Gitna

7 0 0
                                    

Sa pagitan ng pagaalinlangan at kasiguraduhan
Nananatili ang salitang hindi ko mabitawan
Hindi dahil sa takot na kapag pinili ko ang una ika'y lilisan
O kapag ang pangalawa naman na sisira sa pagkakaibigan.

Susuko ka ba sa mga salitang “ayoko”?
Mananatili ka ba pag sinabi ko namang “oo”?
Hindi na ako naghahagad ng kasagutan
Dahil sa libo libong katanungan sa isipan
Hindi pa rin kita kayang bitawan.

Sa gitna ng alinlangan at kasiguraduhan
Sa pagtatalo ng karuwagan at katapangan
Paulit ulit kong binibigkas ang mga salita
Mahal kita.

Of Lines And Poetry Where stories live. Discover now