My heart 26

174 12 0
                                    

Nami's POV

Sa lahat ba ng araw, panahon, at oras dito sa mundo na gusto akong bwesitin ba't ngayon pa na first day of school. May pa-eksenang pang action star pa silang ginawa. Tulad nalang kanina may nagsuntukan.Okey na sana kanina dahil di na ako na bwesit kaya lang may tupak dito na gusto mapakahero. Eh sa katuusan di ko naman kailangan ng hero dahil ang mga heroes ay cartoons lang at gawa-gawa ng malilikot na utak ng mga comic artist. Sadyang pakialamero lang talaga ang Breth na 'to. Yan tuloy napahamak pa.

"Hoy tanga ka ba, bakit ka nakipagsuntukan dun, eh alam mo naman kung anong kayang gawin ng Lance na 'yun" nag-aalalang tugon ko sa kanya. Pero 'di man lang niya ako tiningnan at naging mahimbing pa talaga ang tulog niya sa lagay niyang iyon.

Si prince lorenz kasi ay leader ng isang sikat na gang group dito sa school. Na-research ko nun nang high school pa ako. Alam niyo naman simula't sapul di pa ako ipinanganak adik na ako sa school na 'to kasi dito siya nag-aaral. Ang landi lang ano!

Pero nag-alala talaga ako sa kalagayan niya. Dahil lang nakipagsuntukan siya dun sa Prince Lorenz na yun. Tingnan mo yung Lorenz na yun parang bata kung tumakbo. Palibhasa duwag. Subalit kakaiba din yung kapangyarihan niya. Mas masahol pa siya sa isang serial killer kung magbata at sa tingin ko papatay din siya. Mga mafia din kasi yung parents niya.

"Hmmm!!!" rinig kong umuungol ka tapos binibinat mo na yung paa at kamay mo. Gising na pala 'to. 

Agad naman akong tumalikod at bumalik na sa upuan ko. Narinig kong tinawag mo yung pangalan ko. "Bakit?"

"A-aray!" napahawak siya sa pisngi niya. 

"Uy! okey ka lang?" hinawakan ko yung mukha mo at umayaw ka ulit. 

"Ano ka ba Nami dahan-dahan lang" 

"Pasensya ka na! Ikaw naman kasi nagsintukan ka pa dun" sabi ko sa kanya. At Tumayo muna ako at pumunta sa clinic para kumuha ng gamot, hindi pa naman dumadating yung professor namin.

Nang nakarating na ako eh nagmadali na akong kumuha sa first aid kit ng clinic, wala din kasing tao kaya kumuha nalang ako.

Isang cotton at alcohol yung kinuha ko. Bumalik na ako sa room. 

"Ang hirap palang akyat baba dito sa school na 'to" reklamo ko sa sarili habang papasok ako sa room. Pagkadating ko sa upuan ko ay inilapag ko na yung dalang kung cotton at alcohol.

"A-ah!" sabi mo. Ni hindi ko pa nga nilalagyan ang arte-arte. 

"Teka lang wag kang magalaw" sabi ko sabay lagay ang cotton sa pasa sa mukha niya. Hinawakan niya yung kamay ko. At ano ba 'to ramdam ko yung pisngi ko parang namumula. "Oh Tapos na" 

"Salamat" nakangiting sabi niya. 

"Walang anuman, sa susunod kasi wag ka nang makialam sa di mo away okey" sumimangot ako. Nilagay ko muna sa bag ko yung pinanggamot ko sa kanya. 

"Ah! Nami" narinig ko na tinawag mo ako pero di muna ako lumingon kasi bad timing pumasok na yung professor.

Nagsitayuan ang lahat at binati siya. 

"Good Morning sa inyong lahat. You may now take your seat. Exept to you Ms. Tirol at Mr. Rodrigez"

Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng tinawag kami ng professor namin. "B-bakit po?" nanginginig na tanong ko.

Patay! baka ipatawag kami ngayon sa principals office ay este ng dean. SA DEAN? lumaki bigla yung mga mata ko. May atraso pa ako nun. 

Tiningnan ko si Allanice, gusto ko sanang humingi ng tulog sa kanya kung ano ang gagawin ko o anong sasabihin ko kapag nagkita na kami ng dean. Pero parang ang tahimik ni Allanice ngayon at nakayuko lang siya. Parang walang paki.

"Ssstt.. Hoy Breth" bulong ko sa kanya. "Bakit nasali ako? di ba kayo lang ang nagsuntukan?" 

Bumolong din siya. "Hindi ko rin alam" sagot niya tapos ningitian ako.Tapos bumalik na sa pagtingin sa professor na nagsasalita pero di naman ako nakikinig. Mas nabobore ako sa mga pinagsasabi niya.

Nakita ko yung nuo niya, wala palang bandage nakalimutan kong lagyan. Haishh... ang bobo ko talaga. 

"You Two go to my office now" sigaw ng profesor sabay turo sa bukas na pintuan ng room.

"Sige po" sabay na sabi namin tapos lumabas na sa klassroom.

Anak ng tokwa ng soipao anong ginawa ko at nadamay ako sa kalokohan nila. Pati ako pinatawag na. Kainis sana nalang nakipag kaibigan nalang ako at sinagot yung tanong ng baliw na yun. Kanis. Masisira yung scholarship ko nito. Sana ipagliban ng professor 'to kasi first day of school naman ngayon. Nakakalokang araw na 'to

****

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon