Chapter 28

11 2 0
                                    

I still love you

Maghahating gabi nang icheck ko ang facebook account ni Cham. Wala akong nakitang bagong update na mga post sa wall niya. Halos puro tag mula sa mga kaibigan nito ang mga nandon, tiningnan ko ang profile picture niyang hindi parin na papaltan hangganan ngayon.

I miss you so much Cham.. sobrang miss na kita kung alam mo lang.

Napansin ko rin na hindi siya masyadong nagbubukas nang facebook. Napabangon ako bigla na kamuntikan ko pang ikahulog sa kama nang tumunog ang cellphone ko, nakita ko na may nagfriend request sakin. Dahan-dahan kong tiningnan iyon kung sino at laking gulat ko nang makita kung sino iyon.

Jed Plomeda Aragon sent you a friend request.

Inaccept ko iyon at mabilis kong ipinatong sa lamesa ang cellphone ko. Humiga ako at nagtago sa kumot, ewan ko ba't nagkakaganito ako? masyadong oa e! napabalikwas ako nang marinig kong messager naman yung tumunog.. bigla na lang kumabog ang puso ko.

Pikit mata kong tiningnan iyon kahit na nakabukas naman talaga ang dalawang mata ko. Pangalan niya ang bumungad sakin, napakagat labi ako nang maalala ko ang paghalik niya sakin. Gosh Natalya.. huwag mo na alalahanin iyon okey? palayasin mo na sa isip mo!

"Sabi na e, hindi ko na kailangan pang maghintay nang matagal bago mo iaccept ang friend request ko. Hahaha!"

Tumaas ang isang kilay ko kahit na hindi naman niya iyon nakikita. Apakayabang talaga!

Feeling ka na naman diyan, matulog ka na Aragon at baka maging dragon pa ko dito at bigla kitang bugahan diyan nang apoy!

Wala ba siyang ibang kausap? ako lang ata e.. muli akong napagat labi dahil sa naisip kong  ako nga lang talaga kausap niya.

Sigurado ka? sabagay mas mabuti.. nang parehas tayong mang init diba? hahaha!

Siraulo 'tong kausap! anong mang init ang sinasabi niya? kaagad akong pumunta sa mga emoji at pinili ko yung bad finger emoticon sabay send sa kanya. Sampung ganon ang sinend ko, natawa ako bigla nang makitang nagsend ito nang sad emoji.

Pacute ang walang hiyang Aragon na 'to!

Goodnight na, tulog na ko. Bigla akong nakaramdam nang antok, matulog ka na rin Jed.

Muli akong natawa dahil nagsend ito nang picture niyang nakasad face na gusto lang naman niyang ipakita sakin kung gaano siya kagwapo sa kahit na anong anggulo niya.

Goodnight na agad? ang lungkot naman.

Hindi na ko nagreply, naglog out na ko at muling humiga.

Nakatulala lang ako sa kawalan, gusto ko nang matulog pero hindi ko naman maipikit 'tong dalawang mata ko. Pati ba naman sa pagtulog mahihirapan parin ako? hays!

Tulog na kaya si kuya Noelle? si daddy kaya? sigurado akong natutulog na sila ngayon. Nagpasya akong bumangon at lumabas nang kwarto. Bago ako tuluyang makababa, madadaanan ko muna ang kwarto ni daddy. Tiningnan ko ang nakasaradong pinto nang kwarto nito, walang ingay akong lumapit roon.

May narinig akong mahinang iyak galing sa kwarto ni daddy na sigurado akong siya iyon. Gusto kong kumatok at yakapin ito ngunit parang may pumipigil sakin na gawin iyon. Alam kong araw-araw niyang namimiss si mommy.. walang gabi na hindi namin naririnig ni kuya Noelle ang pag iyak nito.

Magkasama na nga kaming tatlo, andito na ko sa bahay. Kahit anong tawa namin ni kuya.. talagang hindi rason iyon para maging okey si daddy sa bawat araw na lumilipas. Hangga't maaari, ayaw namin ipakita ni kuya kay daddy na pati kami nahihirapan parin. Tama si kuya, mas kailangan naming ipakita na malaks kami sa harap nito.

I love you daddy, magiging okey rin po lahat.

Bumaba ako na may tumutulong luha na agad ko rin pinunasan. Tiningnan ko ang mga pictures namin, ang picture ni mommy na sobrang saya niya. Kapag tinitingnan ko ang mukha nito sa mga larawan, para bang buhay parin si mommy lalo na ang nakakahawa nitong ngiti.

Napalingon ako sa may bintana nang may narinig akong sasakyan na pumarada sa tapat nang bahay namin. Kumunot ang nuo ko sa nakikita kong kotse na familiar sakin.. hindi ako maaaring magkamali alam kong siya ito. Masyado nang late, bakit siya nandito? nakakaloka!

Mabilis akong lumabas, nung nasa labas na ko binaba nito ang mirror nang kanyang sasakyan. Nagkatitigan kami, siya ang unang bumitaw. Lumapit ako sa kanya pero lumabas ang isang kamay nito at itinapat sakin na parang pinaparating niyang huwag akong lumapit.

Carlito gabi na.. anong ginagawa mo dito? tsaka bakit parang namumula ka? anong nangyari sayo?

May tumulong luha sa mga mata niya.

"Salamat naman at concern ka parin sakin Natalya.. akala ko wala ka nang pakealam e. Pasensya na kung nandito ako at inaabala ka. Dumaan lang ako, iyon lang ang sadya ko.. kasi akala ko hindi kita makikita ngayon pero heto ka nasa harapan ko ngayon."

Lasing ka ba? ang mas mabuti pa Carlito umuwi ka na at magpahinga.. sige na.

"Teka lang naman.. huwag mo muna akong talikuran Natalya please. P-Puwede bang titigan muna kita bago ako tuluyang mawala sa harap mo?"

Wala na kong pakealam kung pinipigilan niya akong makalapit sa kanya. Gusto ko siyang sapakin e! hinampas ko ito sa braso nang tuluyan na kong nakalapit sa kanya.

Pasaway ka! hindi ka naman nag iinom ah!? bakit umiinom ka na ngayon? tapos nagdradrive ka pa na may inom! baka mama---

Tumahimik ang paligid, ramdam na ramdam ko ang paggalaw nang labi niya sa labi ko.. pinaglalaruan ba nila ako? hindi pa nga ako nakakamove on sa halik ni Jed tapos ngayon halik naman ni Carlito? nagkikiss naman kami noon pero ibang halik ang pinaparanas niya sakin ngayon.

I want to push him pero tangina hindi ko magawa iyon sa kanya. Mas lumalim pa ang halik na ginawa niya sakin.. hindi ako makapalag o maigalaw itong katawan ko nang makalayo ako sa kanya. Tinigil niya ang ang paghalik sakin at niyakap ako nang mahigpit.

"Please come back to me Natalya.. promise hindi na ko basta-basta bibitaw sayo. Bigyan mo lang ako nang second chance mamahalin at aalagaan kita.. I still love you."

Yumakap ako pabalik kahit na alam kong wala na kong nararamdaman para sa kanya.. para saan ba 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon? dahil ba sa mga narinig ko o dahil sa nakikita kong biglang pagsulpot ni Cham at gulat sa mukha nito?

Tumalikod ito at pinaandar ang sasakyan.

Cham.. bakit laging wrong timing ka? sana kanina ka pa dumating.. bakit ngayon pa kung kailan nandito si Carlito at yakap namin ang isa't isa.

Heartfelt RosesWhere stories live. Discover now