My Heart 16

269 24 6
                                    

Nami's POV

"B-Breth"

" Nami! Bakit ka nandito? " takang tanong niya. Yung smile niya kanina nawala na nung nagsimula na niya akong tanongin. " Anong ginagawa mo dito? "

Unexpected naman, akala ko di niya ako papansinin at lalagpasan lang niya ako.

Pero patay ako nito, di ko alam kung ano ang isasagot ko. Eh di ko nga alam kung ano ang ginagawa ko dito.

Biglaan lang din kasi ang pagdala saakin ni Marvin dito.

Ano ba dapat ang isasagot ko sa tanong niya?

Wala akong maisip at di rin ako makatingin sa kanya ng maayos. Kasi kung makakatiti ang lagkit, nakakainlove.

" At saka sino ba ang kasama mo dito? " dagdag pa niya.

Yan! pwede ko na yan sagutin. " S-si Marvin, si Marvin ang kasama ko dito." 

" Si Marvin? " taas kilay niyang tanong, pero feel ko may double meaning yun.

Alam ko na yun iniisip niya. Baka inaakala niya sinusundan ko siya. At isa akong stalker.

Di yan totoo ha. Di ako nagstastalk sa kanya, slight lang.

Di ba naniniwala naman kayo saakin? Di ba?

" So, nasaan ba si Marvin ngayon?...Ba't ikaw lang mag-isa? Atsaka ba't ba kayo nandito? "

Di ko nga alam eh, kung bakit kami nandito. Ano naman ang isasagot ko.

Para naman siyang babae, ang daming tanong. At nakapanibago lang parang nagigiclose na ako sa kanya ah. Totoo ba 'to? Nanaginip lang ba ako?

Nakakapagtaka din, may practice pa sila eh ba't kinakausap pa niya ako at y-yung mga fans niya naghihintay na.

Wait Fans? 

Fan Girls?

Lumingon ako sa gilid at may nakikita akong grupo ng mga babaeng nagchichismisan at ang sama ng tingin nila saakin. 

Di ko carry to baka matutunaw na ako sa kakatitig nila.

" Uhm, Breth "

" Bakit? "

" Alis na ako... Sige bye "

Tapos umalis na ako. Pero may biglang humawak sa kamay ko.

" Sandali! "

Tumibok ng mabilis ang puso ko, lumingon ako sa kanya sabay iba ng expression.

Oh My ....Hinawakan niya yung kamay ko. Eheeee....

Huminga ako ng malalim " Bakit?? "

Tiningnan ko ulit yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

" Wag ka munang aalis "

Ha? nabingi ako sandali. Di ko Marinig yung sinabi niya kanina. " A-ano? "

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon