Amber's POV
"*huk* Tapos.. Sabi niya sa'kin... Puta***** ko daw, ko daw! Ko! Eh samantalang pareho naman kami ng nanay. Ang pinagtataka ko lang kasi.... Bakit... ako? Bakit ako yung sinisisi nya? Oo, dahil ako yung nagluto. Pero.. di ba, may ibang pumunta doon?---"
"So sinisisi mo ako ganun?"
Biglang sabi ni Mara sa kalagitnaan ng pagdradrama ko sa balikat niya. Nagulat ako. Luh? Hindi naman sa sya mismo yung tinutukoy ko pero kasi.. ang tanda ko, naki-CR sya, eh yung CR namin, katabi yung kitchen tapos napalingon ako sa kanya. Eh nakita kong binuklat niya yung pagkain ni Ate Timber sa lamesa. Tapos lumingon sya sa paligid na para bang tinitingnan nya kung may nakatingin sa kanya. Tapos hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari kasi tinawag na ako ni ate.
Oo, posibleng si Mara yon, kaso ayaw kong pagbintangan ang best friend ko eh, naku! Magagalit yon sa'ken at magtatampo. Alam ko pati, pag sinabi ko yon, sasama ang image ng best friend ko. Sasabihin naman ng iba, aba nga naman. Ang isang Quierrez, may best friend na ganun ang ugali?! Ayoko namang masabihan ng ganun kase ang pangit nga namang pakinggan diba? Aba, sino ba namang tanga ang papayag at hindi mahihiya pag ganon ang kinahinatnan ng pagpayag mo sa kaibigan mong magpabalik-balik sa bahay di ba? Nang dahil sa paglalagay ng patay na daga sa plato, alam ko, maaari niyong mawakasan ang friendship namin ni Mara.
Seriously talking, nasa isip ko talaga ay si Mara ang gumawa no'n.
Pero sandali nga lang lintek, aba! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito?
Urgghh. Ano ba akong klaseng best friend?! Okay sige, erase my thoughts na =_____=
Kung nakakabasa lang ng isip ang tao, naku. Galit na sa'ken si Mara.
Kung ano ano naman kase ang pumapasok sa isip ko eh.
"Uy, bes, may nangyari ba? Ay naku, siguro iniisip mong ako ang naglagay non? Like duh, ako? Isang Mara Yretarino, hahawak ng patay na daga at ilalagay sa plato na may pagkain? Jusque! Alam mo namang nandidiri ako du'n diba?"
"Hmm.. okay." syempre wala na'kong magawa kundi ang umoo. wala na rin naman akong magagawa eh.
"sorry bes ha? kalimutan na lang natin ang nangyari. panigurado naman papatawarin ako ni ate. syempre. ate ko yun eh!"
----
kasalukuyan ako ngayong naglalakad palabas ng school.
i'm disappointed.
nagpapaintay kasi sa'kin si mara sa classroom eh. labasan kasi kami ng 4:20PM. tapos may practice daw sila ng 4:20 hanggang 5:20 sa dance troupe. syempre, ako, alam ko, nasaktan ko yung best friend ko sa nangyari nung isang araw. alam ko kasing akala nya, iniisip ko eh sya yung may kasalanan. kaya ngayong nagrequest sya sa'ken, pagbibigyan ko na. para naman makabawi ako kahit papaano di 'ba?
pero alam n'yo ba kung anong nangyari? 6:30PM na nang icheck ko ang oras tapos nawala na pala si mara nang icheck ko ang classroom na pagprapraktisan daw nila.
buti na lang may ginagawa yung kabilang section kaya tumulong muna ako, doon lang naman 'yon sa tabi ng classroom namin kaya tanaw ko naman si mara kapag dumating.
nagpresenta na'kong tumulong kasi wala naman akong ginagawa bukod sa paghihintay. at isa pa, 4th year Representative ako. yup, isa akong school officer. kaya yun, kahit papano may naging libangan ako.
anyway, ayun..pagkatapos nung pag-uusap naming ayon ni mara di ko na sya nakita. ni hindi man lang ako tinext o nagpasabi. walanjoo naman. iniwan ako e.
unti-unti na ring nagdidilim ang langit. kakaunti na rin ang mga estudyanteng natitira dito sa loob ng campus.
urghhh. natatakot ako! wala tuloy akong kasabay! kasabay ko kasi si mara pag-uwi, nagcocommute lang kami sa bus. malayo kasi ang school namin sa bahay namin samantalang halos magkapitbahay na rin kami kasi sa tapat na subdivision lang pala sya nakatira.
nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa bumaba na 'ko ng hagdan. nasa 4th floor ang classroom namin.
nang tuluyan na'kong makababa ay naglakad na ulit ako
"Mabuti naman at nagawa mo ng maayos ang pinapagawa ko. Ngayon gawin mo na lahat ng pwedeng gawin at nang kumalat sa buong mundo iyang kahihiyang yn. Hindi ako papayag na hindi ako nakakaganti sa babaeng yon. Di ako papayag na natatalo nya ako. Sige na."
napatigil ako nang marinig ko iyon mula sa classroom katabi ng hagdan.
"Sige po, Ms. Timber."
kilalang-kilala ko ang boses na iyon.
------end of special chapter 1.2----_
A/N: Oh my god! BWAHAHAHAH!!!! Djklng. Okay.
BASAHIN NYO ITO IMPORTANTENG ANNOUNCEMENT TO!!!
Ang istoryang ito ay magiging slow update sa kadahilanang walang cellphone si author. yup, may ginagamit ako ngayong bago. yup, hindi kami nawalan ng wifi pero kasi may pasok na eh. you know, estudyante problems -______-
pero worth it naman palagi ang paghihintay ng update eh. di ba?
AY MAY TANONG NGA PALA AKOOO!!!!!!
Sgutin nyo ha. sa comment. (P.S pag di kayo nagcocomment hohopia-in ko kayo sa mga update! tapos maiinis kayo kasi sabaw! tapos sabaw kasi binasta!!!)
Sorry naman xD
gusto ko lang malaman ang nasa isip nyo :">
MAGANDA BA YUNG FLOW NG STORY?
Yes
Maybe yes
Maybe no (HAHA dalwa ksi ang ibig sbhn ng maybe diba? xD)
No
At.. bakit sa tingin nyo ay yoon ang sagot nyo?
TUMATANGGAP PO AKO NG PANGHUHUSGA!! ^___^ Okay lang po sa'kin kung sabihin nyong pangit. para naman mabago ko. :)
KAMSAHAMNIDAAAAAA!!!! :*
Goal ko sa next update, 5 comments..(Kaya magcomment na kayo at nang magupdate na ko agad! yey! :))
BINABASA MO ANG
The Girl Behind The Curtain
Ficção AdolescenteHindi ako yung tipikal na babae na amazona, nerd, or a commoner. I'm a rebel. They say, I'm a GANGSTER. A GIRL GANGSTER. And I don't care what can even happen to me. Hindi ko na rin pinapahalagahan ang buhay ko. Dahil wala naman talagang dahilan par...