My Heart 33

255 5 9
                                    

Allanice

~.

Nabusog talaga ako. Salamat kay Ryan. Basta pagkain hindi talaga ako makaangal. Tsaka akala ko nung una masungit siya. Ang jamming niya pala.

Nagsimula na yung next klass namin. Si Ryan tulog parin. Ewan ko sa kanya lagi nalang siyang ganyan. Katulad nalang kanina.

Ginising ko siya, baka kasi pagalitan.

"Uy Ryan... ryan..." sabi ko habang ginigising siya.

"Uhmm?" ungol niya pero ayaw parin gumising.

Naku! ang hirap talagang gisingin nito.

"Hooy!" sigaw ko. Wa epek parin.

Pano ko ba 'to?

.Ay! Hayaan muna. Bahala nga siya diyan. Hindi naman siguro masyadong halata.

Wait. Para sure akong hindi siya mahalataan. Dapat may ilagay ako.

Kumuha ako ng libro sa mini library namin. Tas inilagay ko sa upuan ni Ryan, yung parang nagbabasa parin siya.

Ang cute pala ni Ryan noh! Sana matulog always para makita ko yung cute niyang mukha pero sana walang laway, nakakadiri kasi.

Oh sandali lang, parang may kulang parin.

Alright, shades. Kailangan niya ng shades para hindi makita ng professor namin na natutulog talaga siya.

Mukhang meron ako dito sa bag.

Hinalughog ko yung bag ko then I saw it. Lumapit ako kay Ryan but patago baka kasi may makakita sa mga pinag gagawa ko, mahirap na. Baka akalain nilang ine-echesusan ko si Ryan.

I put na the shades on his eyes. Ehhh... mas lalo siyang cumute at may nadagdagan din, gumwapo din siya.

"Ang galing ko, he looks perfect." sabi ko sa sarili ko while looking at him and take a smile.

Hindi na ako nakinig sa lecture ng prof namin. Kasi yung mundo ko na kay Ryan na.

"Miss Tecson!"

"Y-yes Sir!" alertong sagot ko sa prof namin then I stood up immediately.

"I have a question for you. Who is the first hero in our country?"

Hero? Sa naalala ko si Ryan lang yung hero ko. Siya yung nagligtas sakin sa bingit ng kagutoman. At dapat siyang bansagan na first hero sa country natin.

Este, Ano ba Allanice! Gumising ka na nga. Para kang baliw.

Sino ba?

May dalawa akong choises si Lapu-lapu at si Rizal. Pero nalilito ako kung sino sa kanila.

After 5 minutes sinabi ko na sa prof namin kung ano yung sagot ko.

Pagkatapos kung sabihin yung sagot ko, bigla nalang ako pinagtawanan.

May problema ba sa sagot ko? Tama naman di ba? na si "Magellan yung unang Hero sa philippines? Kung hindi dahil sa kaniya hindi tayo magiging Christians. And to think of it, wala tayong religion kung hindi dumating si Magellan sa Pilipinas. Siya ang nagtatag sa atin na magkaroon tayo ng paniniwala.

Tsk.. ang bobo lang siguro nila. Kaya 'di nila alam kung ano talaga ang totoong history.

I explain to our prof. kung bakit si Magellan ang unang hero sa philippines. Tas nagsitahimik sila ngunit palihim parin tumatawa. Sinabihan kasi sila ng "quiet" buti nga.

"Your opinion is nice Ms.Tecson, now you can take your sit." umupo na ko sa upuan ko.

Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang malakas na tawa. Ni RYAN. Errr. Akala ko ba tulog siya. Ngayon pinagtatawanan niya na ako. Of all what I do to him.

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon