My Heart 17

253 20 2
                                    

Nami's POV

Patay ako nito ngayon. Baka hinahanap na ako ni Marvin.

Bumalik ako sa office kung saan dun ako iniwan ni Marvin. Sabi niya 10:00 o'clock dapat nandito na ako, pero di ako sumunod. It's already 11:30 na, iniwan na guro niya ako o baka nagalit dahil napaka kulit ko. Hindi ko inobey yung utos niya, siya pa naman yung boss ko.

Ano na ang gagawin ko???

" Tatawagan ko nalang kaya siya? " 

Kinuha ko yung phone ko tapos tinawagan ko na siya. Pero di naman niya sinasagot. Nagalit na yata siya.

Nalungkot ako kaya nagpalakad-lakad nalang ako sa campus. May nakita akong isang bench at dun nalang muna naupo. Nakakapagod kaya maglakad, lalong-lalo na't ang laki ng campus dito. Parang isang mall na ata ito eh.

Napabuntong hininga ako tapos may narinig akong isang lalaking nagsalita.

" Sabi ko na sa'yo eh na mauna kana. "

Inangat ko yung ulo ko tapos nakita ko si...

" Breth!!! "

" Oo ako nga! Nakalimutan mo na ka agad ako? Na amnesya ka na agad? Madali lang ba makakalimutan 'tong mukha kong 'to... Napakaimpossible" sarkastikong sabi niya.

Nakatulala lang ako sa kanya habang siya nakatayo lang sa harap ko. Di ako makapagsalita e makagalaw man lang.

Nganga lang ang peg... Ang gwapo niya kasi ehhh.... Lumakas na naman ang pintig ng puso ko. 

" Ah eh! " yan lang ang nasabi ko, tapos umiwas na sa pagtingin sa kanya. Naiilang kasi ako kasi parang, di ako makapaniwala na kinakausap na niya ako ng ganito.

Ang friendly niya pala. At tsaka mabait pa pero manloloko rin, eh pinamukha pa nga niya akong nanay sa practice niya. Ang daming utos, pero kakaiba parin yun kasi kinausap niya ako ng maayos at mahinhinan at magalang pa.

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon