After six years
Hello Reiba? asan na ba kayo ni King? kanina pa ko dito sa airport kakahintay sa inyo.
"Sorry Natalya ito kasing si King napakabagal e!"
"Ikaw 'tong mabagal! kanina ko pa pinapaayos yung mga gamit ng bata hindi mo ko pinapansin!"
"Natalya hello? pasensya na ha.. mukhang hindi ka na namin masusundo tatawagan ko ngayon si Jed siya na susundo sayo. Sorry talaga, kita na lang tayo mamaya sa bahay. I love you, I miss you!"
Ang daya nila akala ko pa naman nandito silang lahat sa airport, tapos ang ending si Jed Plomeda Aragon pa ang susundo sakin. Inis kong tinawagan ang numero ni kuya Noelle, isa pa 'tong madaya!
Pucha.
Hindi nito sinasagot ang tawag ko! lagot talaga siya sakin mamaya. Pinagmamasdan ko ang buong paligid, namiss ko ang Pilipinas. Lalo na ang mga lugar dito at ang mga pagkain. Siyempre mas namiss ko ang luto ni dad, ang tagal ko rin hindi natikman ang mga iyon at ngayon na nakabalik na ko ipapaluto ko sa kanya lahat ng mga namiss kong putaheng luto niya.
Mula sa malayo, may na tanaw akong matangkad na lalaki. May dala itong payong, umuulan kasi dito ngayon pero hindi gaano kalakasan ang ulan. Habang papalapit ito sakin.. mas lalo ko itong nakikilala. Ganon na lang ang pagtulo nang luha ko sa lalaking may malawak na ngiti sa labi, konteng hakbang na lang nito ay nasa harapan ko na siya.
Lumabas ang luha ko dahil nandito siya ngayon at muli kaming nagkita.
Carlito Hernandes.
Tawag ko sa kanya, ngumiti ito at niyakap ako. Ang akala ko ba si Jed ang susundo sakin? bakit ikaw? baka magselos si Rovelyn ha? biro ko. Umiling ito at pinagmamasdan ako nang mabuti, taka ko siyang tiningnan.
Bakit mo ko tinitignan nang ganyan Hernandes? alam kong maganda ako pero sobra naman atang titig yang ginagawa mo sakin? magseselos na talaga ang asawa mo at baka lalong hindi na kami magkasundo. Hahaha!
"Wala kasing nagbago sayo, katulad ka parin nang dati Natalya. Tsaka hindi selosa si Rovelyn, lagi ka nga nitong tinatanong sakin kung kailan ka uuwi. Siya rin itong nagpush sakin na sunduin ka, loko kasi si Jed e.. siya naman talaga dapat susundo sayo dahil tumawag si Reiba sa kanya pero ewan ko don biglang sumakit ang tiyan."
Sus, sakit-sakitan lamang iyon ni Jed. Kompleto na ba kayo? andon na silang lahat sa bahay ni Rei? magiliw kong tanong.
"Hindi pa e, nagsabi sakin si Jed na susunod aiya don. Si Rovelyn naman pinauna ko na, sina Phoebe at Calah ang alam ko nandon na sila kasama si Zaniya ang panganay nilang anak."
Nagpantig ang pandinig ko sa sinabi nito.. teka C-Carlito tama ba ang narinig ko? s-si Phoebe at C-Calah? p-paanong nangyaring may anak sila? a-akala ko ba.. s-sila n-----
"Hindi sila nagkatuluyan Natalya. Gusto sana namin sabihin sayo kaso itong si Cham pinigilan kami. Kaya pati si Phoebe na papayag niyang huwag ipaalam ang tungkol sa kanilang dalawa ni Calah sayo. Ang sabi ni Cham mas okey raw na malaman mong kasal na siya kay Phoebe kahit na ang totoo.. hindi natuloy ang kasal nila."
Naguguluhan ako.
Wait, asan siya? hindi ako mapakali.. gusto ko siyang makita.. gusto ko siyang puntahan ngayon.
"Nasa likod mo Natalya."
Ganon na lang ang gulat ko sa sinabi nito... naramdaman kong may kamay na pumulupot sa bewang ko galing likuran. Tumibok nang malakas ang puso ko, kinakabahan rin ako. Mas lalo akong nagulat nang biglang naglabasan ang mga kaibigan ko. Tumulo na ang luha ko, hindi ko na napigilang lingunin ang lalaking hanggang ngayon hindi na alis sa puso ko.
Ibig sabihin kanina pa ko niloloko nila Reiba at King. Ang gagaling nilang magkunwari ha, hinawakan ko ang mukha ni Cham.. wala kaming communication sa isa't isa. Simula noong araw na umalis ako, nilayo ko muna ang sarili ko sa kanya. Nahihiya akong makipagtitigan sa mga mata niyang hindi ko kayang salubungin nang tingin.
Mas lalo itong gumwapo ngayon.
C-Cham.. bakit hindi na tuloy ang kasal niyo ni Phoebe? anong nangyari? may dapat ba kong malaman? bakit pinigilan mong malaman ko ang tungkol doon? Cham.. may dapat ba kong malaman?
Pinunasan nito ang luha ko.
"I love you.. Natalya matagal na kitang mahal. Natakot ako sa nararamdaman ko noon sayo kaya kahit masakit.. kahit ayaw ko naman talaga at niloloko ko lang ang sarili ko pinili ko parin maging kami ni Phoebe kahit na alam kong wala akong nararamdaman sa kanya. Sorry.. akala ko kasi ako lang e, ako lang yung nakakaramdam nang ganon."
Totoo ba 'to? si Chamil Sevas ba talaga 'tong kausap ko? o baka panaginip lang? kinurit ko ang mukha nito nang mahina.
Shit.
Hindi ako na nanaginip, totoong nandito kami ngayon.. hindi 'to imagination lahat kundi totoo! andito ako ngayon at si Cham, ang mga kaibigan namin. Andito rin sina kuya Noelle, daddy at si ate Pat. Hindi ko na ito sinagot.. muli ko siyang niyakap. Yakap na alam kong pang habangbuhay na.
"Kiss! kiss! kiss!" sigaw ni Bern, ginaya na rin siya ng mga iba naming kaibigan.
"Kasal na sunod nan! hindi mo na dapat pinapatagal Cham, matagal mo 'tong pinaghandaan at hinintay! luhod na!" pinanlakihan ko nang mata si kuya Noelle, ako ang nahihiya sa mga sinasabi niya.
Nakita ko si Jed na kumaway sakin, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala parin itong pinapakilalang babae. Iniisip ko tuloy na baka may nagugustuhan na talaga ito hindi lang niya pinapaalam sa amin. Masyado kasi itong tahimik sa love life niya, hindi siya yung tipo na lalaki na mahilig mambabae.
"Kiss na! huwag na maging pabebe Natalya! go na girl! matagal mo na mahal si Cham! kiss na!" tumatalon pa si Rei at kada lundag nito tuloy rin ang hampas niya sa asawa niyang si King.
Napanganga ako nang biglang lumuhod si Cham sa harap ko.. pwede bang kainin na ko nang lupa ngayon? kusa nang lumabas ang luha ko. Nagsigawan silang lahat, nakakahiya nandito kami ngayon sa publiko place tapos ganito kaingay ang mga kaibigan namin. Pati si dad, nakigaya na rin sa kanila.
"Natalya, ngayon pa lang natin sisimulan ang kwentong sana noon pa lang hinayaan na nang panahon. Thankful parin ako sa mga nangyari kahit na parehas tayong na saktan nang hindi natin alam, binigyan parin tayo nang chance kaya nandito ka at ako ngayon. Ang dami kong gustong sabihin pero ito muna ang mas kailangan kong gawin, ang tanungin ka."
Hindi na ko makahinga nang maayos sa sobrang pag iyak ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari pa pala ang ganito sa amin ni Cham. Hindi ako makapaniwalang ito ang pagiging ending namin, may kinuha itong bagay sa bulsa.. maliit na box iyon.
"I promise, I'll always be here by your side until we grow old. Will you marry me Natalya? please marry me.. I love you so much my one and only kuting!"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Cham, pinadama ko sa pamamagitan nang halik ang sagot na hinihintay niya. Gumanti rin siya, binuhat ako nito bigla. Naghiyawan na rin ang mga taong nasa airport, nahihiya akong nagtago nang mukha sa may bandang dibdib niya.
Tama nga sila, kung para sayo ang isang tao.. hindi ikaw mismo ang gagawa nang paraan para magkatuluyan kayo. Kusang mangyayari ito sa tamang panahon at pagkakataon.
Hinawakan ni Cham ang kamay ko, muli niya akong hinalikan sa labi. Tiningnan ko ang magkahawak naming kamay, hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko.
Magiging asawa ko na siya, ang bestfriend kong si Chamil Sevas.
Wakas.
YOU ARE READING
Heartfelt Roses
Teen FictionI love you more than love. Date started: August 9, 2024 Date finished: September 8, 2024 Ty.