Sana ako na lang
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Cham habang bumabyahe kami pauwi. Kinakabahan rin ako, hindi ko sinabi kay kuya and dad na uuwi ako ngayon. Alam kong konteng andar pa nitong sasakyan makakarating na kami.
Huminto ang sasakyan nito.
Nagkatinginan muna kaming dalawa sabay sinyas nito sakin at pisil sa kamay ko. Gusto ko pa sanang nasa ganito kaming kalagayan yung magkahawak kami nang kamay, nakatitig sa isa't isa. Huwag kang maharot Natalya.. lumabas ka na diyan at puntahan ang nanay mo.
Mabilis kong kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngumiti ako, ganon rin siya. Sabay kaming lumabas, pagpasok namin sa loob may mga nurse at isang doktor. Nakita ko si daddy na umiiyak.. si kuya na nakayakap sa kanya katulad rin niyang umiiyak.
Anong nangyayari?
Lahat sila napatingin sakin. Lumapit agad sakin si kuya at niyakap ako nang mahigpit. Bakit parang may nararamdaman akong may nangyayari ngayong ikakahimatay ko? kumalas ako sa yakap nito, hinila ko ang damit niya at unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko.
K-Kuya what's going on? why are you and daddy crying? kuya.. magsalita ka n-nasaan si mommy?
Lumapit na rin sakin si daddy.
Dad nakakainis si kuya.. hindi niya ako sinasagot e. D-Dad where's Mom? andito na ako.. gusto kong humingi sa kanya nang maraming s-sorry. Aalagaan ko siya, hindi na po ako aalis at lalayo.. dad s-sabihin niyo pong.. makakabawi pa ako please.
"I'm sorry, but your mom is gone.. you're late, she's gone. Bago siya namaalam may pinahabilin siya sakin.. alam mo ba anak gusto kong magalit sayo dahil tiniis mo nang ganon ang mommy mo habang lumalaban siya at may oras pa dito sa mundo. Pero.. alam kong nasasaktan ka."
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni kuya Noelle galing sa likod ko. Halos mawalan na ko nang hininga sa kakaiyak.. sumasakit rin ang dibdib ko.
W-wala na si mommy.. wala na siya.
Dad s-sorry.. sorry po talaga. Hinawakan nito ang mukha ko, hinalikan niya ako sa pisnge. May kinuha si dad sa bulsa, nakita kong parang sobre iyon. Iniabot niya iyon sakin, tinanggap ko habang wala paring tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
"Galing yan sa mommy mo Natalya, magtatampo siya sakin kapag hindi ko iyan naibigay sayo."
Dad napakasama kong anak.. wala po akong kwenta! napaluhod ako ngunit yakap parin ako ni kuya.. nakita si Cham na napaluha na rin. Huli na nga talaga ako.. hindi na ko makakabawi.
Tumayo ako at lumakad kahit na nanghihina ako pinilit ko parin puntahan si mommy. Pagpasok ko sa kwarto, galit na mukha ni lola ang sumalubong sakin. Kaagad itong humakbang palapit sakin at walang sabing sinampal niya ako sa mukha.
Pakiramdam ko.. parang matatanggal ang mukha ko sa lakas na pagkakasampal nito sakin. Tumakbo sina kuya at daddy pati na rin si Cham sakin. Lalo akong naiyak, deserve ko ang sampal na iyon.. tama lang na ginawa niya.
"Lola hindi niyo naman po kailangan palagi manakit.. walang kasalanan si Natalya, nasasaktan rin po siya sa nangyari kay mommy!"
"Ma.. lumayo po muna kayo dito. Iyon po ang mas makakabuti. Wala po dapat tayong sisihin, hayaan niyo na lang muna kami dito."
Masama parin ang tingin sakin ni lola.. hindi ko kayang tingnan ang mga mata nito. Bago siya tuluyang umalis naitulak pa niya ako, buti na lang agad akong nahawakan ni kuya sa braso. Tumakbo ako sa kinaroroonan ni mommy.. nakatakip ang buong katawan niya nang puting kumot.
M-Mommy.. sorry po sorry mommy! I love you so much.. mahal na mahal kita! sorry po sa lahat mommy.. nawalan ako nang balanse kaya bigla akong natumba sa sobrang pag iyak. Nilapitan ako ni daddy, ganon rin si kuya. Si Cham na nakikita kong nahihirapang nasa ganito akong kalagayan.
"Baby.. sumama ka na muna kay Cham kami na bahala dito. Cham samahan mo si Natalya, may tiwala kami sayo."
Kinapitan ako ni Cham sa kamay, mahigpit iyon. Kahit makiusap pa ko sa kanila na dito lang ako sa tabi ni mommy wala parin akong nagawa.. pinagbuksan niya ako nang pinto pero sinarado ko ulit iyon. Nagtaka sakin si Cham, naalala ko yung araw na pinaupo niya dito si Phoebe.. ayaw kong umupo dito.
"Natalya bakit hindi ka pumasok sa loob?"
Ayoko diyan Cham, sa likod na lang ako.
May sasabihin pa sana ito ngunit hindi ko na hinintay kung ano man ang sasabihin niya.
Habang nasa byahe kami wala paring tigil sa pagluha ang mga mata ko. Tumitingin sakin si Cham na para bang hindi siya mapakali na nakikita akong ganito sa likuran niya.
Cham.. hayaan mo lang ako dito na umiyak. Magfocus ka sa pagdrive at baka.. mabangga pa tayo. Nagulat na lang ako na bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid.
Bakit tayo huminto?
"Dito ka sa tabi ko Natalya."
H-Ha?
"Ang sabi ko, dito ka sa tabi ko. Huwag ka diyan, ang layo mo sakin. Paano kita mayayakap? halika dito malapit sakin."
Ayoko nga Cham. Ayoko diyan, dito na lang a---
"Ako na lang lalapit diyan."
Ba't diyan ka dadaan? lumabas ka na lang!
"Huwag na, puwede naman dito e."
Nung nasa tabi ko na siya hinila ako nito para yakapin. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang umiiyak.. sinuklay-suklay niya ang buhok ko. Naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko, hinalikan niya ako doon.
"Dito lang ako Natalya, hindi kita iiwan."
Talaga ba? hindi mo ako iiwan Cham? paano kapag tumawag siya? paano kapag kailangan ka ni Phoebe? alam naman natin parehas na hindi na magiging katulad nang dati Cham.
"Ikaw lang nag iisip nan."
Tumingala ako sa kanya.
Cham sa ngayon.. ayoko na masanay na lagi kang nandiyan para sakin. Na kapag naliligaw ako ikaw ang hahanapin ko.. na kapag nahihirapan ako ikaw ang tatakbuhan ko. Siguro nga Cham, ganon talaga.. maaaring nandito ka ngayon pero darating parin ang araw na hindi na kita makikita.
Katulad ni mommy.. akala ko hanggang sa pagtanda ko andiyan lang siya. Humigpit ang yakap ko sa kanya, sobrang higpit. Balang araw, hindi na kami magiging ganito.
"Natalya masyado kang negative mag isip. Mahal kita, hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Bestfriend tayo diba? walang iwanan."
Akala ko pa naman mahal niya ako as.. hays!
Basta Cham, ayokong masanay.
"Tandaan mo Natalya, mahirap mangako.. pero hangga't nandito ako sasamahan kita sa lahat. Sa buhay, darating talaga ang araw na kukunin rin ang buhay na meron tayo dito sa lupa. Yung mga taong nawawala, iyon talaga ang nakatadhana para sa kanila.. masakit man pero kailangan nating tanggapin."
Cham.. sana kasi yung buhay na meron tayo panghabambuhay na. Dapat wala na lang mga sakit.. miss ko na si mommy Cham. Hindi ko manlang nakita yung huling ngiti niya.. o yung boses niya.
Ang tanga-tanga ko!
Mommy alam kong nakikita mo ako ngayon.. puwede bang yakapin mo ko. Mommy please.. sana nandito ka ngayon. Sana maramdaman ko ang yakap niyo.
Sana ako na lang.. ako na lang yung nawala.
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.