Pressure
Halos hindi ako makagalaw nang maayos dahil sa mga natamo kong sugat nang araw na yon. Kung hindi sana pinansin ni Phoebe ang mga babaeng iyon hindi sana 'to nangyri. Gusto kong isisi sa kanya lahat pero.. mas grabe ang mga natamo nitong sugat sa katawan.
Nabalitaan kong nanalo ang school namin laban sa Fei Gosu University. Hindi na kami nakapasok nang hapong yun, dumating si kuya Noelle sa school kahit na oras nang trabaho niya. Sumunod si lola.. hindi ako makatingin sa kanila ng tuwid nung araw na yon sa sobrang hiya at takot na rin na makita ang mukha ni lola.
Kahit na alam kong nanlilisik na sakin ang mga mata nito sakin.
Andon rin si Cham non, nasa likod ko siya. Buti na lang talaga hinawakan nito ang kamay ko patalikod at dahil don.. medyo nawala ang takot na nararamdaman ko.
Paglabas namin non nagulat na lang ako ng bigla akong hinila ni lola sa braso tsaka ako nito kinaladkad palabas. Pinipigilan siya ni kuya pero hindi ito pinansin ni lola at nagpatuloy lang ito sa ginagawa sakin.
Imagine kinakaladkad niya ako sa gitna ng karamihang istudyanteng nakikinuod sa ginagawa niya.
Sobrang hiyang-hiya ako nang araw na yon.
Nadaanan pa namin si Carlito na alam kong.. pati siya nagulat sa nangyayari sakin. Hindi ko na nakita si Cham, kahit si Phoebe. Nakapasok kami sa loob ng sasakyan na hindi parin tumitigil si lola. Kung kanina'y kinaladkad niya ako.. ngayon naman ay walang sawa niya akong pinagsasampal.
Sinalo ko lahat, naramdaman na lang namin na agad na pompreno si kuya at hinawakan ang kamay ni lola.
"Lola tama na! hindi ko na po kinakaya makitang sinasaktan niyo ng ganyan ang kapatid ko! hindi naman po niya sinasadya ang gulong nangyari kanina.. nadamay lang po siya!"
Pati si kuya nakatanggap na rin ng sampal galing sa kanya. Natigilan si kuya dahil don at napahawak sa mukha niyang namumula na rin ngayon.
"Don't raise your voice at me Noelle! huwag mong ipagtatanggol si Natalya! stupida! nakakahiya sa principal ang mga pinaggagawa mo! alam mo namang matalik na kaibigan ko yun! ano na lang sasabihin nito sa pamilya natin? nagpapapansin ka ba ha Natalya? sunod-sunod akong umiling. Hindi ko talaga alam kung saan ka pinagmana ni Nelson!"
Tinulak-tulak pa ako nito. Iyak lang ako nang iyak, tumingin ako kay kuya humingi ako ng sorry sa kanya ng pabulong sabay punas sa mga luha kong hindi matapos-tapos sa pagbuhos.
Ang sakit.
Kasi.. another disappointment na naman 'to para sakin. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong magkaroon ng boses para sa pananahimik ko.. pero huwag na lang. Alam kong mas lalo lang akong magiging masama at bastos sa mata nila.
Natigilan ako sa pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari nung araw na yun nang may kumatok sa kwarto ko. Tamad akong bumangon, inayos ko muna ang sarili ko bago humakbang at buksan ang pinto.
When I opened the door, I saw kuya Noelle's face. Malungkot ito at inopen ang dalawang braso para yakapin ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kuya sorry.. hindi ko gustong mangyari yun. "Hey.. huwag kang magsorry. Wala kang kasalanan bunso, huwag ka ng umiyak.. may masakit pa ba sayo?" yung sa may braso ko kuya masakit parin po.
Tiningnan niya iyon at dahan-dahang hinawakan.
"Alam na ni mommy at daddy ang nangyari.. pati na rin ang pananakit ni lola sayo. Nagalit si dad at mom sa ginawa ni lola at sobra silang nag aalala sa kalagayan mo. Siguradong sa mga oras na 'to kinakausap na nila si lola. Sinabi ko na lang na okey ka na.. na hindi na nila kailangan pang mag alala."
Kuya hindi mo na lang sana sinabi yung ginawa ni lola sakin. Lalo lang magkakaroon ng gulo.. pero alam mo yun kuya, yung kanina.. kahit na kailan hindi ako sinaktan ni daddy o ni mommy nang ganon.. kahit ang dami kong ginagawang mali at kapalpakan.
Maybe she doesn't love me kuya.. kaya kahit konteng mali o galaw ko lang, galit na galit siya sakin.
Hinawakan ako nito sa mukha.
"Huwag mong sabihin yan, si lola kasi yung tipo na mas inuuna pa nito kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Ayaw niyang napapahiya, dapat lagi kang magaling.. laging papalakpakan. Hindi naging madali para sakin lahat at maging peymus sa paningin nila bunso. Gabi-gabi akong umiiyak non dahil sa matinding pressure na nararamdaman ko.. daddy and mommy don't know that, akala nila malakas ako at lumaking matalino katulad ni daddy."
Natulala ako bigla sa pag oopen up ni kuya sakin. Ang buong akala ko never siyang nahirapan.. ang akala ko madali lang para sa kanya lahat. Yung mga araw na nakikita ko siyang masaya habang pinupuri ng lahat.. iyon rin pala ang araw na bigat na bigat siya.
"Ang hirap kasi wala akong mapagsabihan kundi si Pat lang. Siya yung naging panyo ko. Takbuhan ko, sa kanya ko binubuhos lahat.. kaya nung araw na narinig ko ang pinag uusapan niyo ni daddy, sobra akong nalungkot para sayo.. dahil sa sobrang ingat ko sa lahat nakalimutan kong maging kuya sayo. Hindi ko alam na yung pressure ko sa mahabang panahon kinaiinggitan mo pala."
Pinunasan ko ang luha ni kuya. Ang pangit mo talaga umiyak, kamukha mo si spongebob. Dahil sa biro kong yun, natawa siya.
"Kaya ikaw.. huwag mo kong gayahin. Huwag mong ipressure ang sarili mo para lang magustuhan ng lahat Natalya. Gawin mo yun para sa sarili mo.. kung may mga bagay man sa tingin mo hindi ka magaling don.. huwag mong isiping bobo ka at wala kang alam. Sapat na yung hindi ka humihinto sa mga bagay na ginagawa mo kahit hindi masyadong mataas. Tandaan mo 'to, kahit na anong mangyari sobrang proud ako sayo."
Niyakap ko ulit ito ng sobrang higpit.. mahigit na mahigit na yakap.
Salamat kuya, sorry sa mga araw na wala akong alam sa mga pinagdadaanan mo.. sorry kung hindi ako marunong makiramdam. Sorry kung mas pinili kong mainggit sayo kesa makita yung totoong nararamdaman mo kuya.
"Tahan na, wala kang dapat ikahingi ng sorry sakin. Huwag mo na lang pansinin si lola, kahit si lolo. Kung ano man ang mga maririnig mo galing sa kanila, hayaan mo na lang."
Tumango ako.
Ipapasa ko ang college kuya, tatapusin ko 'to. Kapag nakagraduate na ko, pupunta ako sa Thailand! babawi ako sa sarili ko. Yes, hindi man ako magaling sa school, puwes kuya gagalingan ko ang pagiging fashion designer ko roon!
Magiging sikat ako at sisiguraduhin kong makikilala ako ng lahat.
Iyon talaga ang gusto ko, hindi itong course na nagpapahirap sakin araw-araw. Sinunod ko lang ang gusto ni daddy at mommy.. na walang araw na sinusuka ko ang makulong sa ganitong klaseng sitwasyon na gusto nila para sakin.
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.