tamad kong binuksan ulit ang pinto, sabay kaming pumasok sa loob. Ano kakantahin natin Phoebe? kulang na kulang talaga kami sa practice. Pati sa kakantahin wala pa kaming napagkakasunduan.
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.