Special Chapter 1.3

51 0 0
                                    

"Use your brain to protect your heart from the pain"

Amber's POV

S-Sandali...

M-M-Mara?

Jusko naman. Sana mali yung narinig ko. Sana guni-guni ko lang yun. Pinagkakatiwalaan ko ang best friend ko.

Alam kong ang daming masamang pumapasok sa isip ko. Hindi ko nga alam kung tama e. Ewan ko ba. Siraulo naman tong utak na to e.

Tulad nalang netong pag iisip ko kung si Mara ba ang naglagay nung ano----nung patay na daga.

Kung siya, bakit?

At tsaka..

Minsan rin naiisip ko...

Kahit ayaw kong isipin,

Kahit ayaw kong intindihin,

Tunay ko ba siyang kaibigan??

Kasi, tingnan nyo na lang ang mga galaw nya. Ang mga bagay na ipinapakita nya sa akin.

Mga ganung bagay ba. Pumapasok sa isip ko mga ganun. Pero ayaw kong mangyari eh kaya kinakalimutan ko na lang. Pinapalipas ko na lang ang ganung mga bagay, ayaw ko kasing intindihin eh. Ayaw kong maniwala sa mga iniisip ko. Minsan kasi lakas ng tama nitong utak na to eh, akala mo naman eh lahat ng isipin nya tama noh? Kaya nga minsan ang hirap hirap magdesisyon eh. Kasi hindi ko alam kung tama ba yun o mali.

Dahil curiousity kills, kahit wala akong kasiguraduhan sa kasunod na mangyayari eh sumilip ako doon sa pinto ng classroom.

Dahan dahan..

O___________O

Sina Ate Timber at Mara.

A-Anong ibig sabihin nito?! Totoo ba tong nakikita ko?! Hindi naman ako namamalikmata di ba? Tama ba yung narinig ko kanina? Bakit sila magkasama?

Ano bang nangyayari?

Pakiramdam ko nanlumo ang buong katawa ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Sisinghap na sana ako pero tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila ito marinig.

Ngayong nangyari na to, nakita at narinig ko sila, ano nang gagawin ko?

Totoo nga ata talaga ang mga hinala ko... hindi ko tunay na kaibigan si Mara.

Hah. Ang galing galing ko talaga ano? Sobrang bait ko. Ngayon wala na kong kaibigan! Wala na! Eh alangan namang habulin ko pa tong traydor na to!

Edi parang sumakay ako sa eroplanong nasa ilalim ng dagat pag ganun.

Tumakbo nalang ako palayo sa kanila. Umuwi ako sa bahay at doon umiyak.

Wala na.

W-wala na.

***kinabukasan***

Pinilit kong pumasok kahit absent minded ako. Wala na kasing iba pang napasok sa isip ko kundi yung nangyari kahapon eh. Napagdesisyunan ko ring iwasan na lang yung dalawang taong yun kesa naman ipilit ko pa ang sarili ko.

Pagkatapak ko sa ground ng school ay isang masamang balita kaagad ang bumungad sa'kin.

"Amber! Si Mara, nasa rooftop! Magpapakamatay!"

Nabuhayan bigla ako ng dugo at bumalik sa wisyo.

Tangina, seryoso?!

Nataranta ako at kinabahan. Oh eh anong balak nya namang gawin? Magpakamatay? Puta puta puta.

Tumakbo ako paakyat ng rooftop at padami na rin ng padami ang nakikita kong mga kapwa ko estudyante. Hanggang sa makarating na'ko sa rooftop...

Pakiramdam ko biglang nanikip dibdib ko. Hindi ako makahinga...

Pero tinatagan ko ang loob ko at lumapit sa kaibigan ko.

"Mara, anong ginagawa mo??!!!?"

Napalingon naman sya sa'ken. Takte kitang kita ko ang pagkadugyot ng mukha nya. Naligo ba to?!

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!!!"

Ako?!

Bakit ako?!!!

ABA!!! Sya nga tong--------- pero ako, mananatili pa rin nya kong kaibigan! Di ako aalis sa tabi nya. Hindi ako magsasawang pagtiisan ang ugali niya.

Kahit na may ganito nang nangyari sa pagkakaibigan namin..

Hindi ko pa rin sya magawang iwanan.

Hindi ko pa rin sya magawang talikuran.

Hindi ko kaya.

"Ano? Bakit ako?!?!! Bumaba ka nga dyan! Ano ba oh! Ano bang nangyari sayo?! Kung ano man yang naisip mo andito naman ako oh!"

Parang nawala bigla lahat ng galit at hinanakit ko sa kanya at natabunan ng pagmamahal.

Ohmygod I'm so corneh =___=

Pero seryoso.

Kasi kahit papano, kaibigan ko pa rin sya.

Siya pa rin yung best friend ko.

"Umalis ka nga dito! Wala kang pakialam sakin diba?!!! UMALIS ka dito!!! HINDI KITA KAILAGAN!!!!"

Arouch. Ang saket nun ah? Pero alam ko she doesn't mean it. Simply bcoz alam kong nadadala lang sya ng emosyon nya. Dibugh?!

"Kahit ipagtabuyan mo ako. Di ako aalis. Dito lng ako sa tabi mo."

Hindi nakasagot si Mara at tumingin lang sa ibaba..

Lumapit pa ko sa kanya.

"Huwag kang susuko please? Kung ano man yang nasa loob mo, lilipas rin naman yan eh. Wag kang mag-alala, andito ako sa tabi mo." Then I hugged her feet and I started crying. "Wag mo naman akong iwan. Ikaw na nga lang ang meron ako, mawawala ka pa. Ang unfair mo naman eh!!!"

Nagsimulang mag-ingay ang mga tao sa paligid. Siguro nagtataka sila dahil sa ginagawa ko. Pero wala silang pakialam! Walang makakapigil saken! Tangina nyo may pinaglalaban ako.

"Tsk! Hoy, ano ba! Umalis ka nga dyan!! Sagabal naman toh eh! Layas nga!!!!!"

Pero hindi.

Dahil magaan si Mara, nagawa ko syang buhatin.

"Aaah! HOY AMBER!! Ibaba mo nga ako!!! Putang--?! Ano ba!! Hoy!!!"

Pero ntawa na lang ako. Napaupo sya sa mga balikat ko at nasa unahan ko ang mga hita nya. Yapos yapos nya ang ulo ko at hinampas hampas ito.

Pero natatawa na lang ako.

At hindi ko alam kung bakit.

Nagiikot pa ako sa rooftop.

Ewan. Feeling ko ang saya ko ulit.

Siguro dahil...

Napigilan ko ang pagtangka nyang pagpapakamatay.

At eto ako, tawang tawa habang buhat buhat sya. Kahit pinapalo palo nya ako at minumura.

Hehehehehehe. :)

"Ibaba mo sya."

Natigilan ako at napatingin sa mga pulis na nakapaligid samin.

------

Last chapter of #TGBTCTraydor. :) Labyuuuuuuuu mwa. Hehe.

The Girl Behind The CurtainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon