My Heart 10

337 31 14
                                    

Nami's Pov

    Pinakaba talaga ako masyado ni Marvin kanina ah. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag yung kapatid niya ay dadating. Baka may sungay na yun o baka may buntot narin katulad ng mga demonyo na nakakatakot tingnan... Ehhh....

     Diba sabi ko sa inyo takot ako sa mga multo likewise kay Carrie na nangyari saakin last last day. Parang kaylan lang rin na nagkwento saakin si Allanice tungkol kay Carrie. Pero ngayon naman may makikita na talaga akong tunay na demonyo. Hindi lang siya multo kung di demonyo na. "SCARY NAMAN" dito.

    Sinabihan na pala ako ni manang Fe kung ano ang gagawin ko sa ala mansyong bahay na ito. Sabi niya saakin, ako lang daw ang maglilinis , manghuhugas ng mga pinggan , tag-alaga ng kanilang aso-pusa-rabbit-parrot-lovebird-ahas-tigre-lion-lipard-jaguar-hayena-buhaya at demonyo. Hala! Hindi lang pala ala mansyon ala Zoo rin pala ang bahay nila. hehehe at saka mga wild animals pa. >.,< At saka may demonyo pang kasali. Y-yung kapatid niya na kung sino man siya.

  " Manang Fe ako na po ang magluluto ng sinaing ha? " sabi ko kay manang fe habang nagwawalis sa may sala.

   " Huwag na Trixie ako nalang, maglinis ka nalang diyan. " Hay! ?Naku naman, si manag Fe talaga Oo. Akala ko naman napakadali lang ang paglinis. Ang hirap pala at isipin niyo nagwawalis ako ngayon ng isang mansyon na bahay na para bang isang kilometro ang haba.

     Nakakapagod naman....  Pero dapat gawin ko ito. For the sake of Breth, para pagkatungtung ko ng college ay makikita ko na si Breth...Yeeeehhhh......

    " Eha! kunin mo nga yung mga damit dun " utos niya.

    " S-san po Manang Fe ? " tanong ko. Inilagay ko na yung walis sa may gilid ng flower base para sundin ang utos ni Manang Fe.

    " Sa kwarto ng kapatid ni Marvin "

    " Ah Sige po " tumango lang ako. Ah- san pala ang kwarto ng kapatid ni Marvin? Ang laki-laki kasi ng bahay nila , ang hirap magmemorise. AT kaninong kapatid ni Marvin? Yung babae ba o yung ala demonyo niyang kapatid na lalaki?

   " Sige eha! Dalian mo lang ha! " sabi ni Manang Fe.

   " Uhm.. Manang, may itatanong lang po ako " lalakad na sana ako kaya lang may naisip ako.

   " Ano yun eha? "

   " Kaninong Kapatid po ni Marvin? " pagduda kong tanong sa kanya.

   " Sa kapatid niyang lalaki, yung ALA DEMONYOng kapatid niya. Kaya magingat ka! " pananakot naman ni manang Fe saakin.

    " WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT " napasigaw ako bigla at saka nanlaki yung mga mata ko, sa narinig  ko kay Manang FE. " Kayo naman Manang Fe kung mananakot naman kayo parang totoo " biro ko, para pampawala ng kaba. Bigla lang kasing bumilis ang tibok ng puso ko eh.

    " Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lahat ang sinasabi namin. Kaya mag-ingat ka. At saka nandito siya ngayon.  "

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon