Chapter 4

421 8 0
                                    

"Hindi siya kailangang mag-aksaya ng panahon," kailangang magkausap sila ni Jason bago man lang ito bumalik sa Davao.

"Sorry kung hindi ko nasabi sa iyo ang tungkol kay Antonette," paliwanag ni Janna nang tawagan siya nito sa bahay. "Ayoko kasing ma-disappoint ka na naman sa kuya."

"Masakit lang naman kasi. Umasa ako pero kasalanan ko naman," malungkot niyang tugon. "Kalimutan mo na lang kuya. Marami namang nanliligaw sa iyo ng mas guwapo at bata pa."

"Bukas na ba talaga ang alis ni Jason?" tanong niyang hindi pinansin ang sinabi nito.

"Oo!" Pinasigla nito ang tinig. "Libot na lang tayo, gusto mo."

"Actually, nakagayak na ako papunta sa inyo, at siguro ay sa inyo ako matutulog."

"Pupunta ka rito?" Tila hindi-makapaniwala si Janna.

"Oo, kaya hintayin mo ako."

"Are you sure?"

"Ayaw mo yata," biro niya. "Huwag na lang, sige."

"Hindi! Hihintayin kita. Bilisan mo!"

NASA pintuan ng bahay si Janna at hinintay ang pagdating niya. Tuwang-tuwa ito nang makita siya, niyakap pa siya.

"Nasaan si Jason at ang girlfriend niya?" tanong niya nang makapasok sila sa bahay.

"Lumabas sila, mamimili raw." Inaya siya nito sa silid at nag-uunahan pa silang sumampa sa malambot nitong kama. "May sasabihin pa pala ako sa iyo," pagsisimula nito. "Kagabi, narinig ko ang mommy kausap si Daddy. Pinag-uusapan nila ang balak ni Kuya na... magpakasal this year."

Natigilan si Lai. Mabilis na gumana ang isip niya, pagkuwa'y humarap sa kaibigan. "Janna, I need your help again."

Napakunot-noo ito.

"Iyong key sa room ni Kuya Jason mo, I need it again." Lalo siyang naging pursigido na isakatuparan ang balak na pakikipag-usap sa binata.

"Ano'ng gagawin mo?"

"Basta, leave it to me."

"Okay, alam mo naman na I am your best friend and I'm here to help you." Nakangiting inakbayan siya ni Janna. "Pero dahil best friend tayo, kailangan sabihin mo sa akin ang plano mo."

"Ikaw talaga, pa-drama effect pa, eh, ang utak naman." Natatawa niyang inalis ang kamay nito sa balikat niya.

Nang iabot sa kanya ni Janna ang susi ay sinabi niya na kakausapin niya si Jason tungkol sa damdamin niya para dito bago man lang ito umalis.

NAGKULONG silang magkaibigan sa kuwarto. Kahit naroroon na sina Jason at Antonette ay hindi sila lumabas. Nagpahatid lang ng pagkain si Janna sa kuwarto para sa kanila. Hindi naman siya nakakain dahil sa magkakahalong damdamin na nadarama niya nang mga sandaling iyon.

"Sa tingin mo, nasa room na niya si Jason?" aniya nang sumilip sila ni Janna sa labas ng kuwarto. Tahimik na at mukhang nasa kani-kanya nang silid ang mga tao sa bahay.

"I'm sure, dahil maaga ang flight nila for Davao tomorrow," mahina nitong sabi na tumingin sa kanya. "Sure ka na ba sa gagawin mong pagtatapat sa kapatid ko? Baka nabibigla ka lang."

Inilabas niya ang susi at nakangiting nagsalita. "Kinakabahan, pero sigurado ako. I want to talk to him even for the last time."

"Ang tanga naman kasi ng kapatid ko," inis nitong nasabi.

Alam niyang mahal siya ng kaibigan at naiintindihan nito kung bakit siya nagkakaganoon.

NANG pihitin niya ang seradura ay walang kaingay-ingay na pumasok siya sa silid ni Jason at mabilis na ini-lock ang pinto.

Umaasa Sa Iyong Pag-ibig - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon