My Heart 20

227 19 3
                                    

Chapter Twenty

Nami's POV

" Nandito na tayo " sabi ni Breth saamin.

Nakatulog si Allanice sa biyahe, masyado kasi malayo ang mall. Akala ko malapit lang. Di pala. Nang hindi pa nga kami nakarating dito, napuyat na ako.

Pero may kailangan akong gawin ngayon. May pinaplano pa ako.

And here is my plan. Simple lang at di siya pahirap. Ayaw ko naman pahirapan ang sarili ko. Ang gusto ko lang namang plano ay masolo ko ulit si Breth. Hehe. Kahit sinolo ko siya kanina sosolohin ko parin siya ngayon.

Gining ko si Allanice sinabi ko sa kanya na nakarating na kami. At gumising naman siya. 

Huminga ako ng malalim, nagpapahiwatig ito na I am ready to my "Not so Evil Plan".

Para akong tanga nito. May pa plano-plano pa, kahit hindi naman siya matatawag na plano.

" Uy! Nami Tara na. Pasok na tayo " sabi ni Allanice.

Tiningnan lang ako ni Breth tapos tumango siya. Pumasok na kami sa mall. 

Napahinto kami sandali ng may makita kaming isang makintab na necklace.

" Wow ang ganda naman ng necklace na 'to " asam kung sabi habang tinitingnan ang necklace, pero may glasses na nakaharang, gusto ko sana siyang susuotin. Medyo mamahalin siya pero di ko naman ito bibilhin eh kasi wala pa akong pera ngayon.

Sayang naman, hay! magtitipon talaga ako ng maraming pera at babalik ako para bilihin itong necklace na 'to.

" Oo nga noh! " sabat ni Allanice. Nagustuhan niya rin yung necklace.

" Hoy! Ikaw Allanice ha. Ako ang unang nakakita niyan. "

" Oh ano ngayon. Bibilhin mo ba yan? "

" O-oo. " walang kasiguradohan kung sabi sa kanya.

" Weeeeh... Ikaw? Bibili nito? Ang mahal-mahal kayang necklace na 'to. " natatawang sabi niya habang tinuturo yung glasses kung saan nandun ang necklace.

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon