Chapter 2

542 7 0
                                    

"ARE YOU sure nasa room pa niya ang kuya mo?" paniniyak niya sa kaibigan.

"Opo," anito na iniabot sa kanya ang tray at ang susi. "Basta don't ever tell Kuya na ako ang nagbigay sa iyo ng susi ng room niya. Kapag nagtanong, sabihin mong nakabukas ang pinto."

"Don't worry." Ngumiti siya at kumindat pa kay Janna bago pumasok sa silid ni Jason dala ang breakfast para dito.

Naabutan niyang nakadapang nakahiga sa kama si Jason. Tulog pa ito, hubad na naka-­‐‑pajama lang. Natuwa siyang pagmasdan ang natutulog na binata, kaya hindi niya agad napansin na naalimpungatan na ito.

Bigla itong nagtaas ng ulo. "What are you doing here?" Gulat na napatayo si Jason, sabay takip ng kumot sa harapan.

Hindi nakaila sa kanyang inosenteng mata ang "tinakpan" ng binata. "Ay, a-­‐‑sorry," aniya na ibinaling ang tingin sa iba. "Dinalhan kasi kita ng breakfast."

"Paano ka nakapasok dito?" tanong nito na napakunot-­‐‑noo at kahit gulo-­‐‑gulo pa ang buhok ay guwapo pa ring tingnan.

"Bukas ang pinto mo, kaya—"

"Ibinigay sa iyo ni Janna."

"H-­‐‑hindi. And besides, mahalaga pa ba iyon?" Ngumiti siya at inilapag sa kandungan nito ang tray. "Kumain ka na."

"I locked the door last night," patuloy nito.

"Eat your breakfast now, kung gusto mo, susubuan kita," aniya na hindi pinakikinggan ang sinasabi ng lalaki.

"Wait," pigil nito sa kanya. "Kaya kong kumaing mag-­‐‑isa."

"So, what are you waiting for?" aniya na hindi pinapansin ang pagkairita sa mukha ng binata.

Napabuntong-­‐‑hininga na lang si Jason. "Okay. Pero, puwede bang lumabas ka na ng room ko? Baka makita ka pa ng mommy rito."

"So what?" Tumabi pa siya rito at alam niyang naamoy nito ang bango niya. "Dinalhan lang naman kita ng breakfast."

"Oo nga, pero naiilang ako," paliwanag ng binata na halatang nagpipigil lang ng inis. "Bakit ka naman maiilang sa akin?" painosente pa niyang tanong.

"Larraine, mas makakain siguro ako kung lalabas ka na ng room. Isa pa, magbibihis ako—alangan namang nandito ka pa rin?"

"May bathroom ka naman, eh, di doon ka magbihis?" pangungulit pa rin niya.

Inalis ng binata ang tray sa kandungan at tumayo. "Kung ayaw mong lumabas, sige, puwede naman akong magbihis dito kahit nandito ka." At akma na nitong huhubarin ang suot na pajama.

"Wait!" mabilis niyang sabi na naitakip ang isang kamay sa mga mata. "Lalabas na ako!" Tumayo na siya at napairap pa nang marinig ang marahang pagtawa ng lalaki.

TAWA nang tawa si Janna nang ikuwento niya ang nangyari. "Takot ka palang makakita ng bold!" anito.

"Nabigla lang ako; at saka makakaya ko ring akitin ang kapatid mo," pagyayabang niya sa kaibigan.

"Di mainam, magiging maghipag na tayo."

"Kaya nga tutulungan mo pa ako," paglalambing niya rito.

"Sabi ko na nga ba. Well, ano pa nga ba, eh, best friend tayo," napaikot ang mga matang sabi ni Janna.

"HI, KUYA," bati ni Janna nang puntahan ang kapatid sa study room. "May ginagawa ka pa ba?"

"Patapos na ito," sagot ng binata na hindi nagtataas ng ulo.

"Puwede bang magpaturo ng assignment?"

"Sandali na lang ito." Tutok pa rin ang mga mata nito sa ginagawa.

Umaasa Sa Iyong Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon