My Heart 19

250 17 1
                                    

[Nami's POV]

Napatigil ako sa pakikinig ni Breth, nang marinig kong may sumisigaw sa pangalan ko. Lumingon ako sa sagilid at-at tumambad sa akin si Allanice. Pero ba't siya nandito? Di naman niya alam kung anong lugar 'to ah. Paano niya nalaman na nandito ako? Di ko naman siya sinabihan.

Napalingon rin si Breth kay Allanice. Tapos nanlaki yung mga mata ni Allanice at napatigil sa paglalakad, nagulat guro siya ng makita niyang kasama ko si Breth ngayon. Hindi pa kasi niya alam na magkakilala na kami ni Breth. Nahihiya pa kasi akong sabihin sa kanya, baka hindi siya maniniwala sa akin, o pagtatawanan lang niya ako.

Ngayon napatayo ako sa inuupuan namin. Inilagay ko muna yung chocolate na kinain ko kanina, sa plastic ko muna 'to inilagay. Kukunin ko nalang ito kapag tapos na kamin mag-usap ni Allanice. Kakausapin ko muna siya para mag-explain. Baka kasi magalit siya dahil may sekreto akong di ko sinabi sa kanya.

Nilapitan ko si Allanice...

" Best! Ba't ka nandito? " agad kong tanong sakanya, habang ningitian ko siya na para bang di ako makapaniwala sa reaction niya. Matagal na kasi naming inaIDOLISE si Breth at ngayon kasama ko na siya. Pero siya ngayon pa lang niya nakita si Breth.

" S-si B-breth...B-bayang K-kasama mo N-nami? " nauutal niya sabi, at itunuro niya yung nakaupo doun sa may bench.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya.

" Si Breth?! Si Breth?! Waaaaaaa " napatili siya bigla sabay hawak sa dalawang kamay ko at napalukso-lukso siya sa kilig.

Kaya sinabayan ko nalang siya sa pagtili, nagblend naman yung voice namin eh kaya di gaano narinig yung boses ko kay Allanice lang ang may lakas na pagsigaw.

" Allanice, bakit ka ba nandito? At san mo nalaman ang luga na 'to? "

" Ha? W-wala... May nakapagsabi kasi saakin na maganda ang lugar na 'to. Kaya pumunta ako dito. Sunday naman ngayon at walang pasok, So pumunta na ako dito." sabi niya saakin, pero di siya makatingin sa mga mata ko. " Pero ikaw? Ba't ka rin nandito. At-at kasama mo pa si Breth. Anong ginawa mo sa kanya? Ginayuma mo ba siya? "

Patay! Ano ang isasagot ko sa kanya. Di ko nga alam kung ba't ako nandito eh. Alam niyo naman na dinala lang ako ni Breth dito. Wala akong ka alam-alam sa lugar na 'to. Saka di ko naman kaylan man ginayuma si Breth. O ipinainum sa kanya na posion. Sadyang siya mismo ang nagatubling samahan siya dito.

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon