Chapter 17

6 1 0
                                    

Cupcakes

Chaaam akin na yan! huwag na kasi makulit Chami! bigay mo na yan sakin!

Pilit kong inaabot ang hawak niyang notebook na pag magmamay-ari ko. Masyado siyang matangkad pero pilit ko parin iyon kinukuha kahit na hindi ko talaga maabot.

"Ano ba height mo? hahaha! abutin mo muna kasi 'to nang makuha mo na sa kamay ko."

Huwag mo nga binubully height ko Cham! akin na kasi yan! please! bigay mo na sakin yang notebook ko! baka kung ano pa makita mo diyan e!

Bigla itong tumalikod, napansin kong binubuklat na niya iyon!

Shit!

Buti na lang dumating si Phoebe kaya kaagad ko iyon nakuha sa kanya. Hays, buti na lang talaga! paano kung nakita niya ang mga nakalagay don? e di yari na! thanks Phoebe! buti na lang talaga magandang timing nang pagdating mo.

"Hi Cham, Natalya!"

Masayang bati niya sa amin. Lumapit ito sa puwesto ko na nakangiti. Nakalabas na naman ang mapuputi niyang ngipin, tsaka iba na naman ang kulay ng ribbon hairband niya green iyon na may halong white. Halos araw-araw paiba-iba ang mga kulay ng mga ito.

Tiningnan ko si Cham, kay Phoebe ito nakatingin at nakangiti pa ang mokong, sarap pektusan e! kung makatingin sa katabi ko parang nakakakita siya ng magandang diwata! tss, di naman mukhang diwata si Phoebe e!

"You know Phoebe, the things you put in your hair suit you. You look cute, palagi."

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Cham! nilingon ko si Phoebe na medyo nabigla rin sa narinig mula rito. Wow ha? si Chamil Sevas na matagal ko ng kilala na bestfriend ko sa mahabang panahon.. ngayon ko lang 'to narinig na may pinupuring babae?

Tapos kay Phoebe pa?

Bakit Natalya? tanungin mo nga sarili mo, ano bang masama sa sinabi ni Cham? humigpit ang kapit ko sa aking bag, hindi nila puwedeng mahalatang naiinis ako. Mas pinili ko na lang ngumiti at siniko si Phoebe.

Yieee! oy Phoebe magthank you ka naman sa bestfriend ko! ikaw pa lang sinasabihan niya ng ganyan. Special yarn? hahahaha! sige Natalya hangga't kaya mong magkunwari sige lang.. panindigan mo yan.

Napakamot sa ulo si Cham at hinila ako sabay akbay niya sakin. Ginulo-gulo nito ang buhok kong nanahimik, inis ko siyang tinulak.

Epal ka talaga! pinaghirapan ko pang ayusin 'tong buhok ko tapos guguluhin mo lang!

Tinawanan lang niya ako at muli akong inakbayan. Naaamoy ko tuloy yung paborito kong perfume niya, sobrang bango ni Cham. Kahit yata pagpawisan pa siya ay mabango parin ito.

Umubo si Phoebe kaya napabaling ang tingin ko sa kanya, ganon rin si Cham. Nakalimutan namin na nadito nga pala siya, kasama namin.

"Ahm.. thanks C-Cham. Hayaan mo, simulan ngayon hindi ko makakalimutang ilagay ang mga iyan sa buhok ko."

Hindi naman talaga niya  nakakalimutang maglagay nang ganon e, wala kaming salitang narinig mula kay Cham, ngumiti lang ito kay Phoebe at muling ibinalik sakin ang tingin.

"Aalis na ko, may practice pa kami. Sumasakit na nga 'tong likod ko e, tsaka dito sa may bandang binti ko. Halos wala rin kasi kaming pahinga."

"Cham gusto mong gawan kita ng cupcake? marunong rin akong gumawa! baka gusto mong tikman? malay mo mawala yung mga sakit sa katawan mo. Hehe, gusto mo ba?"

Don't agree Cham, say you don't want it.. that you prefer the cupcakes I buy for you. Bulong ko sa sarili ko, habang parehas namin hinihintay ni Phoebe ang sagot niya.

Heartfelt RosesWhere stories live. Discover now