Chapter 10: Rule Number Seven

24 1 0
                                    

Year: 2012, Metro Manila (Present)

Noah's POV:

"What the hell happened?" bulong ko habang kahalikan si Peter.

Hindi na ako makapag-isip masyado. Nadatnan kami ni Adam sa ganoong sitwasyon. Nakatitig lamang ito sa aming dalawa. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at halos maluha-luha na siya habang pinipigilan ko si Peter na lumingon. Sinesenyasan ko na siyang magtago ngunit para siyang tinamaan ng kidlat sa kinatatayuan niya. Nang kumawala ako sa halikan namin Peter ay tsaka lamang mabilis na tumakbo palabas si Adam.

Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko. Para namang naputukan ng sintido ito. "Peter?" usisa ko.

Putragis, pati si Peter tulala na rin matapos ko siyang halika. Abot tainga ang ngiti nito at parang lumilipad ang isipan habang nakatingin sa kawalan. Nakanganga pa rin ito at nakakunot ang kanyang noo. Halatang nagulat din siya sa aking ginawa.

"Hoy, Peter!" sigaw ko. Unti-unti na siyang natauhan. Mabilis niyang itinikom ang kanyang bibig at napalunok. Agad ko siyang hinatak papunta sa pintuan ng condo unit ko. "Pasensya ka na sa ginawa ko. Akala ko ikaw ang boyfriend ko. Marami ata talaga akong nainom."

"Pero Noah, teka..."

"Pasensya ka na talaga. Ingat ka sa pag-uwi. Goodnight!"

Sinirado ko ang pinto. Sinilip ko siya sa peephole ng pintuan. Kitang-kita ko kung paano nagtatalon si Peter sa tuwa bago siya tuluyang umalis. Napasandal ako sa pinto at napabuntong hininga. Madilim ang sala at tanging ang ilaw lamang mula sa aking kwarto ang nakikita ko. Bigla kong naalala si Adam.

"Ark!" tawag ko. Natatakot na ako sa magiging reaksyon ng boyfriend ko. "Adam, come out. Wala na siya."

Badtrip. Hindi siya sumasagot. Nakakainis talaga! Hindi na ako makatiis, mabilis kong pinasindi ang ilaw at nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Nakasuot na siya ng pantalon, wala siyang pang-itaas at nakasabit sa balikat niya ang kanyang jacket.

"Hey, sorry na. I had to do it kasi makikita ka na niyang parating from your time travel kanina," paliwanag ko. Kinakabahan na ako sa mga isasagot niya sa akin. Alam kong wala pa siyang pahinga at ang layo pa ng kanyang byahe. Ako namang si gago, lasing na lasing pa rin at medyo nahihilo pa habang kinakausap ko siya. Marahang akong naglakad palapit sa kinauupuan ni Adam. "Ark," sabi ko gamit ang pinaka malambing kong tono.

Agad na tumayo si Adam. Kinuha nito ang maleta niya. Naglakad ito patungo sa akin ngunit mabilis niya akong nilagpasan. Nakayuko ito ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang mga bughaw niyang mata na umaapaw sa luha. Dumiretso ito sa pinto sa aking likuran at lumabas. Ilang segundo pa lamang ay narinig kong pumasok na siya sa unit niya sa kabilang kwarto.

"Tangina naman Noah, ano na naman ito?" tanong ko sa aking sarili. Napaupo ako sa sofa. Sinabunutan ko ang aking buhok dahil may kaunting amats pa rin ako. Huli na nang mapansin kong trunks lang pala ang aking suot. "Badtrip!"

Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Nakatitig ako aking repleksyon sa salamin. May maliliit na balbas na tumutubo sa aking baba at may mga kalat na bigote na sa ibabaw ng aking labi. Hindi ko na pala naalagaan ang sarili ko. Napansin ko ang dalawang pares ng shave at toothbrush sa ibabaw ng lababo. Muli kong naalala si Adam at ang mga kulitan namin sa unit ko. Madalas kaming naghaharutan sa loob ng banyo tuwing bagong dating ito. Ngunit tanging nagpapawis na salamin ang kasama ko sa banyo. Nagmadali ako sa pag-aayos at nagbihis. Ilang minuto pa ay nasa tapat na ako ng unit niya.

"Ark, we need to talk," sigaw ko mula sa labas ng pinto. Hindi sumasagot ang boyfriend ko. Inilabas ko ang kopya ng tap card ng unit niya at sinimulang buksan ang pinto. "Adam, I'm coming in."

Pagpasok ko sa loob ay may mga tabing pa ng kumot ang mga gamit ni Adam. Kadalasan niyang ginagawa ito bago siya umuwing Finland. Matagal na rin nang muli niyang alisin ang mga ito. Sa unit ko kasi lagi siyang tumutuloy para hindi na siya maabala sa pag-aayos. Naririnig ko ang pag-agos ng shower sa banyo. Nang mapansin kong naliligo si Adam ay sinimulan ko nang ayusin ang kwarto niya. Isa-isa kong inalis ang mga nakatakip na tela sa mga upuan, kama at iba pang appliances. Nagwalis ako at nag-vacuum upang mawala ang mga alikabok. Pinalitan ko rin ang punda at sapin ng higaan ng aking nobyo. Nakaupo na ako kanyang kama nang makita ko siyang lumabas ng banyo.

It's like the first time every damn time. Nakatapis lamang ng tuwalya ang kanyang bewang. Gulo-gulo ang kanyang kulay kahoy na buhok na kanyang pinapatuyo gamit ang puting panyo. Bumungad sa akin ang napakaganda niyang katawan na medyo basa pa. Mas lumaki na ang mga braso nito at halatang ilang araw din siyang nagbubuhat. Napakaganda na rin ng kanyang dibdib kaka push-up. Pinagmasdan ko ang makinis niyang balat patungo sa matitigas na pandesal sa kanyang tiyan. Napalunok ako sa aking kinauupuan. Hindi lamang anim kundi talagang walo ang abs ni Adam. Maging ako ay sinusubukan i-tone ang abs ko ngunit talagang hanggang anim lang ang kaya kong palabasin. Napatingin ang mapaglaro kong mga mata papunta sa bumubukol na alaga nito. Lumalaylay ito sa likod ng manipis niyang tuwalya. Muli akong napayuko at napakamot sa aking buhok. Para akong naging bata muli na nahihiya sa ginagawa ko.

Sadyang biniyayan ang boyfriend ko ng magandang katawan. He spend most of his time at home in Finland either talking to me over the phone or by working out. Itong Adam na ito ang kadalasang nakikita ko sa ilalim ng punong Narra. Halos kamukha na niya ang unang Adam na nakilala ko.

Halos.

Ngunit kulang pa.

"Kumain ka na ba? Want me to order anything?" tanong ko. Wala siyang imik. Hindi ako pinapansin ni Adam. Kumuha ito ng mga damit sa aparador habang nakatalikod sa akin. Mabilis niyang inalis ang nakatapis niyang tuwalya at hinayaang mahulog sa sahig. Tumambad sa akin ang kanyang puwet. Matatambok ang mga pisngi nito at napakakinis. May tan line sa kanyang bewang at ibaba ng kanyang singit. Agad siyang nagsuot ng salawal at pang itaas. "I'll go order some food," muli kong sambit.

"I'm not hungry," mahinang tugon ni Adam. Halatang may pagdadabog sa mga kilos nito. Akala ko ay magsusuot na ito ng pajama upang matulog ngunit laking gulat ko nang kumuha ito ng maong na pantalon na agad niyang sinuot.

"Uy, teka lang. Huwag ka nang magalit. Saan ka ba pupunta?" tanong ko. Nagsimula na akong ma-guilty sa mga ginawa ko kanina.

"I should do more surprise visits in the future para makita ko ang mga ginagawa mo," pabalang na sagot ni Adam. Ramdam ko ang galit sa boses nito.

"I was only doing it for you. If I hadn't kissed him, he would have seen you appear in thin air," paliwanag ko. May nginig na sa aking boses. Pareho kaming pagod at wala na akong ganang makipagtalo sa kanya.

"Of all the ways to not to make him turn, why kiss him?" tanong ni Adam. Dama ko ang lamig sa kanyang mga tugon.

"Sorry, wala na akong naisip na ibang paraan," paliwanag ko. "He was looking for you all over the place when you suddenly disappeared."

"I would rather be seen with this stupid ability than have another guy kiss you," sagot ni Adam. Nararamdaman ko ang hinagpis sa boses nito. "I would rather let the world know, Noah."

"But you can't let everyone know about it. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin, rule number..."

"Rule number seven, alam ko," saad ni Adam. Natigilan siya sa pagbihis. Ang ulo niyang kanina pa nakayuko at umiiwas ng tingin sa akin ay nakita ko na rin sa wakas. Ang mga mata niyang kanina ay basa ng luha, ngayon ay nanlilisik na habang nakatitig sa akin. "But why was he in your room in the first place?"

Natahimik ako. Hindi ako sanay tignan ni Adam nang ganito. Lumaki ako sa masayahin niyang mukha, sa mga nakakaakit niyang ngiti at napaka amo niyang mga mata. Ibang-iba rin ito sa mga naiinis niyang tingin noong una niya akong nakilala sa Saturnino High School. Ito ang mga tingin na gusto akong saktan ngunit halatang nagpipigil lamang siya.

"Hindi ko rin alam bakit nandoon si Peter," giit ko. Bagamat naninibago ako sa inaasal ni Adam ay hindi ko mapigilang maawa para rito. "I was so wasted. Malamang napakiuspan lamang siyang ihatid ako mula sa inuman."

"I haven't seen you in months since the Wedding. Tapos iyon ang aabutan ko sa kwarto mo," sabi ni Adam. Napatingin ito sa nakasabit na kalendaryo. "December na next week. Looks like we had to cancel our plans para makapag bonding kayo ng Peter mo."

"Adam! Come on!" bulyaw ko. Hindi niya sinagot ang mga sigaw ko. Muli siyang nagbihis at nag-ayos ng buhok. Mabilis akong napatayo at niyakap siya mula sa likod. "Sorry na, huwag ka nang magalit. Hindi na ako iinom, promise."

Hinawakan ni Adam ang mga kamay ko na nakayakap sa kanyang harapan. Akala ko ay ayos na nang yakapin ko siya. Ngunit marahan niyang inalis ang katawan niya mula sa aking mga bisig. "Lalabas lang ako at magpapahangin. You should get some sleep."

"Teka lang, sasamahan kita," pakiusap ko. Ramdam ko pa rin ang pagtatampo sa mga kinikilos niya. Mabilis siyang pumunta sa pinto at nagsapatos. "Hintayin mo ako, magbibihis lang din ako," giit ko pa.

"Huwag na, gusto ko lang maranasang malasing. Hindi ko pa kasi nagagamit na dahilan iyon sa buong buhay ko," saad ni Adam bago siya lumabas ng pinto.

Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)Where stories live. Discover now