Chapter 5: Tervetuloa Suomeen

36 2 0
                                    

Year: 2012, Finland (Present)

Author's POV:

"Teka, parang ikaw ang ikakasal ha?" tanong ni Claude sa pamangkin nito.

"I just missed him so much," nakangising tugon ni Adam. Mangangalahating oras nang nakataas ang poster na gawa nito. Matiyaga silang naghihintay ng tiyuhin niya sa Airport Terminal.

"Well, aren't you that happy?" Tinatawanan ni Claude si Adam. Nagliliwanag sa tuwa ang pamangkit nitong hindi nangangawit sa pagngiti.

Pinagtitinginan ng mga tao si Adam habang hawak-hawak ang poster. Wala itong pakiaalam habang nagtatalon sa tapat ng mga nagdadagsaang pasahero. Kanina pa silang dalawa pinagbubulungan ng mga tao.

"Is he an actor? He's so damn hot!"

"Oh, my goodness. That girl written on his poster must really be so pretty."

"Is that his Dad with him? He's hot too."

Pinag-uusapan na sila ng mga taong dumadaan. Hindi nila inalintana ang mga ito habang hinihintay ang mga bisita nila. Nakasuot si Adam ng dilaw na hoodie at naka tuxedo naman si Claude.

"So Uncle, how does it feel?" usisa ni Adam.

"To be honest, you saved my ass last year. I never expected you to be there when I proposed," tugon ni Claude. Natatawa na lang si Adam sa sagot ng tiyuhin nito. "I was so happy when he said yes. Pero nagtataka pa rin ako, how the hell are you in two places at the same time?"

"They're here!" sigaw ni Adam. Pinutol ni Adam ang sinasabi ng tuyuhin niya nang makita niya ang binatang kanina pa niya hinihintay. Tila isang kuwitis na pumutok sa langit ang tuwang nadarama nito.

Tumakbo si Adam patungo sa kasintahan nito. Nakasuot si Noah ng jacket na maong at sunglasses habang hatak-hatak ang kanyang maleta.

"APPLE!" sigaw ni Adam. Halos umabot na sa kabilang dulo ng terminal ang boses nito.

Nakita ni Noah ang kanyang nobyo na may hawak na malaking poster. Nang mabasa niya ang nakasulat ay patakbo siyang pumunta sa kinatatayuan ni Adam.

"Abnuy ka talaga!" naiinis na tugon ni Noah. Hindi na nito nagawang batukan ang kasintahan niya nang bigla siyang buhatin nito. Inaalog siya ni Adam sa ere habang nahulog sa sahig ang ginawa nitong poster. Panay ang halakhak ni Noah habang binabasa ang nakasulat dito. "'To the sweetest Apple on earth, Tervetuloa Suomeen! (Welcome to Finland)' talaga? Hindi na gumanda handwriting mo!"

"Yeah, whatever."

Hindi na pinansin ni Adam ang pang-aasar ng kasintahan niya. Marahan niyang ibinaba si Noah. Agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Noah at hinalikan ang mga labi nito.

Nagulat si Noah sa ginawa ni Adam. Mabilis na nag-init ang kanyang pisngi nang madama ang malambot na labi ng kanyang nobyo. Pansin niyang pinagtitinginan sila ng mga tao. Ngunit hindi gaya ng dati, hindi na niya iniintindi ito. Sa halip, mapangahas na ginantihan ni Noah ang mga halik ng kasintahan nito.

"Ehem..." bulalas ni Danilo.

"Baka nakakaistorbo kami sa inyo?" dagdag pa ni Claude.

Napakalas ang mga labi ng dalawa. Nasa likod na ni Noah ang kanyang ama. Nakasuot si Danilo ng leather jacket na itim at napaka ayos ng pagkakasuklay ng buhok nito.

"Sorry, Tito Dan," nahihiyang tugon ni Adam. Kinagat nito ang dalawa niyang labi at hintak patungo sa kanyang likod si Noah. "I just missed him so much."

Mabilis namang pinunasan ni Noah ang mga labi nito. Naiilang siyang tumingin kay Danilo. "Sorry po, Dad. Hindi ko rin po napigilan."

"Oh well, you two are old enough naman."Pinisil ni Danilo ang pisngi ng dalawa. "Pero hinay-hinay lang."

"Yeah, halos kainin niyo na ang isa't isa," dugtong pa ni Claude.

Maririnig sa maliit na sulok ng paliparan ang halakhak nilang apat. Tinulungan ni Adam at Claude sina Noah at Danilo sa mga bagahe nila. Ilang minuto pa ay nasa kotse na sila papunta sa mansyon ng mga Ambrosi. Katabi ni Danilo si Claude na nasa driver's seat at nasa likod naman ang kanilang mga alaga.

Mapapansin na nakatitig lang si Noah sa labas at panay ang nganga nito sa tanawing nakikita niya.

"Seriously? It's spring! Bakit puro snow parin?" pagtataka ni Noah.

"Well, we live in the North part of the country. It's almost winter here the whole year," paliwanag ni Adam.

"Baby, kailan darating si Tita Maring and si Nico?" tanong ni Claude kay Danilo.

"Ma will be here three days before the wedding, and Nico–" Hindi na natuloy ni Danilo ang pagpapaliwanag. Nginitian nito si Noah mula sa rearview mirror.

"Sasabay na sana si Nico pero I insisted him to just fly together with Lola," paliwanag ni Noah. Natatawa ito habang nasa backseat. Iniisip nito ang mga ginagawa ngayon ng pinsan niya kasama si Sky.

Matapos ang ilang oras ay narating na nila ang mansyon ng mga Ambrosi. Nauna nang pumasok sina Claude at Danilo samantalang nagpapagpag pa ng kanyang sapatos si Noah. Ang tapat ng bahay ay nababalot ng tila puting tela dahil sa buhos ng niyebe. Hitik ang paligid sa preskong amoy ng mga pine trees.

"Hey, you okay?" usisa ni Adam. Papasok na sana ito nang mapansin hindi kumikilos ang kanyang nobyo.

Nakatingin lang si Noah sa nyebe sa tapat ng bahay. Naalala ni Noah ang mga kwento ni Adam tungkol sa kabataan nito. Ang mga panahong tinuturuan si Adam ng tatay niya gumawa ng snowangel noon. Naalala rin niya ang mga kuwento nito tungkol sa pag time travel sa naturang bahay noong buhay pa ang mga magulang niya.

"I just remembered. Is this the place where–"

"My tatay and I used to make snow angels? Yes." dugtong ni Adam. Nakatitig silang pareho sa makakapal na niyebe.

"Sorry, I didn't mean to," malungkot na bulong ni Noah.

"Nah! Tara na sa loob. Sipunin ka pa rito."

Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa pinto nang may mapansin si Noah sa gilid ng paningin niya. Biglang itong natulala sa isang puno nang may marinig itong pumapagaspas.

"Wow! Kuwago ba iyon?" Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Noah sa kanyang nasaksihan.

"Ha? Saan?"

"Ayun, oh. Sa pine tree. Apat!"

"Parliament,"nakangiting tugon ni Adam. Natatawa ito sa nobyo niyang tila ngayon lamang nakakita ng mga kuwago. "They're not here that often baka winewelcome ka rin."

Nanuna nang pumasok si Adam sa loob ng bahay habang matagal namang tinitigan ni Noah ang mga puting kuwago sa taas ng puno.Nang sumapit ang gabi ay agad na nakatulog si Noah dahil na rin sa pagod nito sa biyahe. Maririnig ang mga sipol ng hangin na dumadaan sa mga pine trees sa paligid ng mansion. Sa bintana sa kwarto ay tumatagos ang liwanag ng bilog na buwan patungo sa nahihimbing na si Noah. Mahimbing na ang tulog niya nang maalimpungatan dahil may nag-aalis ng mga butones ng kanyang damit.

"Hoy! Ark! Wag muna tonight. I am so sleepy," reklamo ni Noah habang yakap-yakap ang unan ni Adam. Agad siyang dumapa upang hindi tuluyang mahubaran.

Sa gilid ng kama ay nakatayo si Adam. Bagong ligo ito. Nakatapis lamang ito ng tuwalya. Bagong ligo ito at iniilawan ng sinag ng buwan ang malaki niyang katawan. Kumikislap ang dilaw na ilaw mula sa langit sa bawat butil ng tubig na naiwan sa kanyang balat. Tumutulo pa ang ilang tubig mula sa matipuno niyang dibdib patungo sa mga pandesal sa kanyang harapan.

"Sige na please," bulong ni Adam. Lalo nigtong nilapit ang mukha niya kay Noah at hinihipan ito. "I've been dying to do have sex with you for months"

Mabilis na itinakip ni Noah ang kanyang unan sa kanyang ulo. "I haven't cleaned yet."

"I don't care."

Pinilit imulat ni Noah ang mga mata niya. Nakita niyang nakangiti sa kanya si Adam at bumubukol ang alaga nito sa suot niyang manipis na tuwalya. Panay ang kembot ni Adam na dahilan upang umalog ang pinagmamalaki nitong sandata.

"Halika nga dito,"bulalas ni Noah.Bigla niyang hinila si Adam hanggang sa mapadapa ito sa kanya.

"Oh? Game?" udyok ni Adam

"No! Sleep!" sagot ni Noah.

"Sex!"

"Sleep! Apple needs to sleep."

Nakapalupot ang mga galamay ni Noah sa katawan ni Adam habang nasa ibabaw niya ito. Sinubukang magpumiglas ni Adam ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Noah sa kanya.

"Fine! Let me put on my jammies," sumusukong tugon ni Adam. Ngunit hindi parin siya pinapakawalan ng kanyang nobyo.

"... pooning" bulong ni Noah.

"What?" Hindi siya narinig ni Adam. Inaantok na ang boses nito.

"Gusto ko, spooning." Mas malakas na ang boses ni Noah.

"Eh, paano ako pupwesto sa likod mo niyan. Ayaw mo akong bitawan."

"I wanna be the big spoon this time."

"Ha-ha! No!"

"Sige na. Five minutes lang 'till I fall asleep."

Napansin ni Adam na antok na antok na talaga ang kanyang nobyo. Marahan siyang pumuwesto sa tabi ni Noah. Nakatalikod siya habang yakap-yakap parin siya nito. Amoy na amoy ni Noah ang bagong ligong balat ni Adam gayundin ang buhok nitong parang binabad sa lavender. Nginudngod niya lalo ang mukha niya sa leeg ni Adam hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Nang mapansin ni Adam na hindi na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Noah ay marahan niyang hinarap ito. Pinagmamasdan ni Adam ang napaka guwapong mukha ng kanyang kasintahan. Kasabay ng mahinang paghilik ni Noah ay ang sumisipol na hangin sa labas ng bintana. Sa malayo ay maririnig ang mahinang huni ng mga kuwago habang lumalalim ang gabi.

"I wish we could stay like this forever," bulong ni Adam. Hinawi nito ang kulay tansong buhok na nakalugay sa noo ni Noah. "Sleep well my dear Apple."

***

Nagising si Noah sa mga huni ng ibon habang nakabukas ang bintana ng kuwarto. Sa tabi niya ay nakaupo si Adam na abala sa pagsuot ng mga medyas nito. Mabilis siyang napangiti sa presensya ng taong matagal na siyang nangungulila. Pinagmamasdan ni Noah ang matipunong likuran ni Adam at ang mga malapad na balikat nito.

"I missed you so much," bulong ni Noah.

May pumasok na malamig na hangin mula sa bintana. Mabilis na nakabaluktot si Noah. Nang mapansin ni Adam na gumagalaw na ito ay agad niyang itong nilingon.

"Good morning, Apple," nakangiting bati ni Adam.

"Good morning too, Ark."

"Do you wanna come with me to–"

"Yes!"

"Hindi mo man lang ako pinatapos," natatawang tugon ni Adam.

"With you' is all I need to know," tugon ni Noah.

"Who told you to be cheesy? That's my thing." Namula si Adam sa sinabi ng nobyo niya. Mabilis niyang kiniliti si Noah hanggang sa mamilipit ito kakatawa. Nang magsawa sa paghaharutan ay pareho na silang nakaupo sa gilid ng kama. "Remember these? We talked about them online."

Hawak-hawak na ni Adam ang mga skating shoes na binili niya para kay Noah. Napatingin si Noah sa labas ng bintana kung saan natatakpan ng makakapal na ulap ang araw.

"Are you sure it's safe?" usisa ni Noah. Balot na balot siya ng kumot dahil sa lamig.

"Yes, I had it checked with our workers. The entire lake is frozen solid except for the part where you know..."

Napalingon muli si Noah kay Adam. Tinignan niya ang kalendaryo na nakasabit sa pader. Muli niyang naalala ang kailangan nilang gawin.

Makatapos ang isang oras ay nasa nagyeyelong lawa na sila. Nakasandig si Noah sa isang kahoy sa dulo ng lawa habang si Adam naman ay masayang nag-iiskate sa harap nito.

"Hey! Come on! It's fun!" yaya ni Adam sa kanyang nobyo.

"Tss! Ang lamig. Hindi ako marunong," giit ni Noah.

Mabilis na lumapit sa kanya si Adam. "Can you atleast stand?"

"I guess."Nanginginig pa ang mga tuhod ni Noah habang pinipilit tumayo sa yelo. Tumalikod si Adam at pinahawak niya si Noah sa mga bewang niya.

"Okay, humawak kang mabuti. Para ka lang nagbabalanse ng motor."

Nag-umpisang mag -skate si Adam. Ramdam na ramdam nito na lalong mas humihigpit na ang kapit sa kanya ni Noah.

"Ano, kaya ba?" usisa ni Adam

"Oo, nalulula lang ako. Ang linaw ng yelo," tugon ni Noah.

"Huwag kang yumuko. Sa harap lang ang tingin."

Inangat ni Noah ang ulo niya. Kitang-kita nito ang kumikislap buhok ni Adam habang tumatama ang repleksyon ng araw sa yelo na nakapalibot sa kanila. Abot tainga ang ngiti nito habang hinahawakan ang mga kamay ni Noah na nakadikit sa kanyang bewang.

"Wooh!"bulalas ni Noah. Ang nagyeyelong hangin ay tila kinikiliti ang kanyang ilong. Ang mabangong amoy ng pinetrees ay humahalo preskong simoy ng hangin.

"Sabi sa'yo mag-eenjoy ka, eh" tumatawang saad ni Adam.

Paikot-ikot silang dalawa sa buong lawa. Lasap na lasap ni Noah ang nagyeyelong hangin na patuloy na dumadampi sa kanyang mukha. Walang humpay ang paghatak sa kanya ni Adam. Sa maikling oras ay naramdaman nila ang kaginhawaan sa piling ng isa't isa.

"Can you try on your own?" tanong ni Adam.

"Grrr, ayoko. Baka mabasag ang yelo kapag natumba ako."

"Sige na, I'll catch you before you fall."

"Promise?"

"Oo, promise."

Ilang oras silang naglalaro sa lawa. May mga pagkakataong muntikan nang matumba si Noah ngunit gaya ng pangako ni Adam, lagi niyang sinasalo ito. Matapos silang magsawa ay pareho silang napaupo sa nyebe sa tagong parte ng nagyeyelong lawa.

"I have a surprise for you. Stay there,"saad ni Adam.

Bumalik si Adam sa ibabaw ng yelo at nagsimulang mag skate. Mabilis ang bawat ikot nito. Humaharurot sa buong lawa na may kasama pang pag-ikot at mga kakaibang talon. Panay ang kanyang pakitang gilas sa mga galaw ng figure skaters na ilang taon niyang inensayo.

"Woah! Ang galing!" bulyaw ni Noah. Pumapalakpak pa ito sa tuwa. Tila isang bata ito na nanonood ng Olympics.

Natatawa na lang si Adam habang naririnig ang malalakas palakpak ni Noah. Nakatayo pa ito sa sobrang pagkamangha. Naalala niya ang batang madalas niyang puntahan sa ilalim ng puno ng Narra. Ang reaksyon ng batang iyon tuwing namamangha ay tila hindi nagbago matapos ang mahabang panahon.

"So? What do you think?" Matapos ang ilang minuto ay nilapitan ni Adam si Noah.

"Ark, you're really good at this! Why not join a sports or a national team for figure skating?"

Sa halip na matuwa ay mabilis na sumimangot si Adam. "You're forgetting something."

Tinaas ni Adam ang relo niya. Napabuntong hininga si Noah habang napaupo sa nyebe. Napatingin sila pareho sa langit. Naalala niyang delikado nga pala kung biglang mawala si Adam sa harap ng maraming tao.

"I really wish you're not a time traveler," tugon ni Noah. Hinayaan niyang lumipad sa langit ang panghihinayang sa kanyang bibig. "You could have been living a normal life by now."

Kumuha si Adam ng snow, binilog niya ito at hinagis kay Noah. "If I wasn't, malamang, I'm dead just like my parents in that car accident. At isa pa, malamang hindi kita makikilala. ha- ha."

Gumawa din si Noah ng snowball at binato ito kay Adam. "Still, I'd give up everything for you to be normal."

"So abnormal ako? Ha?"

"Abnuy!"

Nagbabatuhan sila ng snow nang biglang nag alarm ang relo ni Adam.

"Ano ba 'yan? It's time already?" reklamo nito

"See I told you, I wish–" nauutal na saad ni Noah

"Shhh! Tara doon sa manipis na yelo."

Naalala ni Noah ang naka schedule na pag time travel ni Adam. Ang nakatakdang pagtalon nito sa ibang panahon upang gawin ang isang importanteng bagay. Nakatayo silang dalawa sa makapal na niyebe habang hinuhubad ni Adam ang mga damit nito.

Tanging brief na lang ang suot ni Adam na dahan-dahan na rin niyang inaalis habang nasa harap siya ni Noah. Napansin niyang namumula ang pisngi ng kanyang nobyo at umiiwas ng tingin ito.

"Hoy! Parang first time mong makita to ha? Kung makaiwas, akala mo–"

Hawak-hawak ni Adam ang alaga niya at iwinawasiwas niya sa ere.

"Baliw ka talaga! Amin na ang salawal mo!"

Inihagis ni Adam ang brief nito. Mabilis itong tumakbo sa manipis na yelo habang hawak ang alaga niya. Sa pampang ay nakatayo si Noah habang yakap ang mga damit ni Adam.

"Oras na," saad ni Adam. Nagsimula itong manginig dahil sa lamig.

"Remember, opisina ko, drawer then rooftop, okay?" paalala ni Noah.

"Opo, Sir!"

Kinindatan ni Adam si Noah at nagsimula itong magtatalon sa yelo sa itaas ng lawa. Ilang segundo lang ay nabasag ang kanyang kinatatayuan. Ngunit sa halip na mahulog sa tubig, kitang-kita ni Noah ang paglaho ni Adam sa ere. Ang katawan nitong nagiging transparent sa hangin hanggang sa tuluyan na itong nawala.

May narinig si Noah na pumapagaspas pine tree. Mabilis siyang lumingon. May halong kaba at tuwa sa kanyang dibdib para sa nobyong naglaho.

"Hey little owl! Did you see that?" tanong ni Noah sa puting kuwago sa taas ng puno.

꧁༒༺🦉༻༒꧂

Year: 2011, Metro Manila

"Okay, the Noah from this timeline has a business meeting and dapat nasa drawer niya ang kailangan kong kahon. Aha! There you are!" masayang sabi ni Adam matapos ito bumagsak sa opisina ni Noah. Nagtime travel pabalik ng isang taon.

Suot na ni Adam ang inihandang damit ni Noah para sa kanya. Walang ibang tao sa opisina maliban sa rumorondang security guard.

"Okay, he said opisina, drawer and rooftop."

Kumuha si Adam ng access card mula sa mga gamit ni Noah at mabilis na nagtungo sa elevator.

"Wala namang ka style style itong si Uncle. Bakit dito pa talaga?" Tumatawa siya habang nakayuko paakyat ng gusali.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating din siya sa rooftop. Agad nitong hinanap ang dalawang taong sinadya niya sa taong 2011. Nakita niya ang mga ito na magkatabi sa isang bench sa rooftop.

"So, why are we drinking here again?" Narinig ni Adam na sinabi ni Danilo ilang metro lamang ang layo sa kanya.

"Wala lang. Namiss lang kita," tugon ni Claude na katabi lamang ni Danilo sa itaas ng gusali. Humahagikgik si Adam sa kinatatayuan niya habang pinagmamasdan ang kanyang tiyuhin. Minsan na lang nito makita si Claude na may ibang nilalambing.

Magkatabi si Claude at Danilo. Nakapatong ang balikat ni Danilo kay Claude habang nakadantay naman ang hita ni Claude sa kanya. Nakakadalawang lata na sila ng beer habang nanonood ng paglubog ng araw. Mahigit kalahating oras na sila nandito at balak na sanang simulan ni Claude ang plano niya.

Ngunit biglang napatayo si Danilo. "I really need to go home. May mga meeting pa ako bukas."

"Wait! Few more minutes! May ibibigay lang ako sa'yo," bulalas ni Claude. Kinakapa ni Claude ang mga bulsa niya ngunit hindi niya mahanap ang bagay na ibibigay sana niya kay Danilo. "Fuck it! Nasaan na ba?"

"PSSSSSTT!"

Sabay silang napalingon sa sumisitsit sa isang sulok malapit sa hagdan.

"Wait? Is that Adam?" usisa ni Danilo. Tumatawa pa si Adam habang nakatago sa lilim.

Nanlaki ang mga mata ni Claude dahil si Adam nga ang nakasilip sa kanila. "What the hell? He's supposed to be in Europe! Teka lang, ah."

Mabilis na tumakbo si Claude patungo sa pamangkin nito.

"Dam! What are you doing here? Kakausap ko lang sa iyo sa telepono kanina and you're in..."

"Never mind that!" pagputol ni Adam sa sinasabi ng kanyang tiyuhin. Panay ang mahina niyang talon at pinipigilan ang kanyang mga tawa. Naiihi na ito dahil sa sobrang kilig. "Kadotit sormuksen? (Naiwala mo ang singsing, ano?)"

"Yes, I was about to pop the question pero nawala ko yung singsing." Napalingon si Claude sa puwesto ni Danilo at nakapamewang na ito.

"Here!" Inilabas ni Adam ang singsing na dala niya mula sa opisina ni Noah. "Noah had this ready just in case."

"Wait, how did he know that I will–"

"Shhh! Just go!"

Mabilis na inabot ni Adam ang kahon kay Claude at tinulak ito palayo. Ilang segundo lang ay katapat na nito si Danilo.

"Is Adam okay?" usisa ni Danilo. Panay ang kamot nito habang kinakawayan si Adam. "Nagkita na ba sila ni Noah?"

"Ignore him," nahihiyang tugon ni Claude. "Dinala niya lang 'yong ibibigay ko sana sa iyo."

Dahan-dahang lumuhod si Claude sa harap ni Danilo.

"Wait, haha. No way!" bulalas ni Danilo Nanlaki ang mga mata nito. Napatakip siya ng mukha dahil sa hiya.

"Yes way" humahalakhak si Claude sa naging reaksyon ng kanyang nobyo. Tumatama ang sinag ng araw sa mukha niyang namumula sa hiya. "Danilo, baby. Will you marry me?"

Binuksan ni Claude ang kahon ng engagement ring. Abot tainga ang ngiti ni Danilo sa kanyang nasaksihan. Pinipigilan nito ang kanyang mga tawa.

"I was just about to ask you the same thing!" sigaw ni Danilo. May kinuhang kahon sa kanyang bulsa. "I had Noah buy this. Kakuntsaba mo rin ba siya? Looks like he chose the same design for both of us."

"So, is that a yes?" tanong ni Claude.

"Yes!"

Pinatayo ni Danilo si Claude. Kinuha niya ang singsing na dala nito at isinuot. Nagpalitan sila ng singsing habang nagsisimulang maglitawan ang mga bituin sa langit.

Pinapanood ni Adam mula sa malayo ang dalawa. Tuwang-tuwa ito para sa Uncle Claude niya na sinisimulan nang halikan ni Danilo. Umaapaw sa tuwa si Adam mula sa malayo habang unti-unti na siyang naglalaho pabalik sa kasalukuyan.

Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)Where stories live. Discover now