Chapter 32

14 2 0
                                    

I'm done with that

Maaga pa lang abala na si Natalya sa pag aayos para sa gaganaping party celebration na siya mismo ang nagplano. Balak na rin kasi nito i-announce sa mga kaibigan ang pagpunta niya sa Thailand.

Kuya Noelle wala na bang kulang?

"Wala na, kanina ka pa riyan walang tigil sa pag aayos e."

Kuya pahug nga.. mamimiss kita e! bakit hindi mo na lang ako samahan sa Thailand? sama mo si ate Pat kuya.

"Hindi pwede Natalya, ang dami kong trabaho dito. Kahit hindi ko kasama si Pat sasamahan parin kita pero hindi ko maaaring hayaan ang trabaho ko rito sa Pilipinas, tapos si daddy kailangan rin niya ako."

Sorry kuya, nakalimutan ko bigla si dad. Okey hindi na kita kukulitin kuya pero sana bisitahin niyo ko ni daddy ha? ngayon pa lang na hindi pa ko umaalis namimiss ko na agad kayo.

Pinisil ni kuya ang ilong ko.

"Mag iingat ka don ha? tawagan mo lang kami ni dad kung may nangyayari sayo don na hindi maganda. Kung nakakaramdam ka man nang lungkot isipin mo lang yung mukha kong napakapogi."

Lalo lang ako magiging malungkot non e! ang pangit mo kasi kuya. Hahahaha!

"Patay na patay sa mukhang 'to ang ate Pat mo! kaya huwag mo kong matawag-tawag na pangit, apakapogi ko! dapat nga proud ka kasi kasing gwapo nang kuya mo si Justin Bieber!"

Kadiri ka kuya napaka assuming mo! hindi si JB kamukha mo, si Andrew E! hahahaha!

Bago pa lumapat ang mapanakit na kamay ni kuya kaagad na ako nakatakbo palayo sa kanya. Hinabol niya ako, tawa ako nang tawa sa nakikita kong reaction sa mukha niya. Gigil na gigil siyang mahuli ako, lumiko ako sa may puno. Nilingon ko ito ngunit laking gulat ko nang nasa may likuran ko na siya.

"Huli kang bata ka!"

Kuyaaa! aray! huwag mo kong kilitin diyan! kuyaaa! huwag kasi diyan!

"Andito lang pala kayong dalawa, andito na yung mga kaibigan mo Natalya."

Tumakbo ako kay daddy bago pa ko muling kilitiin ni kuya. Nang nakalapit na ko niyakap ko ito nang sobrang higpit.

Dad, I love you. Salamat sa lahat, habang wala po ako bawal po kayong magkasakit. Kuya lagot ka sakin kapag nabalitaan kong nagkasakit si dad! uuwi talaga ako at aatakihin kita nang bugbog sa mukha mong pangit na kamukha ni Andrew E!

"Dad kamukha ko ba yon? hindi ba't ang layo? itong si Natalya pinipilit na kamukha ko raw yun dad!"

Parehas kaming inakbayan ni daddy habang napapailing ito sa amin. Palihim pa kong kinurot ni kuya Noelle sa tagiliran, siyempre gumanti rin ako at mas madiin ang ginawa kong pagkurit sa kanya.

"Tama na kayong dalawa, hinihintay ka ng mga kaibigan mo Natalya. Doon na lang muna kami ni Noelle sa loob, may mga sasabihin rin ako sa kuya mo."

Tumango na lang ako.

Nasa malayo pa lang ako naririnig ko na ang ingay nang mga boses nila. Hindi pa nila ako napapansin kaya sinamantala ko muna ang pagkakataong ito na tingnan silang lahat.

Ngayon ko lang nakitang nagdress si Reiba, bagay na bagay sa kanya ang fitted na white dress nitong suot. Lumipat ang paningin ko kay Phoebe, nakasuot ito nang black dress na tamang-tama lamang sa hugis nang katawan niya. Napangiti ako sa ribbon na nakalagay sa ulo nito, hindi talaga maaaring wala iyon.

Nakapulupot ang mga kamay ni Cham sa bewang ni Phoebe habang nakangiting nakikipag usap kay Bern at Ping. Tahimik si Calah sa tabi, para bang may iniisip itong malalim. Nakita kong nilapitan ito ni Reiba, natawa ako nang mapansin kong sumibangot ang mukha ni King.

Heartfelt RosesWhere stories live. Discover now