Chapter 4: Pambansang Third Wheel

37 2 0
                                    

Year: 2012, Metro Manila (Present)

Nico's POV:

Hay, ito na naman. Buong araw na 'kong walang bihis dahil sa rami ng mga ginagawa ko. Ang ayoko sa lahat, 'yong maruming damit. Nasa isang university kami nina Jowa at Osh. Hindi ito ang aming paaralan, inimbitahan lang kami ng isang kaibigan para lumahok sa isang campus event para sa mga magsing-itlog, este... irog pala. Ito ako at mag-isa sa pinaka ayaw kong petsa sa buong taon, ang araw ng mga puso.

"Hindi mo lang ba ko paghihilamusin?" reklamo ko kay Jowa.

Masidhi ang paghatak niya sa akin. Dinala niya ako sa isang booth habang may piraso pa ng gulaman na naipit ata sa likod ng ilong ko.

"Huwag na! Taika, tignan mo, ang cute ng pangalan ng booth natin, hindi ba? Charan!" pabibong sabi ni Jowa. Nakabungisngis pa ito habang tinuturo ang malaking plaka sa taas ng kulay pulang booth. Muli kong isinuot ang salamin ko upang mas mabasa ito.

"WINGMAN FOR HIRE? Tangina!" bulalas ko. Nagkalat aking mga larawan sa bawat palibot ng booth. Sa gilid ay isang mahabang pila ng mga kalalakihan. Nakita ko si Osh na kumakaway habang inaasikaso ang mga customer namin.

"Bakit ngayon lang kayo? Ang dami ng bumibili, oh!" reklamo nito. Hindi mahulugan ng karayom ang dami ng mga taong nakapalibot sa kanya.

"Gagong to, baka akala niya lahat ng tao may jowa kagaya niya," reklamo ko kay Jowa. Natatawa na lang ito sa itsura ko. "Minsan na nga lang ako gumala, may sermon pa."

Pinagmasdan ko ang pila ng mga binata. Nasa dulo kami ng event hall. Mabilis na nalaglag ang aking panga nang mapansin ko ang haban ng linya. Ang bwakananginang pila ay umabot na sa banyo sa kabilang dulo ng hallway.

"Hoy! Jowa! Ano ba to? Magkano ba rate natin? Bakit ang haba ng pila?" sunud-sunod kong bulyaw sa babaeng kasamako. Napatigil na ako sa paglalakad dahil parang ayaw ko nang tumuloy.

"Murang mura lang! 500 per head!" sagot ni Jowa na dumagdag sa init ng aking ulo.

"Baliw! Bakit ang mahal?"

Kinaladkad ako ni Jowa papunta sa booth. Itinuro niya sa 'kin ang ilan sa mga larawan sa taas ng plaka at mga katabing lobo. Dadamputin ko na sana ang nahulog kong panga nang tuluyan na itong dumikit sa sahig.

"PUCHA! Hoy ano yan?" sigaw ko. Ramdam ko ang mukhang kong mas mapula na kaisa sa mga pulang lobong nasa paligid.

Si Jowa naman ay humahagalpak na sa sobrang tuwa. Nagkalat sa buong booth ang mga topless pics ko galing sa Social Media. Mga bagay na halatang siya ang nag padevelop at pinuno pa ng filter.

"Pampa-boost ng sales. Huwag ka nang maraming sinasabi riyan! Tignan mo, kitang-kita ang six packs mo," tugon ni Jowa. Malademonyo na ang kanyang mga tawa. Kinuha nito ang isa sa mga larawan ko at nginudngod sa aking mukha. "Oh, ito. May pa flex ka pa sa beach."

"Sige na Nico," dagdag pa ni Osh. Hinahawi nito ang mga nagkakagulong lalaki sa kanyang harapan. "Ang laki ng kikitain natin kapag naubos natin ito."

"Kung matatapos tayo!" bulalas ko. Agad kong inagaw ang hawak na litrato ni Jowa at agad itinago."Taika, bakit hindi na lang kasi natin ibenta ang mga ginawa ninyong tsokolate?"

Nasa likod nila ang mga ginawa nilang minatamis. May mga presyo ito mula 200 hanggang 1000.

"Ang dami na kasing nagbebenta niyan dito. Kailangan natin ng ibang racket. So ito, Wingman for Hire. Ikaw na ikaw! Madali lang naman, pupuntahan mo ang mga girls na gustong pagbigyan nila ng chocolates and flowers. Then, tapos na. May card naman saying who it's from," paliwanag ni Osh. Halos makipagsuntukan na ito sa mga kumukuyog sa kanya matapos lamang ang kanyang mga sinasabi. "Hoy! Ano ba? Pumila kayo ng maayos!"

"Oo tsaka may usapan tayong tatlo. Hindi ka tumulong sa paggawa ng chocolate dahil busy ka sa pasurprise mo sa pinsan mo so... wala kang no choice," saad ni Jowa.

"Maling grammar pa, ampota," naiirita kong tugon. Wala na rin akong nagawa. Ito na lang ang maiaambag ko para sa proyekto namin.

Sinimulan ko nang puntahan ang unang babae. Nakita ko siya sa isang lilim na itinuro ng lalaki sa pila. Nagbabasa ito ng libro. Napansin kong medyo tabingi ang pagkakadrawing ng kilay niya, hindi pantay.

"Ah, Miss, ah eh, pinabibigag sayo nung Mark Christian from BS Psych," sabi ko in my most manly voice para naman hindi mahalata ng babae na hindi kami talo.

"Nako, sabihin mo kay Mark, hindi ko siya–" saad ng babae.

Dahan-dahan siyang napatingin sa akin habang magkasalubong ang tabingi niyang mga kilay. Bigla na lang siyang natulala.

"Shet! Ang guwapo!" sigaw nito.

Bigla niyang inagaw ang dala kong tsokolate at bulaklak. Mabilis niya akong niyakap. Nagsi tayuan ang mga balahibo ko.

Kingina talaga.

"You are so bango pa!" dagdag pa niya.

Kahit wala pa kong ligo?

Binasa niya ang card na nakadikit sa tsokolate. Hinanap niya ang nagpaabot sa akin at agad na pinuntahan. Pinapanood ko sila sa malayo habang nagyayakapan.

"Hanggang wingman na lang talaga ata ako," buntong hininga ko.

"Nicholas Leo Arroyo! Next!" sigaw ng bwakananginang si Joana. Ang tinis ng boses nito habang nakapamewang malapit sa booth.

Isa pang tawag sa buo kong pangalan at bibigwasan ko na itong babaeng 'to.

Ang sumunod kong kliyente ay nasa gitna ng soccer field. May mga grupo ng estudyante na nasa kalagitnaan ng cheerleading practice. Pagkainit-init sa field kung saan sila nag-eensayo. Tiniis ko ang tirik ng araw habang tumatakbo.

"For Danica of BS PT," bungad ko. Hiningingal pa ako kahaharurot. "From Godfrey ng College of Medicine. Happy Valentine's –"

"Wah!" Agad na napayakap sa akin ang isang babaeng tumatagaktak sa pawis. Amoy na amoy ko ang perfume niyang parang candy. Nanginginig pa ko habang dumidikit ang boobs niya sa tiyan ko.

Tanginuhhhh...

"Salamat! Nasaan na ang nagbigay?" tanong niya.

Tinuro ko ang lalaki sa malayo na agad naman niyang pinuntahan. Si Jowa naman ay nakatingin sa akin habang tinuturo ang relo nito. Mabilis akong tumakbo pabalik sa booth.

Ang mga sumunod na mga kliyente namin ay magbabarkada. Buti naman dahil nasa isang lugar lang ang mga pagbibigyan nila. Sa isang canteen ay nakita ko ang grupo ng mga babae.

"Hello, para po kay Jill from Tristan, Pau, and Coby," saad ko. Nakatingin sa akin ang grupo ng mga babae nakapalibot sa isang lamesa.

"Nako ang haba ng hair, tatlo talaga ang chocolates?"

"Kuya, kami wala bang nagpapabigay?"

"Kahit ikaw nalang Kuya. Ayeee–"

Nyeta tong mga to. Ilang segundo na lang at masusuka na talaga ako sa ginagawa ko. Kasalanan tong lahat ni Adam eh, kung 'di nagpagawa ng maraming chokolate for Noah, hindi na sana ako nahihirapan ngayon.

Unti-unti na akong nabubuwisit nang bigla akong mapatingin sa sapatos ko. Medyo nadumihan na ito dahil sa kakatakbo. Bigla kong naalala ang ginawang pagbuhat sa akin ni Noah noong mga bata pa kami. Ang araw na iniligtas niya ako matapos akong paluin ni Daddy.

Parang nawala ang pagod ko at mabilis na bumalik sa event hall. Nagulat ako nang biglang nangalahati ang pila.

"Wow! Wala na?" bulalas ko. Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan ang maiksing pila.

"Ah, may kinuha kasi kaming isa pang lalaki na tumulong. Siya na nagbibigay ng ibang chocolates," paliwanag ni Jowa.

Hay, buti naman.

Napansin ko ring paubos na ang benta namin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. May mga pagkakataong nagpapa-picture sa akin ang mga babae. Pero ang pinakamalala ay iyong bwakananginang babae sa registrar na kinapa pa talaga ang mga biceps at abs ko.

Matapos ang isang oras na pagtakbo sa buong kampus ay hingal na hingal akong bumalik sa booth. Naubos na ang customer at paninda namin.

"YES! IT'S DONE!" sigaw ko. Yumanig ang buong hall dahil sa lakas ng aking boses.

"Oo, magbihis ka na. Ang bantot mo na," pang-aasar ni Osh.

Agad akong pumunta sa bag ko at kinuha ang aking extrang T-shirt. Mabilis naman akong nilapitan ni Jowa.

"Actually, may isa pa," sabi ni Jowa. Inaabot nito sa akin ang isang chocolate na gawa niya. "Pero lalaki ang pagbibigyan mo. Walang pangalan na nilagay kung sino."

"Luh? Walang pangalan. Paghahanapin pa ako. Mamaya na 'yan!" bulalas ko. Mas maasim na ang mukha ko kaisa sa amoy ko. "Bihis na bihis na ko, eh!"

"Sige na! Last na ito. Nasa gym siya. Mag-isa lang siya roon. Puwede ka namang magbihis doon pagtapos mong ihatid ito. Baka biglang umuwi iyon."

Paasar kong kinuha ang dala niya. Naiinis akong pumunta sa gym na hindi naman kalayuan sa booth. Pagpasok ko ay walang tao.

"Tsk, umuwi na siguro. Oh, well," bulong ko. Inilapag ko ang aking mga gamit sa bleachers. Kinuha ko ang extra kong T-shirt at sinimulan ko nang hubarin ang suot ko.

"Happy Valentine's Day, Nico," sabi ng isang lalaki. Natigilan ako sa pagbibihis. Nasa ulo ko pa ang damit na hinuhubad ko.

"Pucha!" Bigla akong napalingon sa aking likod. Nakatakip ang chef uniform ko sa aking ulo. Pinilit ko itong tanggalin hanggang sa wala na nga akong pang-itaas.

May isang lalaki na nakaharap sa akin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa dala niyang napakalaking teddy bear. Naka wizard costume ang pulang teddy bear at may hawak pang magic wand.

"Puwede po bang manligaw?" sabi ng lalaki. Isinilip niya ang mukha niya sa gilid ng dala niya at nginitian ako.

"Sky?" tanong ko. Gusto kong magtago. Wala pa rin akong pang-itaas habang siya naman ay ayos na ayos. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?"

"Secret. Sabi ng sources ko mahilig ka daw sa magic so ito, magician bear for you," tumatawa niyang tugon.

Taena, pakana ito ni Noah.

"Ah, teka lang ha. May pagbibigyan lang ako nitong dala ko," pag-iba ko sa usapan namin. Gusto ko na talagang tumakbo palayo sa kanya. "Last client kasi namin to sa booth."

Nakangiti lang sa akin si Sky. Marahan siyang tumayo sa tabi ko. Ikinakalat ko naman ang mga mata ko upang hanapin yung sinabi ni Jowa na nag-iisang lalaki sa gym.

"That's from me," saad ni Sku. "Para sa iyo talaga iyan."

"Ha?"

"Tss, iyongtanong ko. Kaninang tanghali pa naka-pending," giit niya. Nakangiti pa rin siya habang nakatitig sa akin. "Ano na? Puwede bang manligaw?".

Basang-basa na ako ng pawis. Ang baho-baho ko na. Gustung-gusto ko nang magbihis. Inangat ko ang dala kong damit upang isuot ito. Lalo akong nainis dahil sa nakita ko.

"Taran.... kay ate Regina 'to!" bulyaw ko. "Maling damit ang nadala ko."

Muli akong napatingin kay Sky. Ang maamo niyang mata. Ang matangos niyang ilong. Ang makapal niyang kilay.

"Lub dub"

Kailan na nga ba ulit tumibok ang puso ko nang ganito? Hindi ko na maalala. Alam ko sa beach din iyon, eh. Habang nagbababa ako ng mga gamit. Naalala ko na! Christmas Party ng Section 1!

"Amin na nga yan. Halika nga rito" wika ko. Napangiti ako kay SKy. Kinuha ko ang dala niyang teddy bear at inilapag sa bleachers.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at niyaya ko siyang umupo. Wala pa rin akong pang-itaas samantalang nakasuot siya ng pulang T-shirt na may nakasulat na "Can I be your–"

"Ang corny ng T-shirt mo," pang-aasar ko.

"Change topic ka na naman, eh. Iyong tanong ko," giit ni Sky.

Napabuntong hininga ako. Tumingin ako sa mga lumang salamin sa taas ng gym. May mga mahinang sinag ng araw na tumatagos at iniilawan ang basketball ring. Ilang minuto akong walang imik bago ako magsimulang magkwento kay Sky tungkol sa kabataan ko.

Gusto kong makilala niya ang tunay na Nico. Ang iyaking bata sa likod ng maangas na mukha.

"When I was a kid, my Dad would beat me up whenever he saw me in girl's clothes."

Nagsimulang lumungkot ang mukha ni Sky. Bumagsak ang kurba ng kanyang mga labi sa mga kinukwento ko.

"Luckily Noah was there to save me," dugtong ko. Nakatingin pa rin ako sa itaas ng gym upang pigilan ang mga luha ko sa pagtulo. "Few years after that, my Mom sent me abroad para hindi na ako pag-initan ni Daddy. I really did my best to be good at basketball so he'll at least be proud of me. Eventually, tinangap din naman ako ni Dad."

Ramdam kong nakatitig lang sa akin ang mga maamong mata ni Sky. Ang malalim niyang hininga ang tanging nararamdaman ko sa aking pinsgi.

"But I never got into a relationship since then. I owe Noah a lifetime debt dahil sa ginawa niya, and kahit na he disagrees, I promised him that I'll be his wingman for life."

Napalingon ako kay Sky. Halatang lungkot na lungkot ito sa mga kuwento ko.

"I have mood swings," pagtatapat ko sa kanya. " Ako na ata ang pinakamaangas na taong makikilala mo. I know how to take good care of a friend but I don't have any experience taking care of a boyfriend."

Nakatitig lang sa akin si Sky. Inilatag ko sa kanya ang lahat ng tungkol sa 'kin. Nang matapos akong magkuwento ay ibinalik ko sa kanya ang kanyang tanong.

"I can't promise you that my world would revolve around you like your previous relationships. I can immediately leave our dates or special occasions because of reasons I can't tell you," paliwanag ko sa kanya.

Nakayuko na ako dahil tuluyan nang umurong ang aking mga luha. Naalala ko ang mga panahong sa akin sumasaklolo sina Adam at Noah. Ang mga panahong kinailangan at kakailanganin nila ako.

"So, gugustuhin mo pa rin bang maging boyfriend ang isang professional wingman?"

Matagal bago sumagot si Sky. Tahimik lang ito. Inaasahan ko nang susuko agad ito dahil sa sinabi ko. Ngunit–

"Kahit wingman ka pa ng buong Pilipinas, okay na okay lang sakin," bulalas niya. Mabilis akong napalingon sa kanya. Abot tainga ang kanyang ngiti. Para siyang liwanag ng araw habang nakatitig sa akin. Mainit, maaliwalas, puno ng buhay. "Tinulungan nga kita kanina,eh."

Nanlaki ang mga mata ko. Sa unang pagkakataon ay may nagsabi sa aking mga iyon. Mga salitang hindi ko inakalang maririnig ko mula sa ibang tao. Bigla kong naalala ang pila kanina na biglang naubos.

"Wait, the other guy Jowa was talking about was you? Ikaw ang tumulong sa booth?"

"Oo," natatawang tugon ni Sky. "Isa pa, gusto rin kitang alagaan. Here, sabi na nga bang kakailanganin mo ito."

May inilabas si Sky na paper bag. May laman itong T-shirt na pula na bagong bili lang niya.

"Wait, how did you know I'll be needing this?" pagtataka ko.

"Noah, he told me," tugon niya.

"How did he–" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Bigla akong natawa sa mga pangyayari. Unti-unti ko nang nauunawaan kung paano nalaman ni Sky ang gagawin.

Perks of being a time traveler's boyfriend.

Mabilis kong tinignan ang binigay na T-shirt ni Sky. May naka Print na "Boyfriend" sa harap nito.

"Can I be your.... Boyfriend?" Binasa ko ang nakasulat sa T-shirt ni Sky and then yung nakasulat sa T-shirt ko.

"Yes! Yes na yes!" sigaw niya. Umaalingawngaw sa buong gym ang malakas niyang mga tawa.

"Gago!" saway ko kay Sky. "Binasa ko lang ang mga T-shirt!"

Parang naka-slow motion ang lahat. Nakatitig ako kay Sky na nagtatalon sa gymnasium habang tuwang-tuwa ang mukha nito. Nakangiti ako sa kanya habang pang isang batang nakapunta sa theme park ang loko. Mabilis itong tumakbo sa akin at tinangka niya akong yakapin ngunit nag-alangan ito.

"Sorry. Natuwa lang ako kala ko kasi tayo na," biro ni Sky.

Kingina, ang gwapo pala talaga niya.

Hindi pala salita si Sky pero lumabas ang natural nitong kagwapuhan. Matahil dahil sa sobrang saya siguro ng pakiramdam niya. Ngayon ko lang napansin na malaki rin pala ang katawan nito dahil na rin suki ng basketball. Hinihingal pa siya habang nakatayo sa harapan ko.

"Oo na!" bulalas ko.Mabilis kong sinuot ang T-shirt na binigay niya.

"Yes! Pwede na akong manligaw," bulalas muli ni Sky. Nagsimula ulit itong magtatalon.

"Ligaw lang? Sinagot na nga kita, eh," seryoso kong tugon. Abala pa rin ako sa pagsuot ng damit na binigay niya. Natigilan si Sky sa pagtatalon niya. Natulala siya sa sinabi ko.

"Wait, does that mean?"

Nakangiti ako sa kanya. Tumango ako at itinuro ko ang salitang "boyfriend" sa t-shirt ko. "Oo na, tayo na–"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla akong sugurin ni Sky. Agad niya akong niyakap nang mahigpit. Binuhat niya ko at itinaas sa ere habang iniikot-ikot sa hangin.

Kelan ko nga ba ulit naramdaman ang sarap nang binubuhat habang humahampas ang hangin sa aking mukha? Ah oo. Ang araw na iyon. Masayang oras ng aking kabataan habang papunta sa punong Narra. I remember, that was around 3:15 PM. Ang maliit na kamay nasa pagitan ng three at four. Ang malaki nasa three.

Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)Where stories live. Discover now