My Heart 21 " Starting on The Beginning "

243 14 1
                                    

Sorry sa very very very Late Update. Nawalan kasi ako ng gana sa pagsulat. At ngayon na inspired na naman ako . Sana magustuhan niyo ang story...

---------------------------------------------------

Nami's POV

Ang saya-saya ko ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala. Binigay niya talaga ito sa'kin?. Totoo ba to?

Kasalukuyan kong pinagmamasdan at kinakausap ang kwentas na ibinigay niya saakin. Yung ibinigay ni Breth. Akalain niyo. Isang sikat at kilalang tao, tapos crush ng bayan, binigyan ang isangfan girl niya. Nang isang mamahaling KWENTAS.

Saka siya pa mismo ang nagsuot, sa leeg ko. Akala ko panaginip lang ang lahat. Four months na ang nakalipas. Pero parang kahapon lang nangyari.

At akalain niyo. Malapit na kaming mag-graduate sa high school. Talagang mamimiss ko tong high school life. Na kahit isa, wala akong relationship status na naganap sa highschool life ko. Sana sa susunod meron na. At hindi ko na talaga palagpasin ang pagkakataon next year. Dapat meron na ako.  

Ang swerte ko rin. Dahil next year mag-aaral na ako sa pinapangarap kong School. Tapos makikita ko na yung matagal ko ng mahal, yung nagbigay sa akin ng  kwentas na 'to. Teka, si Marvin pala mag-aaral din siya sa Rodrigez College University. Kaming tatlo mag-aaral dun, kasama kasi sa nakuhang scholar si Allanice. At nagpapasalamat ako. 

***

Graduation DAY

"Yeahy! Graduate na kami" nagsigawan lahat ng mga senior students. Pati din ako sumigaw din ako. Nakisama ako sa kanila sa pagsigaw kasi last day na namin dito sa high school. Dapat maging memorable to saakin ngayon.

"Okey Everyone, you may now take your seat. Because our Validectorian will have her Validectorian address."

Nagsiupo na sila. Tapos tumahimik ang buong paligid. Hinihintay nila ngayon ang pagsasalita ng Validectorian.

I Fell in Love with my SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon