I love you so much mommy
Paano ako makakatulog nang maayos kung gabi-gabi akong umiiyak sa sobrang pagkamiss ko kay mommy. Tumingin ako sa salamin, tangina Natalya ang pangit-pangit mo na.. ang laki rin nang tinaba ko.
Ako pa ba 'to?
Nung nawala si mommy nawala rin ako sa sarili ko. Sa sarili ko sinisisi lahat kung bakit wala na siya dito sa mundo.. hindi na rin ako umuuwi sa bahay ilang months na. Yung pag aaral ko napabayaan ko na rin, lumayo ako sa lahat. Wala akong kinausap.. kahit na s-si Cham.
Andito lang ako sa apartment, walang araw na kinakatok ako ni Cham pero naging bingi ako sa lahat.. dinadalaw rin ako ni Reiba at King walang palya ang mga ito sa pagcheck sakin.
Hindi sila napapagod.
May mga araw na naririnig ko rin ang boses ni Phoebe ewan imbes na maging masaya ako dahil concern rin siya sakin ay lalo lang akong naiinis sa kanya.. kahit wala naman siyang ginagawa sakin.
Lalo na kapag nalalaman kong lagi siyang kasama ni Cham dahil magkasunod lang ang boses nila kada punta dito ni Cham. Siyempre Natalya lagi talaga silang magkasama, girlfriend nga diba? huwag kang bobo!
Paano ako babalik sa dati? mommy tulungan mo ako.. hindi ko na kaya. Pakiramdam ko parang bibigay na ko at malapit na rin sumunod sayo.. mas mabuti pa nga na ganon mommy.
"Natalya si kuya Noelle 'to.."
Kaagad kong binuksan ang pinto sabay yakap kay kuya.
"Hindi magiging masaya si mommy sa nakikita niya sayo ngayon Natalya.. ang dami na nagtatanong sa amin kung kamusta ka na ba raw, kahit si Cham palagi siyang pumupunta sa bahay. Bumalik ka na please.. miss ka na namin."
Hindi ko alam kuya.. tingnan mo yung itsura ko hindi na ko maganda! nahihiya na ko sa mga taong makakakita sakin.. kuya ayoko na! gusto ko na lang rin mamat—
Ramdam ko ang bigat sa kamay ni kuya nang lumapat ang kamay nito sa mukha ko.. nakaramdam ako nang matinding sakit sa biglaan niyang pagsampal sakin. Lumaki kaming laging nagbabangayan pero kahit na kailan… hindi niya ako nasaktan. Ngayon lang, masama niya akong tinitigan.
"Shit Natalya! hindi matatapos ang buhay mo dahil sa nangyari kay mommy! wala kang maling ginawa.. huwag mo na sisihin ang sarili mo! gumising kana! tigilan mo na yang pagiging matigas mo! mahal na mahal ka namin.. si mommy Natalya huwag mo naman siyang biguin! andito pa kami oh.. ako si daddy!"
Niyakap ako ni kuya.
Kailangan ko lang nga talaga ata nang sampal para magising? matauhan? niyakap ko si kuya pabalik.
S-Sorry kuya.. sorry.
"Ssshhhh… wala kang dapat na ipag alala Natalya, kami ni daddy ang kakampi mo. Hindi namin hahayaang masaktan ka ulit ni lola.. promise nandito lang palagi si kuya. I love you!"
Naiyak na ko.
Tama si kuya, kailangan kong labanan 'tong mga nararamdaman ko. Na hindi magiging masaya si mommy sa mga nangyayari sakin.. kaya ko 'to! humigpit lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.
Sa mga araw o buwan na sobra akong iwas sa mga taong importante sa buhay ko.. sina kuya at daddy lang yung kinakausap ko. Silang dalawa lang ang pinagbubuksan ko nang pinto.
Alam kong galit sakin si Cham sa pambabalewala ko sa kanya. Dahil sa mga pinaggagawa ko.. baka tuluyan nang lumayo ang loob niya sakin.
Kuya sa tingin mo galit sakin si Cham?
"Oo, kita ko yun sa mga mata niya. Grabe yung pag aalala niya sayo.. kahit hating gabi na bigla siyang magdodoor bell sa labas para lang magtanong kung ano na balita sayo Natalya. Hanggang sa.. hindi na siya nagparamdam. Hindi na siya pumupunta sa bahay, wala na kong balita sa kanya."
Nanghina ako sa mga narinig ko.
Hindi na rin siya kumakatok sa pinto ko.. wala nang Cham na makulit. Wala nang Cham na hanggang madaling araw hihintayin na bumukas ang pinto ko.. pagod na siguro siya sakin. Nakakapagod naman talaga ako.. sana mapatawad niya ako.
Kuya ang sama ko na ngang anak tapos ang sama ko pang kaibigan.. hindi ko manlang naisip na masasaktan si Cham sa mga ginagawa ko sa pagkakaibigan namin. Alam mo naman kuya si Cham lang yung kaibigan ko na kahit ang daming mali sakin hindi niya ako hinusgahan.
Hinawakan ni kuya ang mukha ko sabay pingot sa ilong ko.
"Natalya, kahit anong oras puwedeng bumawi. Lunes bukas pumasok ka na sa school, tsaka huwag mong iisipin na ang pangit mo dahil lang sa nadagdagan iyang timbang mo maganda ka parin."
Kuya inuuto mo lang ako e.. kuya ang taba-taba ko na! siguradong pagtitinginan nila ako bukas.. gusto ko pumasok pero nahihiya ako!
Kinurot nito ang pisnge ko.
"Huwag kang maarte Natalya, pumasok ka bukas ihahatid kita. Wala ka dapat ikahiya sa kanilang lahat, wala ka rin dapat pakealam sa kung ano yung iisipin nila sayo.. pumasok ka hindi para sa kanila, kundi para humabol, bumawi at makagraduate."
Tama si kuya, wala akong pakealam sa kanila. Natalya, mukhang lalabas ka na talaga sa lungga mo. Ilang months rin akong nawala sa school, buti na lang talaga malakas si lola sa principal namin dahil kung hindi.. hindi talaga ako makakaakyat nang stage.
Kuya si daddy? kamusta siya? kamusta ang bahay?
"Ang totoo nan, gabi-gabi ko paring naririnig si daddy na umiiyak sa kwarto niya. Minsan naman, lagi niyang tinitingnan ang mga gamit ni mommy tapos hahalikan at yayakapin niya ang mga iyon.. ang bahay naman, sobrang lungkot. Kaya umuwi ka na, sa bahay ka na ulit mag stay."
Kuya paano ba maging strong? pansin ko lang sa tuwing nakikita yung mukha mong pangit wala akong masilip na kahit na anong lungkot diyan.. ganon ba kadali lahat sayo? kaya mong maging okey kahit na uuwi ka sa bahay na wala nang sasalubong na yakap galing kay mommy?
Muli niya akong niyakap kasabay non ang pagdampi nang halik nito sa ulo ko.
"Kailangan kong maging strong sa inyong lahat Natalya, lalo na sayo. Kaya kahit sobrang bigat rin sakin.. mas pinipili ko na lang magpakatatag. Sa harap niyo ni daddy malakas ako pero kay Pat hindi.. siya yung nakakakita ng mga kahinaan ko. Siya yung nakakarinig ng mga iyak ko, tapos uuwi ako sa bahay na parang hindi ako naging mahina."
Yumigpit ang yakap ko sa kanya.
I love you kuya.. sorry sa pagiging mahina ko sa lahat. Sorry kung wala ako sa mga panahong kailangan niyo ko ni daddy.. sorry kuya.. sorry sa mga araw na palaging si ate Pat ang nasasandalan mo sorry kung.. mas pinili kong takbuhan ka sa lahat kuya!
"Tama na, huwag kang humingi nang sorry. Basta ba uuwi ka na? please.. miss ko na yung asaran natin lalo na kapag gumagawa si daddy nang pancake para sayo tapos sasabutahin ko. Miss na miss ko na yung ingay nang bahay natin."
Tumango ako kaya kuya.
Mommy, kahit wala ka na promise magiging masaya ulit ang bahay. Alam naming nandiyan ka lang, hindi na kami kompleto pero.. kailangan namin magpatuloy.
I love you so much mommy.
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.