Chapter 8: Strike Two

24 1 0
                                    

Year: 2012, Metro Manila (Present)

"Oh, Boss Noah, baka naman. Kanina ka pa busy dyan sa cell phone mo," natatawang saad ni Gale sa mikropono. Nasa isang Videoke Bar silang lahat. Kasama ni Noah ang ilan sa mga empleyado nito upang ipagdiwang ang pagpasa ni Peter sa kanyang exam. Napaangat ang ulo ni Noah dahil sa sinabi ni Gale. Pinagmasdan nito ang mga taong nakatitig sa kanya. Mula sa kanyang tabi ay may anim na babae at pitong lalaki na abala sa kwentuhan at tawanan. Iginala ni Noah ang kanyang mata papunta sa upuan sa kanyang harapan at nakita nito ang nakasimangot na si Peter. Muli kinantsawan ni Gale si Noah. "Tignan mo si Baby Peter, nagtatampo na tuloy. Nasa ibang lugar kasi ang isip mo, Sir."

Napa buntong hininga si Noah. Sinusubukan nitong itago ang kanyang cell phone ngunit panay ang mensahe sa kanya ni Adam. Nagsimulang mahiya si Noah sa mga kasama nito. "Sorry, baka kasi magalit itong kausap ko. Medyo bugnutin simula kaninang umaga."

"Si Ark na naman ba iyan?" usisa ni Gale. Naiirita na ito kay Noah dahil ayaw talaga nito bitawan ang hawak niya. Mabilis na nag lagay ng kanta si Gale sa videoke at inabot ang mikropono kay Noah. "Oh, dahil busy ka. Kumanta ka na lang, kahit alam naming sintunado ka lagi."

Hindi basta-basta umaawit si Noah sa ibang tao. Tanging sa mga kaibigan niya lamang siya nagpaparinig ng maganda niyang tinig. Madalas ay sa tuwing silang dalawa na lamang ni Adam ito kumakanta nang buong puso Lagi niyang inaawitan ito sa tuwing magkausap sila sa telepono. Sa tuwing niyaya siya ng kanyang mga katrabaho ay laging nagpapanggap itong sintunado. Natatawa si Noah tuwing pinagtatawanan ito ng mga katrabaho niya. Sa mga oras na ito ay abala si Noah sa pag-chat kay Adam. Nakangiti lamang siya habang tinatanggap ang mikropono mula kay Gale. Dahil na kay Adam ang kanyang atensyon, nakalimutan ni Noah na nasa Videoke Bar pala sila. Nagsimulang tumugtog ang kanta, may magandang himig na lumabas mula sa bibig ni Noah na umagaw ng atensyon ng kanyang mga kasama.

"Kung hindi rin lang sasapit ang umaga na hindi ka kasama. Tatakbo ako papunta sa dilim. Sa lugar na walang araw hanggang ikaw ay aking makapiling," masayang awit ni Noah. Bigay todo ang ginawa niyang pag-awit at napaka ganda ng boses nito. Natigilan si Noah nang mapansing nakatitig siya sa Videoke screen. Na-realize nito kung nasaan talaga siya. Napalingon siya sa mga babaeng katabi niya na nakanganga dahil sa ginawa niyang pagkanta. Maging si Gale ay napatigil sa iniinom nito habang ang alak ay umaapaw sa kanyang bibig. Napatingin si Noah sa harap niya. Nakita niya si Peter na kumikislap ang mga mata at abot tenga ang ngiti sa kanya. "Potek," bulong ni Noah sa sarili nito.

"Wow! Grabe, Boss. Ang ganda pala ng boses mo!" bulyaw ni Gale. Pumapalakpak ito sa tuwa dahil ibang-iba ang boses ni Noah sa kadalasang sintunado nitong pagkanta. Inalala ni Gale kung paano lagi nilang pagtawanan ito sa mga Christmas Party tuwing pinapakanta nila sa entablado.

"Tsamba lang," sabi ni Noah. Mabilis nitong binitawan ang mikropono sa lamesa at tumagay ng alak. Natatawa ito dahil nakatitig na ang lahat sa kanya. "Maganda talaga ang boses pag pagod."

"Sabi na nga ba maganda ang boses mo, eh. Ayaw lang maniwala sa akin nitong si Gale," saad ni Peter. Nakasandal ito sa lamesa habang nakatitig kay Noah. Lalo itong na-in love sa kaharap niya.

Kumuha muli si Noah ng alak at tinagay ito. Isa-isa na siyang dinumog ng mga katabi niya at inusisa siya tungkol sa ganda ng boses nito. Nagsimulang makipagkwentuhan si Noah. Ngayon na lamang ito nakakulitan ng mga empleyado niya. Puro inuman at tawanan ang ginawa nila sa bar. Nakalimutan niyang ka-chat pa pala niya si Adam.

***

Gumigewang si Noah habang papasok sa kanyang condo unit. Akay-akay ito ni Peter na pinakisupan ni Gale at ng iba nilang ka trabaho na ihatid ito. Bagamat lasing ay naamoy pa rin ni Peter ang napakabangong pabango ni Noah. Nakatitig ito sa leeg ni Noah habang sinusubukan niyang buksan ang pinto. "Noah, kaya mo na ba mag-isa sa loob?" nag-aalalang tanong ni Peter.

"Oo, hindi naman ako lasing." Sinisinok pa si Noah habang nakangiti kay Peter. Wala itong ideya sa ginagawa niya. Malabo ang paningin ni Noah dahil ngayon na lamang siya nakipag inuman nang todo. Nakangiti ito kay Peter habang nahihilo pa. Mabilis niyang hinawakan ang tainga ni Peter. "Kuya Adam, nandito ka na pala. Kukunin ko lang ang mga damit mo sa loob."

"Kuya Adam?" nagtatakang tanong ni Peter. Naguguluhan ito sa sinasabi ni Noah ngunit kinilig ito nang hawakan ni Noah ang tainga niya. Natatawa ito kay Noah na halatang lasing na lasing pa rin. "May Kuya ka pala?"

Inalalayan nito si Noah na pumasok sa unit. Agad itinuro ni Noah kung nasaan ang kwarto nito. Naunang pumasok si Noah at mabilis na nagtungo sa cabinet niya. Kumuha ito ng mga damit at kahit nahihilo pa ay mabilis itong inabot kay Peter. "Here, Kuya. Suotin mo na," saad ni Noah. Nang maabot ito kay Peter ay mabilis na nagtungo si Noah sa kama niya at humiga. Agad itong nakatulog ngunit hindi maayos ang kanyang posisyon sa kama.

"Iba pala ito malasing," biro ni Peter. Natatawa sia sa itsura ni Noah ngunit masaya siya dahil nakapunta siya sa tahanan nito. Inilapag ni Peter sa lamesa ang hawak niyang damit at lumapit sa kama. Inayos nito ang posisyon ni Noah at inalis ang sapatos at medyas nito. "Hay nako, kung hindi lang kita mahal, matagal na akong umalis ng Pilipinas."

Palaalis na sana si Peter nang mapatitig ito kay Noah.

***

(Peter's POV)

Malamig sa loob ng kwarto. Nakatitig ako kay Noah habang namumula na sa init ang balat nito. Umuungol na rin ito at halatang hindi komportable sa suot niya. Pinagpapawisan si Noah kahit naka todo na ang air conditioner. Malamang marami talaga siyang nainom. Hindi ko na nabilang ang mga tagay nito dahil nakatitig lang ako sa mga ngiti niyang walang katulad. Pinagmasdan ko ang dalawang hindi naka butones sa polo ni Noah malapit sa leeg nito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakat na bakat sa longsleeve niya ang dalawang malaking tinapay sa kanyang dibdib. Nagsimula na rin akong maiinitan sa kwarto.

"Kuya Adam, magbihis ka na," bulong ni Noah. Hindi ko kilala ang tinutukoy niya. Nakapikit pa ito at halatang nananaginip. Fudge, mukha talaga siyang baby. Nakangiti pa ito habang nagsasalita mag-isa. Mukhang maganda ang napapanaginipan nito. "Hindi po ba kasya sa inyo iyan? Itong suot ko po kaya, Kuya?" tanong ni Noah. Mabilis itong napaupo sa kama at sinimulang alisin ang long sleeve nito. Nagulat ako sa kanyang ginawa.

Tumambad sa akin ang magandang katawan ni Noah. Mala-bato ang mga abs nito. Nakakatakam ang leeg niyang napakakinis at ang mga muscle niya sa kanyang braso. Ngayon ko lang napansin na malaki talaga ang katawan ni Noah. Lagi kasi itong nakasuot ng coat and tie sa opisina kaya hindi halatang malaki ang built nito. Kung minsan ay maluwag na jacket ang suot niya kaya hindi talaga mapapansin ang kanyang katawan. Nakatitig ako sa anim na pandesal sa kanyang tiyan paakyat sa dalawang malaking tinapay sa kanyang dibdib. Hindi ako makahinga. Napalunok ako sa tanawing aking nakikita.

"Here, Kuya. Suotin mo na," sabi ni Noah habang inaabot sa akin ang damit niya. Hindi ako nakapagpigil. Kusang gumalaw ang mga paa ko palapit sa kanya. Kinuha ko ang inababot niyang damit. Ang init na ng katawan ko. Ramdam ko ang pagpatak ng pawis patungo sa aking dibdib mula sa aking leeg. Nagsimula akong hindi maging komportable sa suot kong pantalon halatang may gustong kumawala mula rito. Nakapikit pa si Noah halatang lasing na lasing pa rin ito. "Wait, may pantalon ka na ba?" tanong nito. Agad siyang napatayo at akmang huhubarin ang pang-ibaba niya.

"Fudge! Huoy, teka!" bulyaw ko. Mabilis ko siyang pinigilan sa kanyang ginagawa. Hinawakan ko ang mga kamay niya bago pa niya maibaba ang zipper ng pantalon niya. Pareho kaming nawalan ng balanse at napahiga sa kama. Napapatong ako kay Noah.

"Ark, huwag ka muna umalis," sabi niya. Amoy ko ang alak sa hininga ni Noah. Naalala ko ang boyfriend ni Noah na madalas niyang kausap sa telepono. Mabilis akong napatayo dahil halatang wala sa katinuan ito. I don't wanna take advantage of this opportunity. No, not with Noah.

Muli ko siyang pinaayos sa higaan niya. Wala na siyang pang-itaas. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng batya at nilagyan ng maligamgam na tubig. Pagbalik ko sa kwarto ay umuungol si Noah habang natutulog. May butil ng pawis sa mukha nito. Halatang hindi talaga ito sanay sa inuman. Sa totoo lang ay naawa na ako sa kanya dahil puro siya trabaho. Ngayon na lang ata siya nakalabas upang mag unwind. Madalas nagmamadali itong umuwi mula sa trabaho suot ang backpack na malaki. Minsan, nakikita ko siyang tumatakbo kung saan-saan na may dalang damit.

Inilapag ko ang dala ko sa lamesa sa tabi ng kama. May natabig akong picture frame na tumaob sa tabi ng lamp shade ngunit hindi ko ito pinansin. Kumuha ako ng malinis na tuwalya at binasa ng maligamgam na tubig. Umupo ako sa tabi ni Noah at sinimulan ko siyang punasan. Una kong pinahiran ang kanyang noo. Unti-unti nawala ang pagkakunot nito nang makaramdam ng lamig mula sa bimpo na hawak ko. Ang ganda talaga ng kanyang buhok. Kulay tanso gaya ng lumulubog na araw sa horizon. Dinampi-dampi ko ang tela paikot sa kanyang mukha. May mga pagkakataong natitigilan ako dahil napapatitig sa kanya makinis na pisngi. Mukhang nagsisimula na siyang maging komportable at hindi na naiinitan ang kanyang katawan. Ibinaba ko ang basang tuwalya papunta sa makinis niyang leeg. Napalunok ako sa ginagawa ko. Kitang-kita ko ang jawline niyang papunta sa tenga niyang naamumula dahil sa dami ng kanyang ininom.

Ibinaba ko ang pagpunas papunta sa kanyang tiyan. Napalunok ako habang tinititigan ang anim niyang pandesal. Badtrip, gusto ko itong dilaan. Ibinalik ko ang tuwalya sa batya at binalik ang mga kamay ko sa mga mababatong abs ni Noah. Nanginginig pa ang mga daliri ko habang hinahawakan ang mga ito. Dinama ko ang mga ito gamit ang dalawa kong mga kamay. Bumalik ang mga tingin ko sa kanyang mukha. Wala siyang reaksyon. Sinimulan kong imasahe ang mga palad ko sa kanyang tiyan papunta sa dalawang malaking tinapay niyang dibdib. Biglang napaungol si Noah, halatang nasasarapan sa ginagawa ko. Napaatras ako kaunti dahil baka magising ito.

Nakaupo pa rin ako sa tabi niya. Pinalipas ko ang ilang minuto. Nang mukhang nakatulog na ulit siya ay kinuha ko ang basang tuwalya at sinimulang ipahid sa malalaki niyang tinapay. Sa una ay dampi lang ang mga ginagawa ko ngunit hindi maalis ang aking tingin sa dalawang mapupulang pasas sa kanyang dibdib. Sinumulan kong pahiran ang mga ito ng basang tuwalya. Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko habang pinapaikot ang tela sa isang utong ni Noah. Ang isa kong kamay ay kusang hinawakan ang kabila niyang dibdib at nilaro ang utong nito. Muling napaungol si Noah. Napalunok ako sa ginagawa ko. Mukhang nasasarapan ito kaya mas lalo ko pang diniinan ang paglaro sa dalawang mapupulang pasas nito. Napaliyad siya sa sarap. Ibinalik ko ang tuwalya sa lalagyan nito. Bumalik ako sa kama, mabilis kong inalis ang sapataos ko at napaibabaw ako kay Noah.

"Shit, ang guwapo talaga niya," bulong ko sa aking sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mahimbing na natutulog si Noah at naririnig ko pa ang mahinang paghilik nito. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kanina pa ako nauuhaw habang nakatitig sa basa niyang katawan. Gustong-gusto ko nang sungaban ang mga tinapay sa kanyang harapan at laruin sa mga dila ko ang mga dalawa niyang utong na halatang kanina pa tigas na tigas. Dahan-dahan bumaba ang aking mukha papunta sa kanyang dibdib. Nararamdaman ko ang hininga ko na tumatalbog sa kanyang balat. Natigilan ako sa sunod na nangyari.

"No, please. I have a boyfriend," saad ni Noah habang nakapikit pa. Tulog na tulog pa rin ito. Bigla akong napaangat at napatayo sa gilid ng kama. Hiyang- hiya ako sa ginawa ko. Inayos ko ang aking sarili at mabilis na isinuot ang aking mga sapatos. Nagmadali akong lumabas ng kuwarto niya. Palabas na rin ako ng condo unit nang may bigla akong nakasalubong na tao sa pinto. Akmang papasok na rin sana ito sa unit ni Noah gamit ang sarili niyang susi.

"Who are you? Where's Apple?" tanong ng binatang may brown na buhok ang bughaw na mga mata. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa akin.

Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)Where stories live. Discover now