Erykah Sunshine
.
Saber laughed. It wasn't convincing by the look of it. Matibay rin pala ang apog ng babaeng ito at napaka-confident niya sa maraming bagay.
"What's funny?" I rolled my eyes and walked past her. I have no time to play bitchy with her. She's good at what she was doing with Glenn. Then, I may as well leave her to that and see if she can truly get Glenn back to her side.
"Ano ba ang kailan mo kay Glenn? Pera ba? Magkano? I can double or triple it. Name your price."
Wow, ang hanep ah! Sampalin ko kaya ito ng pera.
"Magkano ba ang kaya mo?" Hamon ang pagbalik tingin ko sa kanya.
If she only knew I could afford to pay her price, she would probably go mental.
"Huh, lumabas din ang totoong kulay..." She smirked, enough to get my blood pumping again.
"Pera nga ano? Oh, well, I can't blame you. A lot of women who are linked to Glenn only want money from him. I can't blame them. So, would a million or two be enough?"
What? Isang milyon o dalawa lang? Ang cheap ah.
"Nope. That's not even near to what I wanted, Saber."
Umayos ako at hinarap na siya. Matangkad si Saber kaya kailangan ko pang itaas ang ulo ko.
"If you offer me money, make sure to at least surpass what Glenn is giving me now... Hindi iyong kakarampot lang."
Namilog ang mga mata niya. Hindi niya siguro inasahan na sa kabila ng lahat ay hindi basta basta ang inaalok ni Glenn sa akin.
"What? Don't tell me Glenn has offered you more than enough to buy a luxurious condo?" There's a ghost in her eyes, and I chuckled.
"More than you could ever imagine, Saber... You can't even compare the price to yours." Umirap ako at iniwanan na siya sa kusina. Maiirita lang akong lalo sa kanya, at ayaw kong magkasabunutan kami ng buhok. Bad iyon, at hindi ko pa kailanman nagagawa.
I head back outside to the garden area where the others are. I sighed deeply and looked back at the mansion.
Okay na sana eh, kaso mukhang may sayad si Saber. Hindi nakapagtataka kung bakit nagising si Glenn sa pagmamahal niya sa kanya. Hindi yata true ang naramdaman ni Glenn noon kay Saber kung 'di libog lang!
I mumbled, murmuring in my own words as I joined the others. They were all happy to see me.
"Ma'am Erykah aakyat po ako sa puno ng niyog sa kabila para ma check iyon."
Lumiwanag ang mga mata ko. Iba ang niyogan sa bahaging iyon. Walang mga bunga ang puno dahil ginagawang lambanog, tuba at vinegar ang mga puno roon.
"Dalawang galon ang akin, Manong ah."
Napatingin silang lahat sa akin. Lalo na ang mga matatanda.
"Umiinom ka nu'n, Erykah?" si Nanay.
"Oo, Nay. Iyong presko lang... Masarap po at parang Moscato lang ang lasa."
"Malalasing ka."
"Hindi iyon nakalalasing, Nay."
"Si engineer nga hindi umiinom eh, at paminsan lang kapag may okasyon," saad ni Manong sa kabila.
Ngumiti ako. Hindi ko nga nakita si Glenn na umiinom, pero sa kabilang isla ay natikman niya ito noong binigyan siya ni Nay Esperanza.
"Sige gawin kong tatlong galon," saad ni Manong at saka umalis na siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...