Curious na curious
Ano meron bakit nagkakagulo sila? tanong ko sa kaklase kong lalaki na medyo nerd.
Hinihintay ko itong sumagot pero no response si nerdy.. tiningnan ko ito bigla akong natawa kasi nakatulala pala siya sakin.
Ganda ko talaga, hays!
"H-Hi Natalya.. ahm.. may bago kasi tayong kaklse."
Bagong kaklase?
Nahihiya siyang tumango sakin.
Bagong kaklse lang pala bakit parang kung makapagreact 'tong mga kaklase natin parang may artistang dumating dito?
Tanong ko ulit.
"Ang ganda kasi niya e.. kaya kahit yung mga kaklase nating babae napapanganga sa kanya."
Tinaas ko ang kilay ko.
Bakit ngayon lang siya pumasok kung kailan mag uuwian na?
"May pinasa lang siya kay Ma'am.. bukas ang simula nang pasok niya."
Ikaw nagagandahan ka ba sa kanya? wala sa sarili kong tanong.
Nakita kong mabilis itong umiling.
"P-Para sakin.. ikaw parin mas maganda Natalya."
Sus, bolero ka rin e! ano nga ulit pangalan mo?
"Hindi ako bolero.. totoo sinasabi ko. Magkaklase tayo pero hindi mo ako kilala? sabagay.. sino nga ba naman ako para mapansin mo."
Hala siya!
Hindi naman sa ganon, hindi lang talaga ako friendly. Ano nga pangalan mo? bigla siyang namula sa harap ko ngayon. Hindi naman sa feeling pero parang crush niya ako?
Sa tingin ko lang naman.
"King Alcanya.. King ang pangalan ko."
Ang cool ng pangalan niya ha!
Kaso yung itsura niya hindi cool. So badoy kasi! siguro kung magpapagupit lang siya ng buhok at aalisin yung malabo niyang salamin sa mata puwede na! babagay na yung pangalan niyang cool sa kanya.
Sige King nice meeting you!
"Aalis ka na agad?"
May kukunin pa kasi ako sa library e, bukas na lang ulit King!
I noticed King's smile, I also noticed that his smile reached his eyes.. dahil sa sinabi ko. Tumakbo na lang ako palabas. Gusto ko pa sana makita yung bago naming kaklase pero naisip ko..
Ano bang pakialam ko?
Nakarating ako sa library na nakangiti pero naglaho rin bigla ng makita kong naroon si Carlito.. seryoso itong nagbabasa ng libro. Humanap ako ng puwestong makikita ko parin siya.. bago ako umupo, kumuha muna ako ng libro at nagkunwaring nagbabasa.
May kirot parin talaga sa puso ko kahit na may kakaiba akong nararamdaman para kay Cham.
Habang tinititigan ko siya sa malayo, nakakaubos ng lakas.. hindi ko kayang itanggi na hindi ko siya namimiss kasi ang totoo..
Sobrang miss ko na siya.
Nang muli ko itong sinipat ng tingin bigla akong na istatwa.. may babaeng umupo sa tabi niya. Hindi ako pumupuri ng maganda pero yung babaeng tumabi sa kanya.. a-ang ganda-ganda.
Parang anghel na galing sa langit.
Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko ng bigla itong hinalikan ni Carlito sa nuo.
Teka!
Bakit niya ginagawa yung ginagawa niya sakin noong kami pa? kahit na kailan wala akong kinainggitang kapwa ko babae.. pero bakit nung nakita ko ang maganda nitong ngiti sa lalaking pagmamay-ari ko noon.. bigla akong nanliit sa sarili ko!
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.